Atty. Gigi Reyes hospitalized hours after arrival at Taguig City Jail

An excerpt from Atty. Gigi Reyes’s Facebook post, dated July 7: "Elements from the press just could not stick to facts while performing their duty to read a faithful reportage of the events as they happened... I just wish that we could also accord some measure of compassion to our families who are suffering their own ’personal tragedies’ as we now face trial. Never mind us... But our families at least.”


Isinugod sa ospital si Atty. Gigi Reyes—kapwa-akusado ni Senator Juan Ponce Enrile sa kasong plunder—matapos makaramdam ng pamamanhid ng katawan.

Ayon sa ulat ng dzBB ngayong araw, July 10, bandang 1:05 a.m, nang dalhin si Atty. Reyes sa Taguig-Pateros District Hospital, dahil diumano sa kakulangan ng medical facilities sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Matapos sumailalim sa medical check-up ni Atty. Reyes, inihayag ng spokesperson ng naturang ospital na nakaranas ng "severe panic attack" ang abugada.

Bukod sa may "history ng heart disorder" si Atty. Reyes, napag-alamang "hypertensive" din siya.


Ito marahil ang dahilan kung bakit ngayong araw ay naghain ng motion for reconsideration ang kampo ni Atty. Reyes sa Sandiganbayan, upang pansamantalang makulong ang abugada sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa halip na sa Taguig City Jail.



TAGUIG CITY JAIL. Kahapon, July 9, lumabas ang utos ng Sandiganbayan Third Division na ilipat si Reyes mula sa pagkakadetina sa detention cell ng anti-graft court papuntang kulungan ng mga kababaihan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa.

Ayon sa hiwalay na ulat ng State of The Nation ng GMA News, pasado alas-onse ng gabi dumating ang abugada sa city jail ng Taguig, kung saan pansamantala siyang idinetina kasama ang dalawang buntis na inmates sa isang “isolation room.”

Nabanggit din na may sukat itong 1.5 meters by 6 meters, na kadalasan ay pinaglulugaran ng may hanggang apat na detainees.

Ayon sa panayam ng dzBB kay Jail Inspector Aris Villaester, na nailathala sa GMA News Online, bahagi ng standard booking procedure ng BJMP na ilagay ang isang bagong dating na detainee sa isang “isolation room” na katulad din ng regular na detention cell.

“Nilagay namin siya [Atty. Gigi Reyes] sa pinakadulo [ng dormitory]. Sa isolation room, para sa mga pregnant women.

“Ni-request niya [Reyes] lang ay higaan, kumot, at unan. [Mga] basic na kailangan ng isang inmate.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DETENTION ISSUES. Matatandaang nauna nang inalmahan ni Reyes ang mga kumalat na balitang napahagulgol siya sa Sandiganbayan noong July 5, matapos mapag-alamang sa Camp Bagong Diwa siya madedetina.

Ibinasura kasi ng anti-graft court ang petition ng abugada na idetina siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, kung saan nakadetina sina Senator Enrile, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Bong Revilla.

Noong araw ring iyon sumuko si Senator Enrile sa PNP, na pumayag na pansamatala siyang idetina sa PNP General Hospital dahil sa mga karamdaman ng 90-year-old senator.

Read: Senator Juan Ponce Enrile surrenders to PNP; temporarily detained at PNP hospital

Isiniwalat ni Atty. Reyes ang kanyang sentimiyento sa isang Facebook post na may petsang July 7. Mismong kapatid ng abugada na si Patrick Gonzales ang nagbahagi ng nilalaman nito sa GMA News.

Sabi ni Atty. Reyes, “[The] Philippine Star’s front page news on the same day said that I broke down at the thought of spending time in a crowded, dirty and poorly ventilated cell.

“Other outfits reported me as crying or complaining over not having an air-conditioned room; or that sorry for me, I will have to live with a P50 daily meal.

"For the record, I never complained nor cried over such thing."

Ang totoo raw ay napaiyak ang abugada nang malamang hindi siya maaaring bisitahin ng mga anak noong gabing sumuko siya sa anti-graft court, dahil lampas na ng office hours.

“I prevailed upon my sons and my mother not to go with me to the Sandiganbayan anymore and I promised them that they will able to see me later that night. That was why I could not help but shed tears,” paliwanag ni Atty. Reyes sa kanyang Facebook post.

RUMORED AFFAIR. Binatikos din ni Atty. Reyes ang patuloy na pag-uugnay sa kanila ni Senator Enrile bilang rumored couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Elements from the press just could not stick to facts while performing their duty to read a faithful reportage of the events as they happened.

“Thus, the Philippine Daily Inquirer’s headline story of July 5, 2014 had to begin with what else but what they call the ’romantic link’: ‘They will miss each other. But maybe not for long...’ Really? Who told them that?”

Sa ekslusibong panayam ng GMA News TV program na Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie, noong March 3, matatandaang mismong maybahay ni Senator Enrile na si Cristina Enrile ang nagkumpirma na nagkaroon ng affair ang senador at ang dati nitong chief of staff na si Atty. Reyes.

Dito rin sinabi rin ni Cristina na bagamat likas na babaero ang asawa, si Gigi ang pinakamatagal na nagkaroon ng ugnayan sa senador.

Ngunit mariin itong itinanggi nina Senator Enrile at Atty. Reyes sa magkahiwalay na panayam sa media.

Read: Cristine Enrile confirms affair of husband Senator Juan Ponce Enrile with Gigi Reyes

Kaya naman umapela ang abugada na sana’y isaalang-alang ng mga mamamahayag ang damdamin ng kanyang mga mahal sa buhay, bago magbato ng kung anu-anong alegasyon laban sa kanya.

Aniya, “The PDAF [Priority Devolpment Assistance Funds] scam is undoubtedly a serious national issue; ’national tragedy’.

“I just wish that we could also accord some measure of compassion to our families who are suffering their own ’personal tragedies’ as we now face trial.

“Never mind us... But our families at least.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN