Michael V. dismisses talk that Bubble Gang got better after Ogie Alcasid left the show

Ayon sa komedyanteng si Michael V., mas produktibo na ang relasyon sa pagitan ng Bubble Gang at MTRCB matapos silang ipatawag sa opisina nila dahil sa isang "sexist gag."


Ipinagtanggol ni Michael V. ang kaibigang si Ogie Alcasid sa mga nagsasabing mas gumanda raw ngayon ang gag show nilang Bubble Gang sa GMA Network simula nang umalis dito ang singer-songwriter.

Depensa pa ni Michael V. sa kaibigan, “Hindi, hindi naman.

"Nabigyan lang siguro ng opportunity yung ibang mga bagets na talent namin and, it turns out, okay sila.

“And nagustuhan ng mga tao siguro dahil na rin sa audience namin.

"Nadadagdagan kami ng bagets na audience na naa-attract nung cast.

"So, I think that’s the reason na nag-improve yung viewership.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang business correspondents si Michael—mas kilala rin sa tawag na Bitoy—sa roundtable discussion na pinangasiwaan ng Procter and Gamble Philippines para sa iniendorso nitong Joy Dishwashing Liquid.

Naganap ang discussion sa Boardroom ng P&G office, 6750 Tower, Ayala, Makati City, noong Biyernes, March 28.

Ito na ang ika-20 taon ng nasabing dishwashing liquid sa bansa, kung saan labing-anim na taon na rin itong iniendorso ni Bitoy.



“WE HAVE TO COMPENSATE.” August 6, 2013 nang pumirma ng kontrata sa TV5 si Ogie.

Naiwan nito sa GMA ang dalawang palabas—ang Sunday All Stars at Bubble Gang.

Read: Ogie Alcasid on critics of his decision to move to TV5: "I am not answerable to them, except God."

Aminado si Michael V. na malaking kawalan sa kanilang comedy show ang paglipat na ito ni Ogie.

Aniya, “Oo, kasi we have to compensate, e. Ang hirap, e.

“Ang laking segment ng ’Boy Pick-up,’ e.

"Ang laking artista ni Ogie, ang laki ng influence sa Bubble Gang and all.

"So, we had to do something about it."

Kaya naman dito na raw naisip ng production na bigyan ng kanya-kanyang segment ang mga baguhan, kabilang na sina Betong Sumaya at Sef Cadayona.

SELF-REGULATION. Ngayon naman daw, mas maingat na ang namamahala ng show, pati na rin ang cast sa kanilang jokes at gags.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinaalang-alang daw nila ang self-censorship sa show matapos silang maipatawag sa opisina ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa sensitibong episode ng show noong 2013.

Read: MTRCB summons Bubble Gang over sexist gag

Dagdag pa ni Bitoy, “There was an incident earlier this year, na pinapunta kami sa MTRCB office, na na-summon kami.

“Well, it turned out to be parang mas ano pa, mas collaborative pa na relationship between gag show, particularly our show, at MTRCB.

“Mas marami kaming natutunan, mas marami kaming puwedeng gawin this time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN