Pormal nang naglabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Court laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo para sa kasong serious illegal detention.
Kaugnay ito ng insidenteng pambubugbog kay Vhong Navarro sa Forbeswood Heights Condominium, sa Taguig City, noong January 22, 2014.
NON-BAILABLE OFFENSE. Sa ulat ng GMA News Online, inihayag ni Chief Superintendent Jose Villacorte, pinuno ng Southern Police District, na natanggap nila ang kopya ng arrest warrant para sa grupo nina Cedric at Deniece ngayong Lunes, April 21.
Kasama rin sa ipinaaresto ang suspects na sina Simeon “Zimmer” Raz Jr., Ferdinand Guerrero, at Sajed “Jed” Fernandez Abuhijleh.
Ang dalawa pang suspects na sina Bernice Lee at Jose Paolo “JP” Calma ay hindi nabanggit sa naturang warrant of arrest.
Ang kasong serious illegal detention ay itinuturing na non-bailable offense.
Ayon sa inisyung warrant of arrest, na pirmado ni Judge Esperanza Cortes, hindi sapat ang inihaing depensa ng grupo ni Cedric na kinailangan nilang magsagawa ng “citizen’s arrest” laban kay Vhong matapos diumanong halayin ng aktor si Deniece noong gabi ng January 22.
Taguig RTC branch 271 releases arrest warrant against Cedric Lee et al for Violation of Art 267 of RPC | @isay_reyes pic.twitter.com/pkjoEA4zXp
— DZBB Super Radyo (@dzbb) April 21, 2014
Matatandaang inihain ng Department of Justice (DOJ) sa Taguig MTC ang kasong serious illegal detention at grave coercion laban kina Cedric, Deniece, Bernice, Zimmer, Jed, Ferdinand, at JP noong April 10.
Kasama rin sa joint resolution ng DOJ ang pagbasura sa reklamong panggagahasa na inihain ni Deniece laban kay Vhong.
Ito ay sa kadahilanang walang sapat na ebidensiya na makapagpapatunay na ginawan ng karahasan ng It’s Showtime host ang 22-year-old model sa loob ng condo unit nito.
Nag-file ng motion for reconsideration ang kampo nina Cedric at Deniece noong April 11, at na-submit for resolution ang kasong serious illegal detention noong April 16.
Nauna namang lumabas ang warrant of arrest para sa grupo nina Cedric at Deniece noong April 14.
Ngunit sa pitong akusado, tanging sina Jed at Deniece lamang ang nagpakita sa korte upang magpiyansa para sa kasong grave coercion noong April 16 at April 17, respectively.
Read: Accused in Vhong Navarro grave coercion case posts bail
Read: Deniece Cornejo posts bail for grave coercion raps
Samantala, ibinunyag ng mamamahayag na si Tony Calvento na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa ‘di pa nakikilalang lalaki at iba pang mahalagang detalye tungkol sa nangyaring pambubugbog kay Vhong.
Isa umano sa mga akusado ay handang lumantad at maging witness hinggil sa kasong kinahaharap ng grupo nila nina Cedric at Deniece.
Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag ang legal counsel nina Deniece at Cedric na si Atty. Howard Calleja, ngunit hindi pa ito sumasagot sa ngayon.
CONTINUOUS QUEST FOR JUSTICE. Samantala, bagamat nagpapasalamat sa pag-isyu ng warrant of arrest sa ibang mga akusado, umalma ang kampo ni Vhong kaugnay ng hindi pag-isyu ng warrant of arrest sa dalawa pang akusadong sina Bernice Lee at JP Calma.
Ayon sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, may pananagutan din sina Bernice at JP na kasama sa sinampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion ng It's Showtime host.
Si Bernice ay kapatid ni Cedric na kasamang natukoy sa CCTV footage na nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Forbeswood Heights, noong gabing nabugbog si Vhong.
Ito ang kabuuang pahayag ni Atty. Mallonga sa ipinadala nitong text message sa PEP ngayong hapon, April 21:
"The issuance of arrest warrants against Cedric Lee, Deniece Cornejo, Simeon Raz, Jed Hernandez, and Ferdinand Guerrero represents an important development in Vhong's quest for justice.
"We are truly thankful. We have faith in the process. We will continue to work hard to ensure that all who are responsible for the crime are held to account.
"Following that process, we want to know why no warrants of arrest were issued against Bernice Lee and JP Calma.
"Upon the facts and the law, they are equally culpable.
"We will avail of all legal remedies to bring them to the bar of justice."
