Aga Muhlach, Wimpy Fuentebella agree to drop electoral protest for "the best interest of the people of Camarines Sur"

Matapos ang halos isang taon, napagkasunduan ni Aga Muhlach at ni Camarines Sur Representative Wimpy Fuentebella na pareho nang iurong ang mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa para sa kapakanan ng kanilang mga kadistrito.


Ibinasura ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang election protest na inihain ng aktor na si Aga Muhlach laban kay Camarines Sur Representative Felix William “Wimpy” Fuentebella.

Ito ay may kaugnayan sa pagkatalo ni Aga noong May 2013 elections laban kay Wimpy bilang kongresista sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur.

Inireklamo ng aktor ang nangyaring katiwalian diumano sa bilangan ng mga boto.

Read: Aga Muhlach cries foul over alleged discrepancies in congressional race in CamSur

Dahil dito naghain ng reklamo si Aga sa electoral tribunal ng House of Representatives upang magkaroon ng recount sa mga botong naitala sa naturang distrito.

Read: Aga Muhlach files electoral protest; Lani Mercado faces electoral protest

DISMISSED. Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, September 8, na-dismiss ang reklamong inihain ni Aga dahil napagkasunduan ng kampo ng aktor at ni Wimpy na iurong na ito.

Nakasaad sa pinirmahang resolusyon ni acting HRET Secretary Melissa Leonardo-Rodriguez, "They both mutual agreed that further proceedings in the instant case will not work for the best interests of the people of the fourth district of the province of Camarines Sur.

"The instant election protest and the corresponding counter-protest are considered dismissed.”

Dahil dito, pina-recall na ng HRET ang lahat ng mga kautusan na may kaugnayan sa kaso.

Nobyembere ng taong 2013 ay naglabas ng resolusyon ang HRET na may sapat na dahilan upang pagbigyan ang reklamong inihain ni Aga.

Kaya naman nagkaroon ng muling pagbubukas ng ballot boxes at bilangan ng mga boto mula sa 225 clustered precincts ng fourth district ng Camarines Sur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN