Vhong Navarro camp confident about complaints against Deniece Cornejo, Cedric Lee

Taimtim na nakikinig si Vhong Navarro habang nagsasalita ang kanyang abugadong si Atty. Alma Mallonga sa harap ng Department of Justice prosecution panel tungkol sa kanilang inihaing supplemental affidavit sa reklamo laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at iba pang kasabwat sa pambubugbog sa aktor.


Personal na pinirmahan at sinumpaan ni Vhong Navarro ang kanyang supplemental affidavit kaugnay ng mga reklamong inihain niya laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at mga kasabwat nito.

Kaninang hapon, February 6, ay nagtungo si Vhong, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga, sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ), sa Padre Faura, Ermita, Manila.

Ang mga inihaing reklamo ni Vhong ay serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail.

Ito ay dahil diumano sa pambubugbog sa aktor ng grupo nina Cedric at Deniece sa condo unit ng modelo, sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig, noong gabi ng January 22, 2014.

Inakusahan naman ni Deniece si Vhong ng tangkang panghahalay sa kanya.

Read: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

Matapos ang pagrebisa at pagpirma ni Vhong sa mga pahina ng kanyang supplemental affidavit, sinumpaan ito ng It’s Showtime host.

Pero hindi nagpaunlak ng panayam ang aktor sa media.

Nagbigay lang ito ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal at sumusuporta sa kanya, mula noong siya ay mabugbog diumano ng grupo nina Cedric.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident



VHONG WILL NOT ATTEND PRELIMINARY INVESTIGATION. Matapos makalabas ni Vhong sa opisina ng DOJ, nagpaunlak ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang news organizations si Atty. Mallonga.

Paunang sabi ng abugado, “Alam niyo mga kaibigan, subaybayan natin ito.

"Kasi maraming ikukuwento... palabuin.

"Let’s just stay focused on the evidence.

“Let’s do this fast, let’s do this right.”

Nalaman din ng media mula kay Atty. Mallonga na hindi sisipot si Vhong sa preliminary investigation ng mga inihain niyang reklamo laban sa grupo nina Deniece at Cedric sa February 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Alam mo, he may be physically recovered, but part of the damage that was done to him is psychological, emotional…

"At saka hindi pa… hanggang ngayon, may mga threats pa sa kanya…

“Kung ikaw yun, gusto mo ba harapin yung alam mong harap-harapan ay ginagawan ka ng kung anu-anong kuwento?” saad ni Atty. Mallonga.

Pinayagan ba sila ng DOJ panel of prosecutors na hindi humarap si Vhong sa preliminary investigation?

“Just this one, yes,” sagot ni Atty. Mallonga.

Hindi pa naman daw kailangan ang physical presence ng kliyente niya sa preliminary investigation.

Dagdag niya, “In effect, we requested to have an earlier hearing kasi masyadong matagal [ang February 14].

"Gusto naming umpisahan na para hindi nila sabihin na iniimbento namin ito, umpisahan na natin.”



ON DENIECE’S RAPE ALLEGATION. Sa ginawang pagharap nina Vhong at Atty. Mallonga sa prosecutors ng DOJ, ibinigay na rin sa kanila ang kopya ng inihaing rape complaint ni Deniece laban kay Vhong sa Taguig Prosecutor’s Office noong January 29.

Read: Deniece Cornejo’s camp changes charges against Vhong Navarro from attempted rape to rape

Magsusumite ba sila ng counter-affidavit?

Sabi ni Atty. Mallonga, “Hindi na kailangan, hindi kailangan...

"Alam mo, isa lang katotohanan diyan.

“Kung totoo yung sinasabi ni Vhong, then definitely kasinungalingan yung kay Deniece.

"Nakita niyo ba yung complaint nila? Ano ba ang ’andito?"

Sa puntong ito ay itinaas ni Atty. Mallonga ang kopya ng affidavit ni Deniece.

“Ito yung complaint ng rape. Affidavit lang po ‘yan ni Deniece. Walang pangalan so…

"Siguro sa February 14 yata, sabi naman nung panel, ’di ba, na, ’Sabihin mo na lang Atty. Mallonga yung kailangan mong sabihin sa February 14.’

“Gagawin natin yun.

"Pero ang sigurado ako, walang kailangan talaga, walang kuwenta itong kasong ito."

Kung hindi magpapakita sa preliminary investigation si Vhong, dadalo na ba ito sa second preliminary investigation na gaganapin sa February 21?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Atty. Mallonga, “Titingnan natin sa February 14 kung ano’ng mangyayari.

“Ayoko kasing maging discourteous dun sa DOJ, ‘no.

"Basta February 14, sasabihin namin kung ano’ng kailangang gawin.

"In all probability, hindi na kailangang dumating si Vhong, pero as courtesy naman, pag-aaralan din namin ito."



PHOTO OF VHONG’S PRIVATE PART. May balitang kumalat na diumano sa Internet ang larawan ng pribadong bahagi ng katawan ni Vhong, na kuha raw nang gabing bugbugin ang aktor.

Mariing pinabulaanan ni Atty. Mallonga ang kuwentong ito.

Read: Cedric Lee refutes Vhong Navarro’s claim of sex-organ abuse: "Ang baboy naman nun para paglaruan namin."

“Ganito, para matapos na ito, kasi unang-una, walang ginawa kay Vhong na parang sinunog, at walang sakit si Vhong.

“Hindi ko maku-confirm kung totoo o hindi, kasi hindi ko tinitingnan yung ipinakita sa akin.

"Pero hindi ko naman... ako, marunong tumingin ano, but definitely, ang sinasabi ko lang—whether totoo o hindi ‘yan—pang-aabuso ‘yan, kasi may mga taong maniniwala na si Vhong yun.

“Nakakahiya. Huwag na nating patulan, puwede ba?

“Huwag na nating bigyan ng patol ’yan, kasi maraming walang magawa at kung ano ang gusto nilang gawin.”



TWO WITNESSES. Sa inihaing supplemental affidavit ni Vhong, isinama nila rito ang testimonya ng kanilang dalawa testigo.

Gaano kalakas ang testimonya ng dalawang witnesses nila?

Tugon ni Atty. Mallonga, “Maganda yung ano, maganda yung testimony. Makakatulong talaga.”

Sino ang mga witness na ito? Nandun ba sila sa condo unit nang maganap ang pambubugbog kay Vhong?

Sabi ng abugado ng aktor, “If these are security people, ‘no, basically, for example, napakaimportante yung pagpasok ni Cedric Lee, ilang mga tao.

"’Tapos yung security guard, sinabi rin doon na dinala nga si Vhong… andami, nine na tao.

"Nine sila lahat na nag-ano, kasama na si Vhong doon.

“At andun din sa security log, na bandang 2 o’clock in the morning [of January 23] dumating sila… 2 or 3 o’clock in the morning, bumalik sila Cedric Lee tsaka Deniece, maglilinis raw sila ng kuwarto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos, na-log din na lumabas din sila at na-log din na sumunod na lang si Deniece mga 18 minutes after.

“May witness din na nagsasabi na the next day [January 24], naghahanap ng CCTV [closed-circuit television] si Deniece."

Sa kaugnay na kuwento tungkol sa CCTV, nauna nang naiulat na ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), tumugma ang testimonya ni Vhong sa laman ng CCTV footages.

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage, says NBI



SERIOUS THREATS. Sinabi rin ni Atty. Mallonga na seryoso talaga ang banta sa buhay ni Vhong.

Kahit daw nasa ospital ito, may mga natatanggap pa rin itong mensahe ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Ngayong nakalabas na ang aktor, tiniyak nilang mapapangalagaan ang seguridad nito.

Tinanong ng PEP kay Atty. Mallonga kung gaano kalakas ang laban nila kontra sa mga akusado.

“Ano sa tingin mo? Ano sa tingin niyo?" balik-tanong ng abugada.

“In fact, lagi ko sinasabi, na this is the perfect opportunity para makita natin ang criminal justice system natin works, na nobody is above the law.

“Kung meron kang ginawang kasalanan, ang dapat, e, tanggapin mo ang consequences, makulong ang kahit na sinong gumawa ng krimen.

“Mayaman man o makapangyarihan, lahat tayo pantay-pantay.

"So, let’s do this right.

“Lagi kong sinasabi na ito ay isang bagay na puwede nating gawin nang maayos.

"Mapapakita natin sa lahat, sa lahat ng mga tao na siguro naman, crime does [not] pay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN