Derek Ramsay’s ex-girlfriend testifies for the actor’s legal battle with Mary Christine Jolly

“I also replied back because Mary [Christine Jolly] claimed I was kicked out of our apartment. She’s incorrect. I was living with Derek [Ramsay]. We were both paying rent. When we split up, I decided to go back to England to be with my family," says Colette Centeno-Fox in a one-on-one interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last September 25.

Seen in photo: Fiscal Erwin Dimayacyac, Derek’s legal counsel Atty. Christophe


Boluntaryong tumestigo si Colette Centeno-Fox para sa kanyang dating nobyo na si Derek Ramsay.

Kaugnay ito ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262 na inihain ni Mary Christine Jolly laban sa aktor, noong June 27.

Nasangkot si Colette sa legal battle ng estranged couple matapos banggitin ni Mary sa kanyang reply-affidavit ang tungkol sa insidente ng paghihiwalay ng una at ng aktor.

Ayon kay Mary, siya ang rason kung bakit pinalayas ni Derek si Colette sa apartment ng aktor noon.

Si Colette, na hinirang bilang 1998 Bb. Pilipinas-International titlist, ang girlfriend ni Derek bago nakarelasyon ng aktor si Mary.

Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 25, iginiit ni Colette na walang katotohanan ang naturang pahayag ni Mary sa kanyang reply-affidavit.

Ang totoo ay naghiwalay sina Derek at Colette bandang July 2001, dahil pinili ng una na ipagpatuloy ang kanyang modelling career noon, habang si Colette naman ay nagdesisyong makapiling ang pamilya sa London.

Ganunman, nanindigan si Colette na kailanman ay hindi niya nakitaan ng pagkabayolente si Derek noong panahong sila ay magkarelasyon.

Taliwas ito sa sinumpaang salaysay ni Mary na siya ay naging biktima ng physical, verbal, psychological, at economic abuse noong nagsama sila ni Derek bilang mag-asawa.

Read: Mary Christine Jolly to Derek Ramsay: "Enough with the tears. Enough with the drama."

Paliwanag pa ni Colette tungkol dito, “I used to be in a relationship with Derek for three years.

“So, I explained his personality and characteristics as a boyfriend and partner.

“I also replied back because Mary claimed I was kicked out of our apartment.

“She’s incorrect. I was living with Derek. We were both paying rent.

“When we split up, I decided to go back to England to be with my family.

“I was never kicked out of the apartment.”

Kuwento pa ni Colette, maayos ang naging hiwalayan nila ni Derek noon, at nanatili rin silang mabuting magkaibigan hanggang sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, dumalo pa ang ibang kapamilya ni Derek nang ikasal si Colette sa London noong April ngayong taon.

Maging si Colette ay dumalo rin sa kasal ng kapatid ni Derek dito sa Pilipinas tatlong taon na ang nakararaan.

Pahayag ni Colette: “I’ve known since the very begininning [that he’s married].

“Even when I went back to England, he would still call me.

“I know every relationship he’s been in. I know every problem he has had in every relationship.

“He talks to me about his career. So, we’re really close.”

Kaya kahit na abala siya sa pag-aasikaso ng sarili niyang travel agency sa London, agad na lumipad patungong Pilipinas si Colette noong September 16, upang suportahan si Derek.

September 18 nang maisapubliko ang ilang bahagi ng unsubscribed affidavit ni Mary kung saan nadawit ang pangalan ni Colette.

Bunsod nito, boluntaryong naghain si Colette ng kanyang sinumpaang salaysay sa Makati Prosecutor’s Office noong September 25.

LOOK: Derek Ramsay, Mary Christine Jolly face off anew

Saad ni Colette, “And I knew from the beginning it wasn’t true.

“So, thats why I said to him, ’Do you want me to come to the Philippines to testify for you?’

"He said yes."

Bilang matalik na kaibigan ni Derek, umaasa si Colette na malalampasan ng aktor ang mga pagsubok na kinahaharap nito ngayon.

Saad ni Colette nang hingan ito ng PEP ng mensahe para kay Derek, “Just to keep fighting for the truth, for the future of his son.

“I hope everything works out because he knows the truth.

“I know the truth and so does his friends and family.

“So, hopefully it will work out.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN