Bea Binene denies reported confrontation between her mom and Jake Vargas’s sister

“Nakakalungkot na gumagawa sila ng paraan para masira kami, idinadamay pa yung wala naman talagang kinalaman,” says Bea Binene about the alleged confrontation between her mom and boyfriend Jake Vargas’s sister.


Ipinagkibit-balikat na lamang ni Bea Binene ang panibagong intrigang ipinupukol sa kanila ng boyfriend niyang si Jake Vargas.

Kamakailan kasi ay may blind-item report—na kinalaunan ay pinangalanan din—na nagkaroon diumano ng kumprontasyon sa pagitan ng nanay ni Bea at nakatatandang kapatid ni Jake.

Una na itong pinabulaanan ni Jake sa isang panayam.

Sabi ng young actor, “Hindi po totoo ‘yan.

“Never na nagsabunutan or nagpalitan ng masasakit na salita ang ate ko at si Mommy Carina, walang ganun.”

Read: Jake Vargas denies confrontation between his sister and Bea Binene’s mom

Halos ganito rin ang sinabi ni Bea tungkol sa isyu nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media sa fashion event ng iniendorso niyang clothing brand kagabi, March 12.

“Wala pong totoo do’n. Wala po talaga,” paulit-ulit na pahayag ni Bea.

Maayos naman daw kasi ang relasyon nila ni Jake sa kani-kanilang pamilya.

Ani Bea, “Si Jake sa pamilya, okay naman. Kay Mama, sobrang okay siya.

“Kahit sa mga kapatid ko, sobrang okay siya.

“Parang itinuturing na rin ni Mama na parang anak siya.

“Ako, sa family ni Jake, okay naman.”

Wala raw ideya si Bea kung saan nanggagaling ang mga negatibong isyu tungkol sa kanila ni Jake.

“Hindi ko alam kasi kung saan nanggagaling, kung sino ang nagkakalat, kung sino ang gumagawa ng ganyang isyu.

“Hindi ko po talaga alam kung saan nanggagaling.

“Nakakalungkot na gumagawa sila ng paraan para masira kami, idinadamay pa yung wala naman talagang kinalaman.”

Kaugnay nito, hindi rin daw totoong pilit silang pinaghihiwalay ni Jake ng kanyang ina.

Sabi ni Bea, “No. Kasi si Mama, sobrang anak ang turing niya kay Jake. So, walang katotohanan.

“Kasi, si Mama, okay naman siya sa akin as long as alam niyang wala akong ginagawang masama, wala akong tinatapakang tao, as long as alam niya ang ginagawa namin ni Jake, as long as hindi kami nagtatago sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa kanya, okay naman siya, kasi alam niyang ‘yon naman ang happiness ko.”



LIVING TOGETHER. Pinabulaanan din ni Bea ang bali-balitang nagli-live in na raw sila ngayon ni Jake.

Sabi ng 16-year-old Kapuso actress, “Normal lang po sa isang tao na pumunta sa bahay ng isang kaibigan.

“Masama ba ‘yon? Hindi naman, ’di ba?

“Hindi naman kami ganun.

“Si Jake, hinahatid niya ako, sinusundo niya ako.

“Umaalis kami, pero wala po, hindi po ganun.”



STRONGER RELATIONSHIP. Sa kabila ng mga intriga, nanatili naman daw matatag ang relasyon nila ng kanyang 21-year-old boyfriend.

“Okay kami. We’re okay. Napag-uusapan namin kung bakit ganun, pero okay kami,” sabi ni Bea.

Dahil dito, malabo raw na maghiwalay sila dahil lamang sa intriga.

“Siguro kasi matagal na rin po kaming magkasama, kilala na namin ang isa’t isa, alam na namin ang flaws ng isa’t isa.

“Siguro kahit alam namin yung totoo, o hindi naman kasi talaga totoo, bakit pa kami magpapaapekto?

“Bakit pa kailangan naming maghiwalay sa isyung hindi naman totoo?”

Noong nakaraang taon ay panandaliang naghiwalay ang magkasintahan dahil sa ilang di pagkakaunawaan. Subalit nagkabalikan din ang dalawa bago matapos ang taon.

Read: Jake Vargas reveals reasons for breakup with Bea Binene

Read: Bea Binene and Jake Vargas back in each other’s arms


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN