Sarah Geronimo says she is not perfect: “May kasamaan din ang ugali ko minsan.”

After Judy Ann Santos’s recent revelation that Mommy Divine approves of Matteo Guidicelli for daughter Sarah, the Popstar Princess said that her parents continue their obligations to her.


Masaya si Sarah Geronimo sa positibong reaksiyon ng mga tao sa relasyon niya kay Matteo Guidicelli.

Matatandaang noong June ay inamin na ng Popstar Princess na boyfriend na niya ang actor-athlete na si Matteo.

Read: Sarah Geronimo finally admits Matteo Guidicelli is her boyfriend!

“Hindi naman natin mapi-please lahat. Maraming salamat sa lahat ng… kumbaga, wini-welcome yung relationship namin. Maraming salamat sa suporta ninyo,” lahad ni Sarah sa Yahoo Celebrity Awards 2014 nitong nakaraang Biyernes, July 18, kung saan siya ang ginawaran ng Female Performer award.

Kasunod ng pag-amin niyang may boyfriend na siya, nangangahulugan ba itong mas may oras na siya pagdating sa buhay pag-ibig?

“Balanse lang po. Kumbaga, alam naman natin ang priorities ng isa’t isa. Pareho kaming nasa industriya. So, kailangan balansihin lang namin ang time ng bawat isa,” sagot ni Sarah.

Bago ang pag-amin, madalas itanong kay Sarah ang kanyang lovelife, lalo pa’t nakilala ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin na istrikto sa mga lalaking lumalapit kay Sarah.

Ngayong patuloy ang pag-usbong ng career ni Sarah at mayroon na siyang hayagang lovelife, masasabi ba niyang ito ang pinakamasayang estado ng kanyang buhay?

“Masaya naman po ako, pero yung happiest, hindi naman tayo nagrereklamo, pero marami pa tayong gustong gawin para sa pamilya natin, sa sarili din natin, so sana.”

Isang writer ang nagkomento na tila “perfect” si Sarah, pero sumalungat dito ang dalaga.

Habang nakangiti, sinabi niya, “May kasamaan din ang ugali ko minsan. I guess lahat naman tayo, kapag nasaktan tayo or nagalit tayo. Lalabas yung... normal naman iyon. Lahat naman ng tao may ganoong side.”

Inamin din ng singer-actress na mayroon din siyang mga insecurities. “Parang hindi yata matatapos ‘yang insecurities.

“Marami tayong gusto gawin… for my personal growth… my own growth. ’Andito tayo sa business na ito at marami pa tayong dapat ma-accomplish.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan, sinabi ni Judy Ann Santos sa guest appearance niya sa Kris TV na aprubado ni Mommy Divine si Matteo para kay Sarah.

Si Judy Ann ay isa sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ni Sarah.

Read: Judy Ann Santos says Mommy Divine approves of Sarah Geronimo’s relationship with Matteo Guidicelli

Tanong ng PEP kay Sarah, ano ang masasabi niya sa pagbubuking na ito ni Judy Ann?

“Ang mga magulang naman… hindi talaga dapat natatapos yung pag-honor at pagrespeto sa mga magulang. Hanggang sa ikasal nga ang isang couple, kasi magiging magulang din nila [manugang] ‘yon if ever ikasal.”

Naniniwala ba si Sarah na may kinalaman ang perfect timing sa pagdating ng pag-ibig?

“Hindi ko masasagot iyan, e. Lahat naman ng ginagawa natin, ‘no, especially about love, love is a risk, so tingnan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN