Richard Gutierrez reacts to mom Annabelle Rama’s suggestion about living together before marriage

Richard Gutierrez on settling down with girlfriend Sarah Lahbati: "Siyempre napag-uusapan namin yun, but there’s a right time for it. Kasi ngayon, sobrang ini-enjoy pa namin ang baby. ‘Tapos, kaka-announce pa lang namin... Kapag dumating na ang perfect timing na ikasal kami, yung feeling namin, then we will do it.”


Bagamat dalawang taon nang ipinagdiriwang ni Richard Gutierrez ang Father’s Day, noong Linggo, June 15, ang unang pagkakataong nakasama ng aktor ang kanyang anak sa espesyal na araw na ito para sa mga ama.

Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day, noong Linggo rin ginanap ang binyag at first birthday party ng anak ni Richard sa kasintahan nitong si Sarah Lahbati—si Zion.

Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati celebrate first birthday of Baby Zion

Sa naturang engrandeng selebrasyon, na ginanap sa Wack Wack Golf and Country Club, sa Mandaluyong City, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard.

Saad niya, “Second Father’s Day ko na ngayon, pero noong una, hindi kami magkasama. Nasa Switzerland siya.”

Ngayon nga raw niya mas nararamdaman ang pagdiriwang ng Father’s Day.

“Parang hindi counted yung first time,” sabi niya.

Ano ang pakiramdam na kasama na siya sa ganitong selebrasyon para sa mga ama?

“Ang sarap ng feeling, sobrang sarap!

"At excited akong gumising kaninang umaga. Nagising si Baby Zion ng mga alas-sais.”

Excited din si Zion sa party niya?

“Hindi ko alam!” natawang sagot ni Richard.

“Kasi, papunta siya dito, tulog siya.

“Actually, pinapatulog namin siya bago pumunta rito.

“Para pagdating dito, medyo gising siya.

“Ang sarap ng feeling dahil, finally, nai-share na namin ni Sarah.

“One year din naming pinagdaanan yung paghihirap.

“At least ngayon, celebration na talaga. Oras na to celebrate.

“Sarah’s back at work. Si Baby Zion, kilala na ng buong mundo.”

Biniro naman namin si Richard na tila mas sikat na ngayon ang baby nila ni Sarah kumpara sa kanilang dalawa.

Natatawang sagot niya, “Ang dami nang fans, followers. Kaya nga ang daming nagsasabi sa amin na nakaka-good vibes daw si baby Zion.”



LETTER FOR ZION. Sa isang feature na lumabas sa Philippine STAR noong Father’s Day, may naging liham si Richard para kay Zion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Richard tungkol dito, “Paggising ko sa umaga, actually ano yun, ‘di ba, may photo shoot si Baby sa bahay?

“May writer, and then, parang sinabi ko sa kanya yung mga gusto kong isulat sa letter, and then, siya ang nag-compose.

“Hindi nga ako magaling magsulat ng letters. Hindi ako gumagawa kahit ng love letter.

“Feeling ko talaga, hindi ako skilled na writer.

“So, yun... para lang maayos ang pagkakagawa ko, para pagbasa ni Baby Zion, ‘di ba?”

Posible kayang mag-artista ang anak nila ni Sarah?

“Tingnan natin, kasi one year pa lang naman siya.

“Hindi pa nga nakakasalita. Hindi pa nakakabasa ng script!” natatawang sagot ni Richard.

Pero kuwento rin niya, “Ang dali niyang turuan.

“Kahit anong ituro namin sa kanya, within a few seconds, makukuha niya agad.

“Alam kong smart kid siya.”

Papayagan ba niyang mag-TV commercial muna ang anak?

“Oo, bakit hindi, kung okay naman na team-up with the brand,” sagot niya.

LIKE FATHER, LIKE SON… Sa hiwalay na panayam ng PEP sa ina ni Richard na si Annabelle Rama, sinabi nitong nakikita niya ang asawang si Eddie Gutierrez kay Richard, habang nakikita naman niya ang sarili kay Sarah.

Selosa ba si Sarah katulad ng kanyang inang si Annabelle?

“Talaga? Medyo, medyo!” natawang pagsang-ayon ni Richard.

Nakikita rin ba niya ang sarili sa kanyang ama?

“Parang, parang oo... si Dad kasi, nandiyan din all throughout my life, very supportive, at nakikita ko rin na magiging ganoon ako.

“Kami, hinayaan kami ng dad ko na gawin kung ano ang gusto namin with our lives.

“Parang hindi niya kami pinilit na gawin ‘to, gawin ‘yan.

“Kumbaga, hinayaan niya kaming mag-mature, mag-grow at the right time.

“So, feeling ko, parang ganun din ako kay Zion—cool dad.”



GETTING MARRIED. Sa panayam din kay Annabelle, sinabi nitong pinayuhan niya sina Richard at Sarah na huwag munang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Annabelle Rama advises Richard Gutierrez and Sarah Lahbati not to get married yet

Ano ang masasabi ni Richard tungkol dito?

Ayon sa 30-year-old actor, “Okay naman din yun, okay yun.

“Pero kami ni Sarah, siyempre napag-uusapan namin yun, but there’s a right time for it.

“Kasi ngayon, sobrang ini-enjoy pa namin ang baby. ‘Tapos, kaka-announce pa lang namin.

“Siguro this year, magpo-focus kami sa work, magpo-focus kami kay Baby Zion.

“And then, pinaplano na rin namin kung saan mag-aaral si Baby Zion, yung future niya.

“So, one step at a time.

“Kapag dumating na ang perfect timing na ikasal kami, yung feeling namin, then we will do it.”

Sang-ayon din ba siya sa paniniwala ng mommy niyang si Annabelle na mas effective na mag-live-in muna ang isang couple bago magpakasal?

Sagot ni Richard, “Iba-iba naman yun. Iba naman ang nangyari sa amin sa nangyari sa kanila, so kanya-kanyang buhay naman ‘yan.”

Aabutin din kaya ng nine years ni Sarah bago sila magpakasal?

Sabi ni Richard, “Hindi natin masasabi, ayoko rin pangunahan, ‘di ba?

“Pero kami ni Sarah, we have a strong relationship at very supportive din ang family niya sa relationship namin.

“Ganun din ang family ko, tanggap si Sarah.

“So, maganda ang relationship kaya hindi naman siguro ganoon katagal.”



HAPPIEST TIME. Maituturing niya bang “happiest time” ng kanyang buhay ngayon?

Sagot ni Richard, “Oo, ito na ang happiest ko.

"Kasi nga, all throughout my showbiz career, parang movie, TV…

“Kumbaga, marami rin akong achievements sa TV and movie, pero iba ang achievement of having a son.

“Iba ang fulfillment.”

Hindi ba niya pinagsisisihan na ngayon lang nila inamin ni Sarah ang pagkakaroon ng anak, gayong positibo naman ang feedback ng karamihan?

Sagot niya, “Hindi, wala kaming regret.

“Parang perfect timing din na ngayon namin in-announce si Baby Zion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, feeling ko, okay rin yung platform na sa reality show namin siya nai-share.”

Sinadya o nagkataon lang ba na nagkaroon sila ng reality show at doon niya inamin ang pagkakaroon ng anak?

“Nagkataon lang,” nakangiting sabi ni Richard.

“Noong time na inisip ko na kung paano ko ia-announce, hindi ko talaga maisip kung paano.

“Magpapa-presscon ba ako? Ano ang gagawin ko?

“Hanggang sa nagkaroon ng opportunity na nag-tie up kami with E!

“And along the way, naisip ko na puwedeng dito na natin i-share, kasi reality ‘to, ito ang buhay natin.

“So, perfect din at lahat nagtugma-tugma.”

Bilang kambal si Richard at ang kapatid niyang si Raymond Gutierrez, nangangarap din ba siyang magkaroon ng kambal na anak?

Sagot niya, “Oo, yun ang gusto ko.

“Pero ang balita ko kasi, kapag kambal, nag-i-skip ng next generation.

“Pero that would be nice.”



CHILDREN’S PARTY. Sa pasasalamat ni Richard sa binyag at first birthday ng anak, nasabi niyang mas mahirap palang mag-put up ng children’s party.

Natatawang saad niya, “Oo, siyempre kapag adult party, basta may drinks, may pica-pica, may DJ, okay na.

“Kapag children’s party, kailangan ano… ang daming program, may games, may design.”

Bakit nila ginawang “Zion the Young Lion” ang tema ng birthday party ng anak?

“Matagal na naming inisip yun, wala...

"The Lion, siyempre the King of the Jungle, parang siya ang king namin.”

Sa Bible daw nila nakuha ang pangalang Zion, at ang Lion naman daw ay nagre-represent kay Jesus.

“Lion represents Jesus in the Bible kaya parang it’s the strongest animal in the Bible also.”

Kinumpirma naman ni Richard ang pahayag ni Annabelle na ito ang gumastos at nag-organize ng binyag at birthday party ni Zion.

“Oo, yung mom ko, tinutukan niyang lahat, lalo na ang foods.

"Kami ni Sarah ang in-charge sa games, program, pati yung para sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Jungle theme kami, e.”

Sino naman ang pumili ng 25 pairs ng mga ninong at ninang ni Zion?

“Halo-halo, kumbaga inupuan naming family,” sabi ni Richard.

May criteria ba sa pagpili ng godparents?

“Siyempre, yung iba ka-close namin, family members.

"At inisip din namin ang mga movers at shakers of our generation and also, mga inidolo ko.”

Ilan daw sa mga ito sina Richard Gomez at Aga Muhlach.

Ani Richard, “Movers and shakers din sila of their generation. Gusto rin namin yung magiging inspiration.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN