Paolo Bediones continues work as TV5 news anchor amid sex video scandal

Taliwas sa inakala ng maraming magpapalamig muna ang news anchor na si Paolo Bediones sa gitna ng pagkalat ng diumano’y sex videos niya, sumipot pa rin siya sa live newscast ng Aksyon Tonite ng TV5 kagabi, July 28.


Tila hindi natitinag ang TV5 news anchor na si Paolo Bediones sa isyung kinakaharap nito sa ngayon—ang pagkalat ng diumano’y sex video scandal niya.

Read: Paolo Bediones’s alleged sex video goes viral

Kagabi, July 28, isang araw matapos maging trending topic sa Internet ang diumano’y sex scandal nito, nagpakita si Paolo sa Aksyon Tonite, ang nightly newscast ng Kapatid Network na sabay umeere sa TV5 at sa UHF Channel nitong Aksyon TV.

(Screenshot from Aksyon Tonite newscast last night, July 28.)

"LIFE GOES ON." Bago pa man ang live newscast, nag-post na si Paolo sa kanyang Instagram account ng mensahe ng pasasalamat sa kanyang pamilya at mga kaibigang hindi nang-iwan sa kanya sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya.

Ang post niya ay larawan ng kanyang isusuot sa live newscast.

Nakasaad sa caption, “Getting ready for Aksyon Tonite. I am truly blessed to have a family like mine. Solid friends around me and supporters who are there no matter what. Overwhelming love. Life goes on. On air in a bit.”

Umani naman ng suporta mula sa kanyang followers ang desisyon ng news anchor na hindi magpatinag sa kinakaharap na isyu.

Nauna nang itinanggi ng dalawang babaeng nakaladkad sa naturang video scandal na sila ang nasa video na naging viral sa Internet.

Read: Two women dragged into Paolo Bediones sex-video scandal speak up

Ayon naman sa usap-usapan, hindi lang daw isa ang naturang video kundi tatlo na ang nagkalat ngayon sa cyberspace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN