Vhong Navarro moving forward despite traumatic ordeal

Vhong Navarro refuses to let his legal battle affect his work commitments. "Kailangan natin maging professional kasi ito ang trabaho ko. Kumbaga, labas dito yung personal kong buhay," says Vhong in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) earlier today, May 2.


“Basta sa akin, gusto ko ipagpatuloy yung pagpapasaya ng tao.”

Ito ang positibong pahayag ni Vhong Navarro sa kabila ng patuloy na legal battle na kinahaharap niya ngayon.

Naging mainit ang pagtanggap kay Vhong ng may 30 kabataan na inimbitahan ng Star Cinema Cares para sa isang outreach program ngayong araw, May 2.

Ginanap ito sa Lingap Pangkabataan Foundation na matatagpuan sa Cubao, Quezon City.

Kasama ni Vhong na nagpunta rito ang kanyang Da Possessed co-stars na sina Solenn Heussaff at John “Sweet” Lapus.

ONGOING CASE VS. CEDRIC, DENIECE. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tumanggi si Vhong na pag-usapan ang positibong development sa serious illegal detention case na isinampa niya laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Ang dalawang akusado na sina Cedric at Simeon “Zimmer” Raz Jr. ay naaaresto sa Eastern Samar noong April 29, at pansamantalang nakakulong ngayon sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI).

Maiksing pahayag ni Vhong ukol dito: “Bawal na po kasi ako magsalita about dun sa case dahil nasa korte na po ngayon.”

Ang iba pang mga akusado na sina Deniece, Jed Fernandez, at Ferdinand Guerrero—na nahaharap din sa kasong serious illegal detention—ay hinahanap pa rin ng mga awtoridad.

Nauna na ring inihayag ng legal counsel ni Vhong, si Atty. Alma Mallonga, na iaapela nila ang pagbasura ng Taguig Prosecutor’s Office sa serious illegal detention case na isinampa ng aktor laban sa dalawa pang kagrupo ni Cedric na sina Bernice Lee at JP Calma.

Sina Cedric, Deniece, Bernice, Zimmer, JP, Jed, at Ferdinand ay nahaharap din sa kasong grave coercion na inihain ni Vhong sa Taguig Regional Trial Court.

Read: Cedric Lee, Zimmer Raz face media after arrest

Read: Cedric Lee, Zimmer Raz refuse to enter plea in serious illegal detention case filed by Vhong Navarro

DEATH THREAT AGAINST VHONG? Kahapon, May 1, inihayag ng broadcast journalist na si Tony Calvento na mayroon diumanong banta sa buhay ni Vhong, base sa isang intel report na natanggap ng una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Tony Calvento reveals assassination plot against Vhong Navarro; slams Kat Alano

Tila ito ang dahilan kung bakit mahigpit ang seguridad ng mga kasamang ABS-CBN security personnel sa dinaluhang outreach program ni Vhong kanina.

Sinabihan din ng staff mula sa Star Cinema ang medcia na iwasang kunan ng video at litrato ang dalang sasakyang ng actor-TV host.

Sinubukan ng PEP na hingan ng reaksiyon at karagdagang impormasyon ang legal counsel ni Vhong na si Atty. Mallonga, ngunit hindi pa ito sumasagot sa ngayon.

MOVING FORWARD. Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Vhong, ibinahagi ng aktor na malaki ang naitulong ng pagbabalik-pelikula niya upang unti-unting makalimutan ang insidenteng pambubugbog na dinanas noong Enero 2014.

“Masarap kasi nung time na pagbalik ko, hindi namin pinag-uusapan kung ano yung nangyari.

"Kasi kailangan makapag-move on tayo at kailangan matapos yung pelikula [Da Possessed].

“So, ang ginagawa lang nila Sweet, nila Direk Joyce [Bernal] ay talagang focused lang kami sa trabaho at pinapasaya nila ako.”

Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Vhong sa positibong feedback ng kanyang Da Possessed co-stars tungkol sa pagiging propesyunal niya sa trabaho sa kabila ng mga problemang pinagdadaanan ngayon.

Sabi niya, “Kailangan natin maging professional kasi ito ang trabaho ko. Kumbaga, labas dito yung personal kong buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN