Anne Curtis says there was never an issue between her and couple John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban

Anne Curtis on reported feud with Angelica Panganiban: “Okay naman talaga kami, as in there is no issue at all. Even with John Lloyd, walang isyu at all. It’s really the press that made it exaggerated, but super no issue at all.”


“Hindi naman kami nagkaaway,” paglilinaw ni Anne Curtis nang tanungin tungkol sa "pagbabati" nila ni Angelica Panganiban.

Si Angelica ang girlfriend ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz, na isa sa tatlong taong sinampal ni Anne sa Privé Luxy Club noong madaling-araw ng November 23, 2013.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Dahil sa insidente, marami ang nag-aakalang nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Anne at Angelica.

Ngunit nabura ang agam-agam na ito nang batiin ni Angelica si Anne sa kaarawan ng huli noong February 17, sa pamamagitan ng Instagram.

Read: Angelica Panganiban and Anne Curtis miss each other’s company

NO ISSUE AT ALL. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa press conference ng kanyang bagong endorsement, ang American Tourister luggage brand, na ginanap sa Aracama, sa The Fort, kaninang hapon, February 24, nilinaw ni Anne na hindi kailanman nagkaroon ng isyu sa kanila ni Angelica.

“Okay naman talaga kami, as in there is no issue at all.

“Even with John Lloyd, walang isyu at all.

“It’s really the press that made it exaggerated, but super no issue at all.”

Hindi ba talaga naapektuhan ang friendship nila ni Angelica?

“Not at all, as in not at all,” diin ng aktres.

Sa Instagram post ni Angelica noong birthday ni Anne, sinabi niyang nami-miss na niya ang kanyang “kambal”—ang term of endearment ng dalawang Kapamilya actresses.

Sabi naman ni Anne tungkol dito, “Kasi dati, magkapitbahay kami, ’tapos ngayon hindi na.

“Hindi na kami araw-araw nagkikita.”

JOHN LLOYD’S BIKING ACCIDENT. Nabalitaan din daw ni Anne ang minor accident na kinasangkutan kamakailan ni John Lloyd, habang sinu-shoot ang summer station ID ng ABS-CBN.

Ayon kay Anne, tiniyak sa kanya ni Angelica na nasa maayos na kalagayan naman ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: John Lloyd Cruz involved in minor biking accident in Tarlac

Tinanong ng PEP si Anne kung paano niya na nalaman ang kundisyon ni John Lloyd mula kay Angelica matapos ang aksidente. Kinumusta ba niya si John Lloyd?

“Yeah, yeah,” pagkumpirma ng actress-host.

“I actually messaged Angelica about it because I didn’t know if he [John Lloyd] could text [after the accident].

“Okay naman daw.”

Pero sa balita raw niya unang nalaman ang nangyari kay John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN