PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Deniece Cornejo slams DOJ, Vhong Navarro on Instagram after warrant of arrest order

Deniece Cornejo appeals to Vhong Navarro to admit his sins.
by Arniel C. Serato
Published Apr 17, 2014
Sa mga bagong patutsada ni Deniece Cornejo sa Instagram, sinabi nitong alam niya ang kanyang mga karapatan at kanya raw itong ipaglalaban hanggang sa huli.

May bagong mga patutsada si Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro, sa isang istasyon ng telebisyon, at sa Department of Justice (DOJ).

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@onlyrealdeniece), sunud-sunod ang banat ni Deniece sa mga ito matapos ibasura ang rape complaint na inihain niya laban sa actor-TV host.

Kasunod pa nito ang pagpapalabas ng Taguig Municipal Trial Court ng warrant of arrest laban sa kanya at sa mga kasamahan niyang sangkot sa pambubugbog kay Vhong noong gabi ng January 22, 2014, sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig City.

Read: Taguig court issues warrant of arrest for Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects in Vhong Navarro case



“RAPIST CAN BE ANYONE…” April 11, lumabas ang balitang may standing warrant of arrest na si Deniece, ang magkapatid na Cedric at Bernice Lee, at ang mga kaibigan ni Cedric na sina Simeon “Zimmer” Raz Jr., Jed Fernandez, Ferdinand Guerrero, at Jose Paolo "JP" Calma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, binatikos ni Deniece ang DOJ.

Kinuwesityon din ng modelo ang timing ng pagpapalabas ng utos na puwede na silang arestuhin para sa grave coercion case na isinampa ni Vhong dahil daw may ipalalabas itong pelikula.


Sa Sabado, April 19, ay ipapalabas sa mga sinehan ang bagong pelikula ng komedyante na Da Possessed.

Ang dalawang magkasunod na posts ay may caption na "#mad."



“VHONG NAVARRO HUWAG KANG DUWAG!” Binanatan din ni Deniece si Vhong dahil pinairal daw nito ang pagiging sikat.

May caption ang post na ito na "#supermad."

Pinatamaan din ni Deniece ang isang TV network, na kahit hindi nito pinangalanan, halata namang ang tinutukoy nito ay ang ABS-CBN, kung saan kasalukuyang nakakontrata ang tinaguriang "Horror Comedy King."

Walang caption ang post na ito.

Sa huli niyang post, sinabi ni Deniece na wala siyang balak tumakas sa bansa dahil expired na raw ang kanyang passport.


Wala rin siyang inilagay na caption dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



“UMAMIN NA SIYA…” Kahapon, April 16, iginiit ni Deniece na wala siyang balak umalis ng bansa.

Sa panayam ng 24 Oras ng GMA, matapos siyang maglagak ng piyansa sa Taguig, sinabi nitong, “As I said, I will face the music, so ito ang patibay na nag-surrender ako for the grave coercion.”

Nanawagan din siya kay Vhong na aminin na nito ang diumano’y mga kasalanan niya ngayong Semana Santa.

Saad niya, “Umamin na siya. Dahil Holy Week na ngayon, lahat ng kasalanan niya, sabihin na niya.”

Matatandaang inakusahan ni Deniece si Vhong ng panggagahasa, hindi lamang isa kundi dalawang beses, noong nagpunta ito sa kanyang tinutuluyang condo unit noong January 17 at January 22 ng taong kasalukuyan.

Read: Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once, but twice

Sampung araw mula kahapon, inaasahang maglalabas na ang Taguig MTC ng resolusyon tungkol naman sa serious illegal detention complaint na inihain ni Vhong laban pa rin sa grupo nina Deniece at Cedric.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ngayon daw, may mga operatiba na ang National Bureau of Investigation (NBI) na kumikilos upang ipatupad ang warrant of arrest sa mga kasamahan ni Deniece na hindi pa nakapagpiyansa.

Kung sakaling maaresto ngayong Holy Week, sa Lunes pa, April 21, maaaring makapagpiyansa ang mga ito.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pahayag ni Deniece tungkol sa kanyang Instagram posts at sa iba pang usapin tungkol sa isyu, ngunit nakapatay ang telepono nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa mga bagong patutsada ni Deniece Cornejo sa Instagram, sinabi nitong alam niya ang kanyang mga karapatan at kanya raw itong ipaglalaban hanggang sa huli.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results