PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid thankful and flattered for special mention in PNoy SONA

Ogie Alcasid has always supported the President, especially now that PNoy is beleaguered: "Tama yung sinabi ni Kris na ipagdasal natin siya."
by Rachelle Siazon
Published Aug 4, 2014
“Tinext ko na lang si Mr. President. Nag-reply naman siya. Nag-sorry pa, ha. Sabi niya, ‘I’m sorry na hindi ako nagpaalam sa inyo. Sabi ko, ‘Ok lang, boss. E, sumikat nga ako lalo,’" says Ogie Alcasid when asked about his unexpected inclusion in PNoy's State of The Nation Address last July 28.

Nasorpresa si Ogie Alcasid nang banggitin ni President Benigno “Noynoy” Aquino III ang pangalan niya sa State of The Nation Address (SONA) ng Pangulo noong July 28.

Dito ay pinuri ni PNoy sina Ogie at Noel Cabangon dahil sa kontribusyon nila sa larangan ng musika at boluntaryong pamumuno sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Ang OPM ay isang non-profit organization na nagpapatupad ng mga polisiya upang patuloy na tangilikin ang Original Pinoy Music (OPM) lalo na ang professional Filipino singers.

Sabi ni PNoy tungkol sa makabuluhang adhikain na ito: “Meron din naman sa sektor, sabihin na nating mga culture, 'tulad nina Noel Cabangon at ni Ogie Alcasid na hindi pansarili lang ang iniintindi.”

Noong araw ng SONA, nagkataong nakikipag-meeting daw si Ogie at ang kanyang misis na si Regine Velasquez sa architect ng kanilang ipinare-renovate na bahay.

Nalaman na lang ni Ogie na nabanggit siya sa SONA ni PNoy sa text message ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakalimutan ko naman na SONA nga pala nung araw na yun.

“Yung nanay ko nag-text, ‘Congratulations! Congratulations!’

"Napaisip ako, ‘Nanalo ba ako sa lotto? Ano ba ang nangyari?’

"Nabalitaan ko na nga na [nabanggit pala ako],” lahad ni Ogie.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Ogie sa pocket presscon para sa kanyang birthday concert, TBT With Mr. A, kanina, August 4.

Gaganapin ang concert ni Ogie sa August 28, sa Music Museum.

Kuwento pa ni Ogie, sinubukan niyang hanapin ang replay video ng SONA ni PNoy ngunit hindi niya raw ito nakita agad.

“Tinext ko na lang si Mr. President. Nag-reply naman siya.

“Nag-sorry pa, ha. Sabi niya, ‘I’m sorry na hindi ako nagpaalam sa inyo.’

“Sabi ko, ‘Ok lang, boss. E, sumikat nga ako lalo.’

“Nakakatuwa naman.”

Sina Ogie at Regine ay ilan sa mga artistang puspusang sumuporta kay PNoy bilang presidential candidate noong 2010 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalam ng PEP kung ano ang reaksiyon ni Ogie ngayong patuloy na nakakatanggap ng pambabatikos si PNoy mula sa publiko at ilang sektor, sanhi ng kontrobersiyal na Development Acceleration Program (DAP).

READ: President Noynoy Aquino faces impeachment raps over DAP

Sabi ni Ogie tungkol dito, “Ganun talaga e. President ka, ‘di ba? Titirahin ka talaga.

“Personally, sana masanay na lang si PNoy sa gano’n.

“Obvious naman sa SONA niya, medyo malambot na siya, e.

"Somber na yung mood niya.

“Feeling ko, unti-unti na niyang nalalasap yung, ‘Sige na nga. Ganyan talaga.’”

Sa kabila nito, iginiit ni Ogie na buo ang tiwala niyang malalampasan ni PNoy ang mga problemang kinahaharap nito ngayon.

“Sa Facebook nga ang daming opinyon. Hindi naman ako sumasali sa ganun.

“Ang problema, ako, asawa ko, 'tsaka sila Noel, sinuportahan namin ‘yan.

“Alangan namang ngayon bumitaw kami? Lalo ngayon kailangan niya ng suporta.

“Kaya tama yung sinabi ni Kris [Aquino] na ipagdasal natin siya [PNoy].”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ: Kris Aquino bursts into tears over PNoy's SONA

READ: Kris Aquino calls on PNoy supporters to stand by him; hits back at critics on PNoy

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Tinext ko na lang si Mr. President. Nag-reply naman siya. Nag-sorry pa, ha. Sabi niya, ‘I’m sorry na hindi ako nagpaalam sa inyo. Sabi ko, ‘Ok lang, boss. E, sumikat nga ako lalo,’" says Ogie Alcasid when asked about his unexpected inclusion in PNoy's State of The Nation Address last July 28.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results