Kris Aquino shares cozy moment with ex-husband James Yap and son Bimby

“Cool lang kaming lahat. Advanced Happy Father’s Day James,” stated Kris Aquino’s caption for her photo with ex-husband James Yap and their son Bimby, taken earlier today, June 13.


Sawi man sa pag-ibig, pilit na pinaninindigan ni Kris Aquino ang pangako niyang mas pagtuunan ng pansin ang mga positibong bagay sa buhay niya.

Tila isa na rito ang panunumbalik ng pagiging magkaibigan nila ng dating asawang si James Yap.

Ngayong araw, June 13, ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram ang isang larawan kasama si James at ang anak nilang si Bimby sa loob ng dressing room sa isang studio sa Makati.

Naroon si Kris para sa isang commercial shoot, habang si James ay saglit na dumaan sa lugar.

Hindi malinaw kung galing na si James sa pamamasyal kasama si Bimby o kung binisita lamang ng basketbolista ang anak na tiyempong kasama ng ina nito.

Tila larawan sila ng masayang pamilya sa naturang larawan, kung saan makikitang nakahawak si James sa binti ni Bimby, at si Bimby naman ay nakahawak sa kamay ni Kris, na inaayusan ng kanyang make-up artists.

Kalakip ng Instagram photo ay ang caption na nagsasabing: “Cool lang kaming lahat. Advanced Happy Father’s Day James.”

Biyernes ang araw na napagkasunduan nina Kris at James para sa visitation rights ng basketbolista para kay Bimby.

Read: Kris Aquino and James Yap finally reach long-term agreement about Bimby

Mula nang magkaayos sila noong Marso ay tuluy-tuloy na ang magandang turingan nila sa isa’t isa.

Naging emosyunal pa si Kris nang humingi siya ng tawad kay James sa mismong birthday party ni Bimby noong Abril.

Read: Kris Aquino bursts into tears in face-to-face meeting with ex-husband James Yap

Hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa pasasalamat ni Kris sa Italian girlfriend ni James na si Michela Cazzola, dahil sa efforts ng dalaga na mapalapit kay Bimby.

Read: Kris Aquino praises James Yap’s girlfriend for taking care of Bimby

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James sa The PEP List Awards noong May 20, sinabi ng basketbolista na matagal nang walang samaan ng loob sa pagitan nila ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagpapasalamat din niya na positibo ang feedback ni Kris pagdating sa closeness ni Michela kay Bimby.

Read: James Yap glad that ex-wife Kris Aquino welcomes his girlfriend’s closeness to son Bimby


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN