Gretchen Barretto bails sister Claudine’s former personal assistant out of jail

Malaki ang pasasalamat ni Dessa Patilan kay Gretchen Barretto dahil sa pagbayad ng piyansa nitong P60,000 para pansamantalang makalaya sa Marikina City Jail. Nakulong si Dessa dahil sa kasong qualified theft na isinampa laban sa kanya ng bunsong kapatid ni Gretchen na si Claudine Barretto.


Pansamantalang nakalabas sa Marikina City Jail si Dessa Patilan, ang dating personal assistant ni Claudine Barretto na nakulong dahil sa kasong qualified theft na inihain ng aktres laban sa kanya.

Masayang-masaya ang mukha ni Dessa habang palabas sa Marikina Hall of Justice bandang ala-una ng hapon ngayong araw, March 17.

Kasama niya ang kanyang dalawang abugado na sina Atty. Noel Lazaro at Atty. Alma Mallonga.

Bungad ni Dessa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ABS-CBN News, GMA News, at News5, “Masaya po... masaya po.

"Kasi nakalabas na po ako sa tulong ng mga attorney at sa mga taong tumulong po sa akin.”

Halos sampung buwang nakulong si Dessa, 20, sa Marikina City Jail dahil sa reklamong pagnanakaw na isinampa ni Claudine, 34, noong nakaraang taon.

Ito ay nag-ugat sa bintang na pagkulimbat ni Dessa ng mga alahas at pera na umabot daw sa P8.5 million ang halaga.

Read: Claudine Barretto foils personal assistant’s alleged attempted robbery

Pero mahigpit itong pinabulaaan ni Dessa.

Dahil dito, nagsampa rin ang tubong-Samar na dalaga ng kontra-demanda sa dating amo ng pagnanakaw ng kanyang perang naipon at gadget na umabot sa halos P13,500.

Read: FIRST READ ON PEP: Claudine Barretto’s personal assistant files theft complaint against her



THANKFUL TO GRETCHEN. Inamin na noon ni Atty. Mallonga na ang kaso ni Dessa ay naiparating sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng aktres na si Gretchen Barretto, ang kapatid ni Claudine.

Ang kanila naman daw serbisyo sa kaso ni Dessa ay pro bono o libre.

Read: Atty. Alma Mallonga on Claudine saying that Gretchen Barretto is behind theft complaint against her: "The insinuation is unfair...oppressive...and a virtual slur."

Mangiyak-ngiyak na pasasalamat ni Dessa sa nakatatandang kapatid ng kanyang dating amo, “Nagpapasalamat po ako sa kanya kasi kahit ganito lang po ako, tumulong po siya sa akin.”

Ulilang lubos na si Dessa at isang kapatid na lamang ang kanyang immediate family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya isa raw malaking bagay sa kanya ang pagtulong ni Gretchen sa kaso niya at sa pagbayad nito ng piyansang P60,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Saad ni Atty. Mallonga tungkol sa pagtulong na ito ni Gretchen, “Of course, she thinks that doing the right thing is a good thing to do.

“‘Di ba, ang lahat sa atin, kung meron tayong paniniwala na meron tayong kabutihan na puwedeng gawin, gawin natin.

"Actually, we have tried the bail reduced, but medyo mahaba yung proseso.

“In element, medyo yung bail naman na yun ay ibabalik naman, e, so long as Dessa faces the judges, dumating siya at haharap sa kaso.

"Parang pampahiram lang siya, pampatulong sa kanya.

“Walang ibinibigay sa kanya na pera kundi pahiram lamang.”

SUICIDE ATTEMPT. Kumusta naman ang naging kalagayan ni Dessa sa loob ng piitan sa loob ng halos sampung buwan?

Tugon niya, “Mahirap po kasi andun po lahat.

"Pero nasanay po ako na makisama sa kanila, natuto po akong maging matatag na mag-isa lang ako, na walang family.”

Ano ang mga naiisip niyang gawin ngayong nakalaya na siya?

Ani Dessa, “Naiisip ko po na sa wakas, nandito na ako sa labas.

"Ten months na pagtigil ko sa loob, na habang nasa loob ako, iniisip ko yung pamilya ko.

"Andito na po ako.”

Dumating ba yung puntong nawalan na siya ng pag-asang makalabas?

Pag-amin ni Dessa, “Opo, dumating po yung time na sobra na po akong nasaktan, na parang wala na pong bukas... nagtangka akong maglaslas.”

October 2013 daw nang pinagtangkaan ni Dessa ang kanyang sariling buhay, ngunit nailigtas siya ng mga namamahala ng selda.

Bakit siya nagtangkang magpakamatay?

Sagot ni Dessa, "Para matapos na po ang buhay ko kasi hindi ko na po kaya."

Matapos daw noon ay marami ang nagpayo sa kanyang hindi pa ito ang katapusan ng mundo kaya nagkaroon muli siya ng pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-enrol din daw siya ng training sa pagmamasahe, at ngayon ay isa na siyang qualified massage therapist.

Gagamitin daw niya itong panimula sa paghahanapbuhay sa labas ng kulungan.

Sa huli, inusisa ng media si Dessa kung may galit pa ba siya kay Claudine.

Sagot niya, “Dati po meron, pero ngayon wala na.”

Pansamantala munang tutuloy si Dessa sa isang orphanage sa Marikina City kung saan may maayos daw itong matutulugan at pagkain.

Kinuha rin ng PEP ang panig ni Claudine sa pamamagitan ng abugado nitong si Atty. Ferdinand Topacio ngunit sagot nito, “Hindi po ako ang lawyer sa case.”

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN