Derek Ramsay fights for his right to be a father to son

“I will definitely get time to spend with my son. I will do whatever it takes,” says Derek Ramsay when asked how he wants the legal issue with his estranged wife to end.


“Wala na akong pakialam linisin ang pangalan ko. Wala akong pakialam sa career ko. I just want to spend time with my boy.”

Ito ang paulit-ulit na pahayag ni Derek Ramsay nang makausap siya ng entertainment reporters matapos ang press conference para sa The Amazing Race Philippines Season 2 ng TV5 kagabi, September 22.

Hindi na nakaiwas ang actor-TV host sa mga tanong tungkol sa pagkikita nila ng kanyang 11-year-old son, kasama ang kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly, noong September 18, sa Makati City Prosecutor’s Office.

Read: Derek Ramsay comes face-to-face with Mary Christine Jolly and their son

Katulad ng nauna niyang sinabi, hindi naman siya kinakailangang pumunta sa korte noong araw na ‘yon dahil nakatakda lamang magsumite ng reply-affidavit si Mary.

Ayon kay Derek, sinadya niyang pumunta nang malaman niyang kasama ni Mary ang kanilang anak.

“That’s the only reason na nandoon ako, nalaman ko na nandoon ang anak ko.

“Hindi naman ako required to be there on that day.

“I found out that he was there. I haven’t seen him in months. I wanted to see him,” sabi niya.

Sa buong interview, walang ibang naging bukambibig si Derek kundi ang pagnanais niyang magampanan ang kanyang tungkulin bilang ama sa anak na lalaki.

Diin pa ni Derek, noong 2011 lamang niya nalaman ang tungkol sa anak nila ni Mary.

Ang paghaharap nila ni Mary noong nakaraang linggo ay ang ikalimang beses pa lamang na pagkakataong nakasama ni Derek ang kanyang anak sa loob ng tatlong taon.

Hindi raw alam ni Derek ang magiging reaksiyon niya dahil sa ganoong sitwasyon pa sila nagkita ng anak.

“Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

“Hindi ko alam kung papaano i-explain that he has to see and go through something like this.”

Sa ngayon, wala pang malinaw na settlement sa pagitan ng kampo niya at ni Mary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakda silang muling magkita sa September 25, Huwebes, at dito raw malalaman kung magkakaroon ng settlement sa pagitan nila, gaya ng napag-usapan nila noong nakaraang linggo.

“I will definitely get time to spend with my son. I will do whatever it takes,” diin ni Derek nang tanungin kung paano niya gustong matapos ang isyung ito sa kanyang buhay.



DIFFERENT CLAIMS. Kung si Derek ang tatanungin, ayaw na sana niyang magsalita tungkol kay Mary.

Subalit sa kanyang mga naging pahayag, kapansin-pansin na dismayado siya sa mga pabagu-bagong bintang sa kanya ng estranged wife.

Saad ni Derek, “Hindi ko na maintindihan, palagi na lang nagbabago.

“Sa first affidavit, emotional and financial.

“In their reply-affidavit, I’m a rapist.

"Now, it’s physical.

“Hindi ko na maintindihan. Lagi na lang nagbabago, lagi na lang nagbabago ang lawyers.”

Nabanggit ng aktor na noong malaman niya ang tungkol sa anak nila ni Mary, agad siyang nakipag-usap para sa mga maaari niyang maibigay rito.

“I found out he was my son in 2011.

“I was very cooperative when I found out that he was my son.

“I immediately sat down with them to find out what’s best for my son.

“We did, we had a contract.

“They’re the ones that drafted the contract, they notarized the contract, everything was smooth sailing from there.”

Pero dahil naging pabagu-bago na raw ang claim ng kampo ni Mary, hindi na matiyak ni Derek ngayon kung makukuha niya ang visitation rights na kanyang hinihiling.

“Hindi ko nga alam kung ano ang assurance ko, kasi ito na naman tayo, negotiating contract.

“Naiiba lang yung numero, pero ano ang guarantee na mabibigyan niya ako to exercise my right to see my boy?

“Again, may kontrata nang existent, pero it doesn’t matter kung ano ang nasa kontrata.

"So, nandito pa rin ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Wala na akong pakialam sa lawyers nila. Wala na akong pakialam sa affidavits nila.

“Basta ako, I promised my son that I’m gonna get to spend more time with him.”



NOT TALKING ABOUT ESTRANGED WIFE. Sa ngayon, kahit hindi nagustuhan ni Derek ang pagharap ni Mary sa media, pipiliin pa rin daw niyang huwag nang magsalita laban dito.

Matatandaang bago nagtungo sa Makati City Prosecutor’s Office si Mary at ang kanyang bagong abugado na si Atty. Argee Guevarra ay nagpatawag muna sila ng presscon sa isang restaurant.

Read: Mary Christine Jolly insists she was physically and verbally abused by Derek Ramsay

Sabi pa niya sa mga taga-media, “Abangan niyo na lang yung sa 25.

“Hindi kami nagpapa-presscon, hindi kami nagsasalita.

“I have faith in our judicial system. Everything is based on facts, not hearsay.

“It’s very easy to fill out a paper saying this and that.

“But it’s hard to fill out a paper with facts and evidence, and witnesses.

“I hope we can settle.”

Kung sakaling magkaroon ng settlement, ang edukasyon daw ng kanyang anak ang magiging prayoridad ni Derek.

Sabi niya, “I want a right to be a father. I want a right to see my son.

“I definitely want to shoulder his education because that’s, for me, is the best to give back—to secure his future with best education.

“That’s what my parents did to me. They sent me to the best school that they can afford.

“I want him to give the best education."

Idiniin din ng aktor na, kung sakali, gusto niyang ibigay ito sa pamamagitan ng trust fund.

Sabi pa niya sa huli, “Bakit kailangan sila ang may hawak ng pera kung talagang para sa bata ang interes nila?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN