Part 2. Cedric Lee reiterates Deniece Cornejo is not his girlfriend; feels that he will not get a fair trial

Cedric Lee on CCTV footage of him and Deniece Cornejo inside the elevator: "Dahil galing kami sa SPD, bago umuwi, gutom na kami, kumain kami. ’Tapos, medyo nakainom lang ako ng konti. Pag-akyat, parang nakipagharutan lang ako sa kanya. Parang binibiro ko siya, ‘O, sarap mo kasing reypin, e!’ Parang binibiro ko lang ng ganun. Pero hindi ko talaga girlfriend yun."


Sa pagpapatuloy ng pahayag ni Cedric Lee, binanggit din niya ang pagkabuhay muli ng isyu ng dating atleta na si David Bunevacz dahil sa kinasasangkutan niya ngayong kontrobersiya.

Saad ng negosyante, “Ito pa pala ang sinasabi nila, si David Bunevacz.

"Na nakikisawsaw pa itong si David Bunevacz, kesyo he suffered the same fate.

"Binugbog daw namin siya, he was falsely accused, and Vhong [Navarro] deserves justice.

"Ang balita ko, pupunta pa raw siya ng Pilipinas to testify against me."

Read: David Bunevacz issues official statement regarding past mauling incident with Cedric Lee

Pagkatapos nito ay inilabas ni Cedric ang photocopy ng sinasabi niyang warrant of arrest kay David dahil sa kasong estafa.

“Eto ang warrant of arrest ni David Bunevacz.

"Yung mga isinampa niyang kaso sa amin, na-dismiss lahat.

“Eto, tatlong korte ‘yan—Branch 100, Branch 101, Branch 104 ng Quezon City.

"Tatlong warrant of arrests po niya, kaya hindi siya makauwi rito para harapin niya ang kaso niya."

BLACK PROPAGANDA. Pagpapatuloy ni Cedric, “’Tapos, yung pinalabas nilang black propaganda against us, ginawan nila ako ng Facebook, ginawan nila ako ng Twitter.

“Hindi ako marunong mag-computer.

"Maski email ko, pini-print pa po ng secretary ko. Tamad po ako mag-aral ng computer.

"Wala akong Facebook, wala akong Twitter.

“Ginawan nila ako ng Facebook, making it appear that it’s me defending myself in an arrogant manner.

"Parang sinasabi ko, hindi ko kailangan mag-extort ng one million [pesos] dahil mayaman ako, ganyan, para mabuwisit ang mga tao sa akin."

Diin niya, “Hindi ko Facebook account yun, at hindi ko Twitter account yun.

"Ganun katindi yung special ops na ginagawa sa akin.

“Whoever’s behind it, they have na machinery to do it, ’di ba?

“’Tapos, pinalabas nila, nag-book na raw ako ng ticket papunta sa Singapore, tatakas na kami ni Deniece [Cornejo]."

Ipinakita rin ni Cedric ang photocopy ng kanyang passport upang patunayang wala siyang balak tumakas ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto ang passport ko, expired na.

"Ayan o, June 2014—six months before, hindi mo na puwedeng gamitin ‘to."

"THEY WANT TO DEMONIZE ME." Muli ay binanggit ni Cedric ang kanyang hinanakit sa ABS-CBN dahil sa pagpuprotekta diumano ng network kay Vhong Navarro.

“So, kitang-kita mo na dito, talagang… they want to demonize me, especially ABS-CBN.

"I’m sorry to say, ha? Talagang ganun, e.

“Naintindihan ko, they have to protect their own, e.

"Pero sana naman, timbangin naman nila.

"Kung gusto nilang proteksyunan, alamin muna nila, dig deeper.

“Pag rapist na yung tao, hindi na dapat nila pinapayagan nang ganyan.

"Dahil noontime show host ‘yan, mga kabataan ang mga humahanga at nanonood sa kanya, ’tapos pinagtatakpan nila nang ganyan."

Saad pa niya, “At least, nandito kayo ngayon, Channel 2, Channel 7, equal lahat, narinig ninyo lahat.

"Hindi ko alam kung pagdating sa gabi, e, i-edit na naman ng Channel 2 ’to."

Ang ibig sabihin dito ni Cedric ay ang report na gagawin ng news programs ng ABS-CBN na TV Patrol at Bandila tungkol sa panayam niyang ito.

TRYING TO GET HIS SIDE. Sa puntong ito ay sumingit ang reporter ng TV Patrol na si Marie Lozano.

Aniya, “Cedric, in all of the accusations, kinuha ng ABS yung side... kinukuha nila at sinusubukang kunin ang panig mo.”

Tanggi naman ni Cedric, “Hindi po nila kinuha ang panig ko.

"Ni-report muna nila na binubugbog ko si Vina [Morales, his ex-girlfriend].

"Si Vina, nagbigay ng statement [kinabukasan] na hindi totoo.

“Ni-report nila yung mga anomalous projects ko without asking me first.

"Ni-report nila na hawak ko yung NBI clearance project, hindi totoo.

"They didn’t ask me first. Wala.

"Ni-report na nila agad sa TV Patrol, damage has been done."



NOT AVAILABLE. Sabi uli ni Marie kay Cedric: "But Cedric, we always try to get your side. Pag may mga ganyan, kinukuha namin, but you’re not always available to answer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon naman dito ni Cedric, “Does that give you the right to report? Mga reports na hindi totoo, just because I never gave an answer, ’di ba?”

Singit ulit ni Marie: “You were saying na may sinabi ka na that ’rape cases are coming out...’”

Paglilinaw ni Cedric: “Hindi ko sinabi na rape cases are coming out.

“Sinabi ko, nagpasalamat sa akin ang mga kaibigan ko sa ginawa ko kay Vhong dahil sila rin daw, minolestiya ni Vhong, binastos ni Vhong, at in-attempt ni-rape, ang iba na-rape.

"Iba-iba ang sitwasyon. Ang iba natuloy, ang iba hindi natuloy.

“Ang sagot ko lang sa kanila, ’E, kung ginanun kayo ni Vhong, e, di kasuhan ninyo.’

"E, nahihiya sila dahil siyempre, hindi naman… that’s not something to be proud of para sa isang babae, lalo na sa kultura nating mga Pilipino.

“E, ngayon, sumobra na, e. Naglalabasan na isa-isa.

"Wala akong kinalaman dun."

ROXANNE. Tanong naman ni Ivan Mayrina ng GMA News: “Ms. Acosta said for the record na you know her.”

Ang tinutukoy ni Ivan ay si Roxanne Acosta Cabanero na naghain din ng reklamong rape laban kay Vhong.

Sagot ni Cedric, “I don’t know her.

"But since nakita ko na sa TV ngayon, at kung sino ang lawyer, at sino siya, my lawyer decided to reach out to her lawyer to offer help and support, to collaborate with each other.

"What’s wrong with that?

“The enemy of my enemy is my friend, ’di ba?”

THE ELEVATOR SCENE. Sumingit naman ng tanong ang PEP kay Cedric: “Sa latest developments ng kaso, yung mga naglalabasan sa CCTV, ano ang masasabi mo dun? Like, yung pinapalabas na humalik ka kay Deniece pagbalik niyo galing sa police headquarters? Ano talaga ang meron kayo ni Deniece?”

Tugon ni Cedric, "Wala talaga, kaibigan ko lang yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya sa CCTV footage nila ni Deniece sa loob ng elevator, "Dahil galing kami sa SPD, bago umuwi, gutom na kami, kumain kami.

"’Tapos medyo nakainom lang ako ng konti.

"Pag-akyat, parang nakipagharutan lang ako sa kanya.

"Parang binibiro ko siya, ‘O, sarap mo kasing reypin, e!’

"Parang binibiro ko lang nang ganun. Pero hindi ko talaga girlfriend yun."

Sabi pa niya, “Nakita niyo naman sa ginawa ng ABS-CBN, pinalabas nila, girlfriend ko si ganito, si ganito—hindi naman totoo lahat yun, e.

“Kung sinu-sino ang mga pangalan ng mga artista na nilista nila dun sa The Buzz na girlfriend ko lahat, hindi po totoo lahat yun.

"And assuming na totoo po lahat yun, si Deniece doesn’t fall into that category."

Tanong uli ng PEP: “Sa naglalabasan ngayong mga CCTV footage, ang perception ng karamihan ay tila totoo yung mga sinasabi ni Vhong. Ano ang masasabi mo dun?”

Ayon kay Cedric, “Yung CCTV, makikita mo ang ginagawa ng ABS-CBN.

"Lahat na fineed sa kanila ng NBI na CCTV, ni-report agad nila na tugma sa kuwento ni Vhong.

“First of all, walang nag-authenticate, walang nag-certify ng authenticity nun, ’di ba? Kung tampered yun, spliced yun, o ano.

“Ini-splice lang yun ng Megaforce, e. Hindi naman ibinigay yung CCTV for the whole day, e."

Ang Megaforce ang security service ng Forbeswood Heights.

Dagdag pa ni Cedric, "Anything spliced, wala nang ano yun, hindi na authentic yun.

“Pero for the sake of argument, sabihin na lang natin na maski spliced yun, maski hindi na authentic yun, gamitin nating ebidensiya yung CCTV, yung pini-feed ng ABS-CBN na footages sa TV at pinalalabas nilang tugma sa version ni Vhong, hindi pa naman nila narinig yung version namin dun, e.

“Kung umakyat ang isang tao, bumaba sa elevator, pumasok si ganito, lumabas si ganito, puwedeng may sarili kang version dun, puwedeng may sarili rin akong version dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang CCTV, puwedeng pabilisin, puwedeng pabagalin.

“Yung halik na smack, puwede kong palabasin na halik ng sampung segundo, i-extend mo lang yun.

"Maraming puwedeng gawin sa CCTV. Kaya sinagot na namin lahat sa DOJ yun, ’di ba?”

SIMPLE CASE. Tanong uli ni Marie ng TV Patrol: “Why did it take you so long to talk now? Kasi ang dami ngang nangyari in the past few weeks, ba’t ngayon ka lang nagbigay ng pahayag?”

Sagot ni Cedric, “As much as possible, kasi akala ko naniniwala ako sa legal justice system natin dito, e.

"Sa korte na mag-submit ng ebidensiya, ’tapos patas ang mga piskal natin at mga judge natin.

“Kaya lang, sa ginagawa ng ABS-CBN, hindi pa umaabot sa trial, hindi pa kami nakakasagot, pinatay na ako, e, ’di ba?

“Ginawa na akong gangster mafia na abusado na bully, e.”

Tanong naman ni Ivan: “Ngayon na the complaint has been submitted for resolution, are you prepared for whatever the outcome?”

Tugon ni Cedric, “Wala na tayong magagawa, e. Nandiyan na ‘yan, e.

"Alam naman natin ang diin ng ABS-CBN, e, ’di ba?

“Napi-pressure na yung mga taga-DOJ dahil sa diin ng ABS-CBN.

"Araw-arawin ka ba naman sa loob ng dalawang linggo? Ginawa akong headlines, e, ’di ba?

“As if Maguindanao massacre ang ginawa ko!

"Simpleng rape, bugbugan lang ito.

"Kaya na itong i-handle ng ordinary fiscal sa Taguig o kung saan man nangyari. Bakit kinuha pa ng DOJ?

"Hindi naman ‘to plunder, hindi naman ‘to pork barrel, hindi naman ‘to Napoles, hindi naman ‘to Maguindanao massacre. Ba’t kinuha?

“Makikita mo, may dumidiin sa itaas, e. So, I don’t think I will get a fair trial...

"I hope I will get a fair trial.

"But the way that it goes kanina, lahat ng motion namin, denied lahat."

Sabi pa ni Cedric, “Kulang-kulang ang mga ebidensiyang ibinigay sa amin, hindi kami makasagot ng kumpletong counter-affidavit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Patingi-tingi ang ebidensiyang isa amin, paano kami makasagot ng kumpletong affidavit?

"So, humihingi kami ng extension, ayaw ibigay, denied lahat.”

Read: DOJ panel junks omnibus motion of Deniece Cornejo, Cedric Lee; lawyer denies delaying tactics

THE "POWER" OF ABS-CBN. Tanong uli ng PEP: “Ano ang plano mo since ipinagdidiinan mong kagagawan ng ABS-CBN itong lahat ng nangyayari sa iyo?”

Pabirong sagot ni Cedric, "Mag-a-apply ako sa ABS-CBN, mag-aartista na rin ako!"

Ngunit dagdag din niya, “Wala ka namang magagawa sa ABS-CBN, e.

"Siyempre Goliath ’yan, e. They can sway the public perception.

“They can topple presidents, ’di ba?

"E, sino ba naman ako, simpleng negosyante lang?

“Walang maibato sa akin. Legal naman ang negosyo ko.

"Imbestigahan nila ako sa BIR [Bureau of Internal Revenues]...

"Iniimbestigahan ako ng BIR ngayon, ipinakita ko sa BIR ang mga kumpanya ko.

"Lahat naman ‘yan, most of it were incorporated but never went operational. So, dormant na ‘yan.

“Yung mga operational naman, updated naman ang mga taxes nun, and I have tax clearances for that.”

Tanong naman ng TV5 reporter na si Camille Abadicio: “Naapektuhan ba yung mga negosyo mo?”

Sagot ni Cedric, “Naapektuhan in a sense na iniimbestigahan ako ng BIR. Pero wala naman akong itinatago.”

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ng pamunuan ng ABS-CBN kaugnay ng mga naging pahayag ni Cedric Lee laban sa kanilang network, at maging sa panig ng iba pang personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN