PEP EXCLUSIVE. Deniece Cornejo on coping with life in prison: "Hindi ako puwede mag-inarte, kasi pinili ko yung pagsuko na yun."

Deniece Cornejo on adjustments she made since she got detained last May 5: “Mainit talaga. ’Tapos may malalaking daga. One time nag-uusap kami ng kaibigan ko na naka-detain, ’tapos pumunta sa dibdib niya yung daga na basa. Nilipat niya sa akin. Sabi ko, ‘Ayoko! Ano ba ‘to, hindi na ako makakatulog.’ Pero ngayon, wala na. Hindi na ako naninibago. Pusong-bato na ako."


Magdadalawang buwan nang nakapiit si Deniece Cornejo sa detention facility ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City.

Masikip at mainit sa loob ng kanyang selda, ngunit nananatiling positibo at matatag ang 23-year-old model.

Personal na nakausap ng may-akda si Deniece, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) senior writer na si Arniel Serato at legal counsel ni Deniece na si Atty. Ferdinand Topacio, sa CIDG detention facility ngayong araw, June 3.

Kuwento ni Deniece, may mga araw na umaabot ng sampu hanggang labing-isang detainees ang nakakasama niya sa makitid na kulungan.

Isa sa mga kapwa-detainee ni Deniece na naroon noong mga oras na iyon ay pumasok sa loob ng comfort room upang hindi makunan ng larawan.

“Iba-iba [yung dami ng tao]. May aalis, may dadating,” bungad ni Deniece.

Ganunpaman, hindi raw naging problema sa kanya ang kawalan ng privacy sa lugar.

Sabi pa niya, “Basta marunong ka makisama sa tao, wala naman yun.

“‘Tsaka kailangan kasi siyempre, ‘di ba, iba-iba kami ng kaso, iba-iba kami ng pinagdadaanan.

“So, ba’t namin pabibigatin yung pagsasama namin sa isa’t isa?

“Magtulungan na lang kami. Kung ako, kaya ko, kayo niyo rin.”

Ipinakita rin ng dalaga ang nakalatag na banig sa sahig na nagsisilbi niyang tulugan sa gabi.

Mayroon siyang mangilan-ngilang kagamitan, ’tulad ng sarili niyang unan at kumot, ngunit ‘di hamak na malayo ito sa tinutuluyan niyang condo unit sa Forbeswood Heights, Taguig City noon.

Bagamat may electric fan sa loob ng selda, sadyang mainit ang panahon at nakadagdag pa ang mainit na buga ng exhaust ng aircon sa katabing-opisina.

Kuwento ni Deniece, “Mainit talaga. ’Tapos may malalaking daga.

“One time nag-uusap kami ng kaibigan ko na naka-detain, ’tapos pumunta sa dibdib niya yung daga na basa.

“Nilipat niya sa akin. Sabi ko, ‘Ayoko! Ano ba ‘to, hindi na ako makakatulog.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon, wala na. Hindi na ako naninibago.

"Pusong-bato na ako."

Kung mayroon man siyang problema, iyon ay ang pasumpong-sumpong niyang hika dahil daw sa sobrang init ng panahon.

Ayon pa sa dalaga, hindi hadlang ang kanyang pansamantalang pagkakakulong upang ipagpatuloy ang iba niyang gawain.

Aniya, “I sketch, I design, I read books about laws. I read different inspiring books.

“I have a diary. Isinusulat ko yung mag nararanasan ko. Yun.

“Ano pa ba? I still do business.

"’Pag nagdo-drawing ako, may pupuntang bisita. Ipapakita ko yung sketch ko na design. ‘Ok ba sa ’yo ‘to?’

“I’m still functional.”

ON SURRENDERING TO THE AUTHORITIES. Matatandaang May 5 nang sumuko si Deniece sa Philippine National Police (PNP) dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanya.

Read:Deniece Cornejo surrenders to PNP Chief


Unang nadakip ng pulisya ang iba pang akusado na sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa Eastern Samar noong April 26.

Read: Cedric Lee, Simeon Raz arrested in Eastern Samar, says Justice Secretary Leila de Lima

Ayon kay Deniece, noong mga panahong iyon ay hindi siya nagtatago sa awtoridad, kundi inihahanda lang niya ang sarili bago harapin ang alegasyon laban sa kanya.

“Sabi ng mga tao baka nagtago ako.

"Pagsuko nga, as I said, is a preparation.

“You have to ready yourself sa mga ganyan—may mga magbabago, yung mga taong nakikilala mo, yung mga gamit mo…

“Dun sa pagsuko ko, preparation yun.

“So, hindi ako dapat magreklamo, hindi ako puwede magulat, hindi ako puwede mag-inarte, kasi pinili ko yung pagsuko na yun.”

Aminado si Deniece na noong una ay nakaramdam siya ng takot at depresyon nang pormal na makasuhan ng serious illegal detention, isang non-bailable offense, gayong wala umano siyang kasalanan.

Nagsampa ng reklamong panggagahasa si Deniece laban kay Vhong, ngunit ibinasura ito ng Department of Justice noong April 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo to face serious illegal detention, grave coercion raps; DOJ junks Deniece’s rape complaint vs. Vhong Navarro

Saad pa niya, “Dumating sa point na [naisip ko], ‘Tama na, ayoko na. Ano’ng mangyayari sa akin?’

“Ever since, lahat ng goals ko, achievements ko, sa isang iglap, bagsak agad.

“There came a point na you want to commit suicide, pero sa isip lang yun.

“Kahit naman sinong babaeng nasa posisyon ko, hindi kakayanin.

“Pero sabi ko, ‘No, there’s still light at the end of the tunnel.’

“Life is the biggest university. I’ve learned a lot. I’m still learning.”

Kung mayroon man daw siyang pinanghahawakan ngayon, iyon ay ang pag-asang muling makalaya at mapatunayan na hindi totoo ang alegasyong ibinibintang sa kanya.

“I’m still thankful. This is an opportunity na naranasan ko [yung ganitong klaseng pagsubok] at a young age.

“Magiging better yung convictions ko in life, yung principles ko...

"Madadagdagan pa yung gusto ko mangyari sa buhay ko," saad niya.

PETITION FOR BAIL. Sa July 18 nakatakdang magkaroon ng pagdinig hinggil sa petisyon ni Deniece na pansamantalang makalaya.

Liban dito ay tumangging magbigay ng detalye ang modelo tungkol sa takbo ng mga kasong kinahaharap niya ngayon.

Bukod sa serious illegal detention ay nahaharap din si Deniece sa kasong grave coercion, bunsod ng insidenteng pambubugbog kay Vhong noong gabi ng January 22, 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN