Derek Ramsay optimistic that Paolo Bediones will "bounce back" from sex-video scandal

Derek Ramsay deplores the people who leak private sex videos "without sitting down and contemplating how it could destroy other’s lives."


Nagpahayag ng pagmamalasakit ang aktor na si Derek Ramsay sa TV5 news anchor na si Paolo Bediones hinggil sa mga kumakalat na sex videos diumano ng huli.

Kahit wala raw siyang gaanong alam at narinig lang niya ito sa ibang tao na pinag-uusapan ito, nalulungkot si Derek para sa kasamahan niya sa Kapatid network.

Saad ng aktor, "You know what, I really don’t know about it.

"I just heard it from other people talking about it.

"You know, sad, kawawa naman siya and yung girl.

"And I don’t know kung paano nag-leak ang video and all that.

"I really can’t say about the issue, but it’s kinda sad, really."

Nauunawaan daw ni Derek ang pinagdadaanan ngayon ni Paolo.

Aniya, "Everybody commits mistakes.

"I know he has hurt somebody, but we don’t know how it was leaked.

"Baka nagpaayos siya ng computer o baka yung girl ang naglabas... we don’t know, e.

"Other people can be so mean, they come across something like that and sasabihin na, ’Ipalabas natin ito sa...’ Yung tipong ganun."

Ekslusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa premiere ng pelikulang Trophy Wife, na ginanap sa Cinema 9 ng SM Megamall, kagabi, July 29.



RISKY. Sa kabilang banda, marami ang pumupuna kay Paolo kung bakit ang isang tinitingalang tao na katulad niya ay kailangang kunan ng video ang dapat sana’y pampribadong gawain.

Read: Paolo Bediones’s alleged sex video goes viral

Naiiling-iling na sabi ni Derek tungkol dito, "I don’t know, I don’t know... I can’t say on behalf ni Pao.

"Kasi hindi rin natin exactly alam kung ano ang purpose niya dun.

"Yeah, definitely not for public consumption, pero ’andun nga ang malaking risk when you do something like that.

"Kasi alam mo ang puwedeng mangyari, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, siguro kung mas naging careful siya, maybe...."



SUPPORTIVE. Isang araw matapos maging trending topic ang diumano’y sex scandal ni Paolo, marami ang nagulat na pumasok pa siya sa kanyang trabaho bilang news anchor ng Aksyon Tonite na parang wala lang nangyari.

Bago pa man ang live newscast noong Lunes, July 28, ay nagpalasamat ang news anchor sa kanyang mga kaibigan at pamilya na hindi nang-iwan sa kanya sa gitna ng kontrobersiya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Read: Paolo Bediones continues work as TV5 news anchor amid sex video scandal

Reaksiyon ni Derek sa naging aksiyon ni Paolo, "That’s a good mindset. That’s how he should think.

"Life is filled with ups and downs. One minute you’re high and next thing, you’re down there.

"It’s about how you bounce back and Pao—who we all know as a great talented man—will bounce back.

"He’s a smart-headed individual and he’s gonna bounce back."

Patuloy pa niya, "The [Kapatid] network maybe a bit disappointed, but we will definitely support him.

"I’m sure he’s disappointed in himself. But, yeah, definitely he’s going to bounce back."



DID HE? Sa puntong ito ay biniro namin siya Derek, kung siya ba ay 100 percent na walang sex video na kinunan sa mga nakaraang sexcapades niya.

Humagalpak nang tawa ang hunky actor sabay sabing, "A, wala, wala!

"Dapat kasi, pagkakuha, binura niya kaagad."

Bigla itong napaisip na parang may pilit siyang inaalala: "Have I done it once in my life?

"Yeah, probably, but bura kaagad. Yeah, you know...

"It’s sad that some people would just do something like that.

"And have it out without sitting down and contemplating how it could destroy other’s lives.

"That’s the sad part.

"But again, I think Pao is gonna bounce back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope this woman [in the video] is not affected.

"Maybe they are doing some legal actions na rin tungkol dito.

"Lalo na we have a law that would respond sa ganitong exposures."

Ang tinutukoy ni Derek ay ang Cybercrime Prevention Act of 2012 na nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino noong September 12, 2012.

WHY DO IT? Sa palagay niya, ano ang dahilan kung bakit naiisip ng iba na i-record ang kanilang pagtatalik?

Ani Derek, "Time has changed since a long time.

"Ngayon kasi, you can do everything with your phone or computer.

"I guess couples do it to spice up their relationship.

"But, definitely, you have to be comfortable with one another to be able to do that.

"I don’t know... I can’t give you a complete answer why people do it.

"Or why do people find something different in doing it.

"Some people may say that it’s the stupidest thing to do in a relationship, but there are still some people who would love to do it.

"We’re human.

"Why do we video our sexual act? I don’t know."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN