Paolo Bediones reportedly resigns as TV5 news anchor

After two leaked sex videos, Paolo Bediones has quit his job, according to a popular showbiz columnist.


Nag-resign na raw si Paolo Bediones bilang news anchor ng Aksyon Tonite, ang late-night news program ng TV5, ayon sa isang batikang showbiz columnist.

Kaugnay ito ng pagkakasangkot ni Paolo sa mga lumabas na sex videos niya kamakailan.

Sa column niyang "Funfare" sa Philippine Star, sinabi ni Ricky Lo na nakatanggap siya ng impormasyon na nagbitiw na si Paolo bilang tagapagbalita ng late-night newscast, kasabay ng pagri-revamp ng mga news programs ng TV5.

Si Paolo ay papalitan diumano ni Martin Andanar bilang news anchor. Makakasama pa rin daw ni Martin si Cheryn Cosim bilang co-anchor.

Bago naiulat ang pagbibitiw niya, hindi muna napanood si Paolo sa kanyang news program at sinabing naka-indefinite leave lang ito.

Pero magpapatuloy pa rin daw si Paolo bilang host ng Demolisyon, ang public affairs show ng TV5.

Sinabi rin sa ulat ni Ricky Lo na tuloy ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation para matukoy kung sino ang salaring nag-upload ng nasabing maseselang videos, batay na rin sa request ni Paolo.

Ayon pa kay Paolo, kinunan umano ang mga video noong nasa GMA-7 pa siya.

Lumabas ang unang sex video ng news anchor noong July at naging viral agad ito. Noong August ay isa pang sex video ang lumabas.

Related articles: Paolo Bediones’s second sex video goes viral

Paolo Bediones’s alleged sex video goes viral

Noong lumabas ang unang video, ipinagpatuloy ni Paolo ang kanyang trabaho at hindi niya ito tinalakay.

Read: Paolo Bediones continues work as TV5 news anchor amid sex video scandal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN