SPD Director clarifies status of five on-duty policemen at blotter report against Vhong Navarro

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director Chief Superintendent Jose Erwin Villacorte (kanan), hindi tinanggal sa puwesto ang limang pulis na naka-duty noong ipina-blotter ng grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee ang aktor si Vhong Navarro (kaliwa) dahil diumano sa attempted rape. Sinabi ni Villacorte na inilipat lamang ng opisina ang lima upang hindi maimpluwensiyahan ang imbestigasyon tungkol sa pambubugbog sa aktor.


Inilipat lang ng opisina at hindi tinanggal sa puwesto ang limang pulis na nagproseso sa blotter report ng grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee laban kay Vhong Navarro noong gabi ng January 22, 2014.

Ito ang paglilinaw sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng eksklusibong panayam sa telepono, ng Southern Police District (SPD) director na si Chief Superintendent Jose Erwin Villacorte, kagabi, February 4.

Kaugnay ito sa pambubugbog ng grupo nina Cedric kay Vhong sa Forbeswood Heights Condominium, sa Bonifacio Global City, dahil sa diumano’y tangkang panghahalay ng aktor kay Deniece.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Saad ni Chief Superintendent Villacorte, “Hindi talaga sila sinibak, as in sinibak.

"Kasi yung ibang mga media, ang sinasabi, sinibak, as if guilty na sila.

“Wala pa namang kasalanan yun, e.

"Undergoing nga yung investigation, kaya lang sila na-relieve.”

Ang tinutukoy na limang pulis ay sina Supt. Nelson Bautista, PO3 Dalmacio Lumiwan Jr., PO3 Lory Laureto, PO3 Eugene Pugal, at ang officer of the day na si Sr. Insp. Eduardo Alcantara.

Naging mainit ang pangalan ng limang pulis dahil hindi nila isinailalim sa medical examination si Vhong nang dinala ito ng grupo nina Cedric at Deniece upang ipa-blotter.

Inamin din ito ni Chief Superintendent Villacorte, na nagsabing may pagkukulang ang mga nakatalagang alagad ng pulisya dahil hindi nila pina-medical examination ang actor-TV host.

Read: SPD Director admits lapses in handling blotter report against Vhong Navarro



A MATTER OF PROCEDURE. Ayon pa kay Chief Superintendent Villacorte, normal na proseso lamang ang pagtatalaga sa ibang tanggapan ng mga pulis kapag may mga imbestigasyong ginagawa.

Dagdag pa niya, “Ano yun, e, it’s an administrative procedure.

“Kaya ang tawag dun, administrative relief.

“When you are undergoing investigation, nire-relieve yun as a matter of procedure, so as not to influence yung conduct ng investigation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang, yun lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN