Mark Gil cremated a few hours after his death

Ipina-cremate na ng pamilya Eigenmann ang mga labi ng yumaong aktor na si Mark Gil ilang oras pagkatapos nitong pumanaw kaninang umaga, September 1, 2014, dahil sa sakit na liver cirrhosis.


Ilang oras pagkatapos yumao ng beteranong aktor na si Mark Gil ay ipina-cremate na rin ng pamilya ng aktor ang mga labi nito sa Heritage Park Chapels and Crematorium sa Taguig City.

Sumakabilang-buhay si Mark ngayong Lunes ng umaga, September 1, bandang alas-otso ng umaga dahil sa sakit na liver cirrhosis. Siya ay 52 years old.

Read: Mark Gil dies at 52

Ilang buwan bago namatay si Mark ay lumabas ang ilang espekulasyon tungkol sa kalusugan nito.

Sa pinakahuling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panganay na anak ni Mark na si Gabby Eigenmann, na na-publish nito lamang August 20, ang sinabi nito tungkol sa kalagayan ng ama: “Okey naman siya. Siyempre, he’s not getting any younger pero… basta he’s okay.”

Read: Gabby Eigenmann speaks up about health condition of dad Mark Gil

Ayon din sa impormasyong nakalap ng PEP, mula sa ilang malalapit na tao kay Mark, bagamat alam ng aktor na may karamdaman siya, kailan lamang daw nitong nalamang may malaking mass sa kanyang liver.

Ngunit tinapat na raw siya ng kanyang doktor na hindi na ito maaaring operahan.

Napag-alaman din ng PEP mula sa ilang sources na mismong si Mark daw ang may kagustuhang hindi na magpa-confine sa hospital.

Nang bawian ng buhay ng aktor ay nasa tahanan siya ng kanyang kapatid na si Cherie Gil.

Sa bahay muna ni Cherie tumuloy si Mark dahil ginagawa pa ang bahay nito at ng kanyang misis na si Maricar Jacinto Eigenmann, kunsaan mayroon siyang isang anak—si Stevie Eigenmann.

LAST MOMENTS. Nalaman din ng PEP na nang bawian ng buhay si Mark, ang isang kamay raw nito ay hawak ng kanyang misis na si Maricar habang ang isang kamay naman ay hawak ng kanyang panganay na anak na si Gabby.

Ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay nag-post si Gabby sa pamamagitan ng kanyang accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram ng picture nila ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May caption ito na: “...And so you held my hand in yours, just like you did when I was young . But then you held it to your heart just as you slowly slipped away. Today I said goodbye to you Dad. I said the last I love you that you would hear. Fly free with the Lord, fly free without pain. No worries, no problems, just love. Thank you for everything you have done for me and the family. Thank you for the legacy you have left behind. You will be forever in our hearts, till we meet again..”



MARK’S FAMILY. Dahil sa kundisyon ni Mark, umuwi mula sa Amerika ang kanyang mga magulang na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, gayundin ang anak ng aktor na si Ira Eigenmann.

Si Ira at Gabby ay mga anak ni Mark sa aktres at commercial model na si Irene Celebre.

Tila hinintay talaga ni Mark ang isa pa niyang kapatid na si Michael de Mesa dahil kaninang madaling-araw lang ito nakauwi ng Pilipinas mula sa Amerika, at ilang oras pagkatapos nito ay binawian na ng buhay si Mark.

Si Sid Lucero, na anak naman ni Mark sa aktres na si Bing Pimentel, ay hindi na nakapiling ang ama sa pagpanaw nito.

Kahapon, August 31, ay lumipad si Sid papuntang Singapore, para sa taping ng primetime series ng GMA na My Destiny.

Pero bago umalis ay nagpaalam daw siya sa kanyang daddy na kailangan niyang pumunta ng Singapore ng ilang araw.

Iyak daw nang iyak si Sid nang malaman ang pagpanaw ng ama.

Napag-alaman naman ng PEP na kasalukuyan nang ginagawan ng paraan ng GMA na makauwi nang mas maaga si Sid.

Nag-iwan din daw ng wish list si Mark sa kanyang pamilya na gusto nitong mangyari kapag wala na siya.

Isa raw sa wish list nito ay ang mailagak ang kanyang mga labi sa alma mater niya sa La Salle, Greenhills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa batid kung saan plano ng pamilya Eigenmann ilagak ang mga abo ni Mark.

Ang iba pang detalye ay malalaman pa sa official statement na ilalabas ng pamilya, posible sa loob ng araw ring ito.

Hindi maikakailang isang malaking kalungkutan at kakulangan sa industriya ang pagpanaw ng isang napakahusay na aktor at totoong alagad ng sining ng pag-arte.

Mapayapang paglalakbay sa kabilang buhay, Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN