Atty. Ferdinand Topacio reveals settlement with Bea Binene; appeals to Raymart Santiago camp not to issue "misleading information"

Masaya ang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio na matapos ang halos dalawang taong bangayan at demandahan nila ng teen star na si Bea Binene, matatapos na rin ito sa pamamagitan ng isang mediation. Ikinalulungkot naman nito ang mga maling balitang lumalabas tungkol sa kaso ng kliyenteng si Claudine Barretto at ng asawa nitong si Raymart Santiago.


Masaya ang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio na malapit nang matuludukan ang halos dalawang taong iringan nila ng kampo ng Kapuso teen star na si Bea Binene.

Kahapon, February 19, ang itinakdang pirmahan ng magkabilang kampo sa kanilang pag-aayos sa harap ng mediation board sa Pasig City, ngunit hindi ito natuloy.

Ito na lang ang kulang upang tuluyan nang matuldukan ang kanilang sigalot.

Pagkumpirma ni Atty. Topacio, “Yes, oo. We’re very close at masaya naman ako na konting-konti na lang talaga ay magpipirmahan na kami na okay na kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), News5, at Showbiz Police si Atty. Topacio malapit sa Pasig City Hall, Miyerkules ng hapon.

Matatandaang taong 2012 nang magkagirian ang dalawang panig nang diumano’y nabastos si Atty. Topacio sa biglaang pagtalikod ni Bea sa kanya, matapos tulungan sa mga legal na usapin tungkol sa kontrata ng teen star sa GMA at pagkakaroon nito ng music album sa labas ng network.

Read: Bea Binene’s mother on Atty. Ferdinand Topacio: “Hindi kami magpa-public apology. Kasi wala kaming dapat i-public apology sa kanya.”

Read: Atty. Ferdinand Topacio files P5.7-M civil case against Bea Binene and her mother

ALL’S WELL THAT ENDS WELL. Paano ba sila nagkabati ni Bea?

Sagot ng abugado, “Well, siguro over time, kung ano man ang init noon ay lumamig na.

"I would always tell my great affection and admiration to Miss Binene and nananaig naman yun… as a daughter and as a friend."

Hindi pa raw sila muling nagkikita ng teen star, pero nagpapadala naman daw ito ng mensahe sa kaya.

“Hindi pa, but I appreciate the fact na nung last season, she sent me a Holiday greetings, pati na nung New Year.”

Paglilinaw pa ni Atty. Topacio, ang kanilang naging sigalot ni Bea ay hindi naging personal.

"It was never personal… it was not deeply personal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba niya ay naging matagal ang realisasyon ng bawat kampo upang magkaayos?

Sagot ni Atty. Topacio, “Well, I’ve been a lawyer for 22 years and alam kong these things are never easy.

“Nangyayari naman talaga, katulad nung kay Yasmien Kurdi when I was her lawyer, ’di ba?

"After two years, nagkabati na sila ni Mr. Baron Geisler.”

Ang tinutukoy ni Atty. Topacio ay ang kasong acts of lasciviousness and unjust vexation na isinampa ni Yasmien laban kay Baron noong 2009.

Taong 2011, inatras ni Yasmien ang kaso matapos humingi ng paumanhin sa kanya ang aktor.

Read: Yasmien Kurdi withdraws case against Baron Geisler after the actor apologized to her



ON CLAUDINE BARRETTO. Kamakailan naman, may balitang diumano’y naglabas na ng desisyon ang korte tungkol sa kustodiya ng daalwang anak ng kliyente niyang si Claudine Barretto.

Diumano, iginawad ang kustodiya sa estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago.

Ngunit pinabulaanan ito ni Atty. Topacio.

Aniya, “Well, wala namang ganun, e.

"We’re in the middle of the hearing, and hindi ko naman nakikita na ganun.

“Yun na nga, nakakalungkot na may mga nag-leak ng mga ganitong information na hindi nakakatulong sa kaso.

"Ayaw na naming patulan na ang mga ito."

Sa exclusive report naman ng PEP na lumabas noong February 12, nakasaad dito na nahihirapan diumano si Raymart na makasama ang mga anak kahit may mga nakatakda nang visitation rights para sa aktor.

Diumano, ayaw raw makipagkita ng mga bata sa kanilang ama.

Read: PEP EXCLUSIVE. Raymart Santiago facing visitation problems, according to source

Buwelta ni Topacio, “E, kung meron mang ganun, hindi dahil sa brainwashing siguro.

"Hindi ako makapagdetalye at umaapela nga ako sa kabilang panig na itigil na nila itong pagli-leak ng mga impormasyon dahil hindi po nakakatulong ito, at ito’y paglalapastangan sa gag order ng hukuman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din si Atty. Topacio tungkol sa balitang na-lift na raw ang Temporary Protection Order (TPO) laban kay Raymart kaya malaya na itong makabisita sa mga anak.

Sabi ng abugado ni Claudine, “A, that’s not entirely accurate, ’no.

"That will violate the gag order kung mag-elaborate ako.

"Kaya nga sabi ko, nag-aapela ako sa kabilang partido na huwag silang magli-leak ng mga impormasyong misleading, hindi po tama ’yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN