Paolo Bediones seeks PNP’s help to stop spread of his alleged sex videos

Paolo Bediones pleads on his Instagram account: “At the PNP-Anti Cybercrime Division. Investigation has begun. Please help me put a stop to this. Thank you.”


Humingi na ng tulong si Paolo Bediones para mapahinto ang pagkalat ng diumano’y sex videos niya.

Sa Instagram account ng TV5 news anchor (paolobediones), sinabi niyang nagsimula na ang imbestigasyon ng PNP-Anti Cybercrime Division tungkol sa pagkalat ng nasabing videos.

Kaugnay nito, nag-post din ng larawan si Paolo ng tila isang pamba-blackmail sa kanya.

Sa isang sulat, nakalagay na may iba pang hawak na sex videos umano ni Paolo ang nagpadala.

Sabi pa ng nagpadala: “madali naman akong kausap! Kung ayaw mong lumabas ito sa publiko, tawagan mo ako.”

Sa huling bahagi ay nakalagay ang isang cell phone number na sinadyang i-blur.

Noong nakaraang Linggo, July 27, naging usap-usapan ang pagkalat ng diumano’y sex videos ni Paolo.

Nang magtanung-tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang source ang nakapagsabi na, “Lumang video na ‘yan ng consenting adults noong nasa GMA-7 pa si Paolo.”

Bago lumipat sa TV5 noong 2009, naging host muna si Paolo ng Extra Challenge at Survivor Philippines ng Kapuso network.

Read: Paolo Bediones’s alleged sex video goes viral

Sa kabila ng kontrobersiya, ipinakita naman ni Paolo ang kanyang katatagan sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanyang trabaho bilang news anchor ng Aksyon Tonite

Kaugnay nito, nag-post din si Paolo sa kanyang Instagram account ng mensaheng ito: “Life goes on. On air in a bit.”

Read: Paolo Bediones continues work as TV5 news anchor amid sex video scandal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN