PEP EXCLUSIVE. TV5 denies local adaptation of Pretty Little Liars is shelved

Pinabulaanan ni Ms. Wilma Galvante, chief entertainment content officer ng TV5, ang balitang shelved na raw ang local adaptation nila ng sikat na American TV series na Pretty Little Liars. Ayon sa TV executive, may problema lang sa kanilang programming grid dahil sa sports programs na kasalukuyang umeere sa istasyon.


Nakatanggap ng feed ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang sources na “shelved” na raw ang local adaptation ng hit American series na Pretty Little Liars.

Ang TV5 ang nakabili ng local franchise nito mula sa Warner Bros.

Ayon sa unang source ng PEP, hindi raw nagustuhan ng foreign producers ang nagawang episode na nagawa ng local production kaya hindi na raw ito naere ngayong Abril.

Matatandaang noong nakaraang taon, isa ang Pretty Little Liars sa ipinagmamalaking shows ng TV5 na ipalalabas nila sa second quarter ng 2014.

Ang mga bida sa local adaptation ng Pretty Little Liars ay sina Sophie Albert, Chanel Morales, Stephanie Rowe, Valeen Montenegro, at Danielle Lee (kapatid ni Divine Lee).

Ang direktor ng show ay si Mac Alejandre.

April ang sinabi nilang target date para sa pagsisimula ng programa, pero magtatapos na ang buwan ay hindi pa rin ito naipalalabas.

Read: TV5 introduces 2014 shows amidst threat of work stoppage from employees

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Warner Bros reveals TV5 is the first station in the world allowed to remake Pretty Little Liars

Sabi naman ng pangalawang source ng PEP, dahil daw sa hindi pagka-apruba ng program committee sa naging output ng production, nag-resign diumano ang production unit manager ng show na si Edlyn Tallada.

Dagdag pa naturang source, nagkaroon na ng limang taping days para sa pilot episode nito.

Hindi lang daw niya masigurado kung tuluyan bang mababasura ang mga nakunang eksena o babaguhin lahat kung sakaling matuloy ang pagre-resume daw ng taping nito sa July.



PROGRAMMING ISSUE. Dahil sa mga impormasyong nabanggit, nagpadala ang PEP ng mensahe sa public relations office ng Kapatid network upang kunin ang kanilang panig.

Ilang minuto ang nakalipas, sumagot naman ang namumuno ritong si Ms. Peachy Guioguio.

Sinabi nitong si Ms. Wilma Galvante, chief content entertainment officer ng TV5, ang personal na kakausap sa amin upang sagutin ang aming mga katanungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaninang hapon, April 23, eksklusibong nakausap ng PEP sa pamamagitan ng telepono si Ms. Galvante.

Pahayag niya, “Yung Pretty Little Liars, hinahanapan lang ng timing ng pinakamagandang time kung kailan i-air siya.

“Ang nangyari kasi ngayon, ang daming sports program, ‘di ba?

"So, sa grid ng TV5, hindi siya magiging fit, at this point in time.

"So, it’s really a programming issue. It’s a programming issue."

Dagdag ni Ms. Galvante, "Dun sa sinabi mong hindi nagustuhan ng foreign consultants, that is definitely not true.

“Kasi, they were here when it was being produced, ’tapos we sent them the episode na na-produce, and they sent us feedbacks na…

"Ang ganda nga ng comment nila... if you want I can email you excerpts of their comments.

“Pati yung comment nila sa acting ng mga girls.

"Ang ganda ng comments nila and how we were able to produce it, being faithful to the story, and at the same time applying a local color.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita nila yun and ang gagaling nga nila, e."

WARNER BROS. CREATIVE CONSULTANT. Ngayong gabi, in-email ni Galvante sa PEP ang bahagi ng komento ni James Kramer, creative consultant ng Warner Bros., tungkol sa napanood nilang footage ng Pretty Little Liars ng TV5:

"…I’ve watched the footage from the pilot, and spoken to Lesley about it. Overall I think it looks very good, much of it really wonderful.

"It can be what we always hope for in these adaptations—a strong combination of the original story with a writing and production plan that make it feel completely local.

"What you have is very promising, and could work well as is…"



RESIGNATION OF PUM. Kasunod naming nilinaw ang balita tungkol sa pagre-resign daw ng unit head ng show dahil hindi diumano nagustuhan ng foreign consultants nila ang nabuong pilot episode.

Depensa ni Ms. Galvante, “Walang ganun yung U.S.

“Nag-resign si Edlyn because of personal and professional reasons na din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tsaka, yung ano na rin yun... fulfillment na rin, nothing to do with the foreigner."

Diin pa nito, walang katotohanan ang nakarating na feed sa PEP na hindi nagustuhan ng foreign consultants ang kanilang nagawang episode.

Saad ni Galvante, “The program committee ang nagsabi na huwag muna natin siyang i-air.

"Decision of the ProgComm, because of the programming issues, yung kung paano mo siya isa-slot, anong oras, anong panahon."

Sa pamamagitan naman ng Facebook messaging, nakuha ng PEP ang panig ni Edlyn.

Itinanggi rin nito ang balita.

Tungkol sa resignation niya mula sa TV5, sabi niya, “Maraming reasons, and last year March pa dapat talaga nun nagre-resign ako, may mga commitment lang akong tinapos.”

RESHOOT IN JULY? Inalam din ng PEP kay Galvante kung totoong magkakaroon sila ng reshoot sa July.

Pagtanggi nito, “Hindi. Hindi yun...

"At saka yung re-shoot sa July, yung may time frame kang July, ‘yan, walang ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre maraming speculations but what I told you are the facts.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close