Mary Christine Jolly camp slams Derek Ramsay’s public apology to Angelica Panganiban

Mary Christine Jolly camp on Derek Ramsay’s public apology to Angelica Panganiban over concubinage complaint: "Mr. Derek Ramsay has the nerve to apologize to his kabit but does not man up and have a decency to apologize to his own wife and own child, whose very existence he deliberately denied from 2002 to 2014?”


Umalma ang kampo ni Mary Christine Jolly matapos humingi ng paumanhin ni Derek Ramsay sa ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Base ito sa ibinahaging mensahe ni Derek sa kanyang official Twitter account (@kingderekramsay) ngayong araw, October 9.

Read: Derek Ramsay apologizes to Angelica Panganiban over concubinage complaint of Mary Christine Jolly

Buwelta ng legal counsel ni Mary na si Atty. Argee Gueverra ukol sa naturang pahayag ni Derek: “My client finds it insulting that Derek Ramsay knows how to apologize to Angelica and to her fans over the concubinage case.

“Mr. Derek Ramsay has the nerve to apologize to his kabit but does not man up and have a decency to apologize to his own wife and own child, whose very existence he deliberately denied from 2002 to 2014?

“He is indeed aspiring to become a CEO of Male Chauvinists Pig, Inc.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Guevarra sa telepono ngayong hapon.

Sinagot din ng abugado ang pahayag ng kampo ni Derek na panggigipit ang motibo sa likod ng paghahain ni Mary ng reklamong concubinage laban sa aktor at sa dati nitong kasintahan na si Angelica, sa Parañaque Prosecutor’s Office kahapon, October 8.

Read: Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage charges

Maliban pa rito ang reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act na inihain ni Mary laban sa aktor, noong June 27.

Ayon kay Atty. Guevarra, may karapatan si Mary na maghain ng reklamong concubinage bilang legal na asawa ni Derek.

Dagdag pa rito ang direktang pag-amin ni Angelica tungkol sa pagli-live in nila ni Derek sa mahabang panahon, noong magkasintahan pa sila ng aktor.

“My client is well within her right to file a criminal case, especially so, when the evidence is insurmountable and indicating the guilt of the two respondents,” saad ng abugado ni Mary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin umano maitatatwa ni Derek ang katotohanan na sa mata ng batas ay asawa pa rin niya si Mary.

Pahayag pa ng abugado hinggil sa paghahain ni Mary ng concubinage complaint laban kina Derek at Angelica: “Element of justice and a closure and vindication for her rights as the legal wife.

“Kasi she’s always being referred to... it’s deliberate also, the PR of Derek wants to portray her as ex-wife.

“She is referred to as Ms. Jolly. Even if she shows you her passport, her name is Ms. Mary Christine Ramsay.

“We are also wondering why there’s a deliberate attempt on the PR group of Derek to sway public opinion and portray my client as the ex-wife and not the legal wife.”

Huling nagharap sina Mary at Derek, kasama ng kani-kanilang abugado, sa Makati Prosecutor’s Office noong September 25.

Nagsumite si Mary ng kanyang reply-affidavit, habang si Derek ay nagsumite ng rejoinder-affidavit kaugnay ng VAWC complaint ng una.

Read: Derek Ramsay, Mary Christine Jolly drop proposed settlement

Ipinaliwanag ni Atty. Guevarra kung ano ang posibleng epekto ng concubinage complaint ni Mary sa naunang reklamong inihain nito laban sa aktor.

“It enhances, because part of the VAWC complaint, aside from economic abuse, there is also psychological abuse, emotional abuse. So, this is part of it.

“Deliberately being hurt by his flaunting of women. His portrayal of himself as single [civil status], contrary to the fact that he is married and with a child—with legal obligations that he is not performing and he is not observing.”

Taliwas ito sa nakaraang pahayag ni Derek na pilit niyang sinusubukang maging ama sa 11-taong-gulang na anak nila ni Mary mula noong 2011.

Noong 2011 nakumpirma ni Derek, sa pamamagitan ng pagsailalim sa isang paternity test, na siya ang ama ng noo’y walong-taong-gulang na batang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula noon ay hindi rin umano nagkulang ang aktor sa pagbibigay ng susteno para sa anak.

Ayon pa kay Derek, may mga pagkakataong gusto niyang makipagkita sa anak ngunit madalas itong hinahadlangan ni Mary.

Ngunit sa panayam ng PEP kay Mary kahapon, October 8, iginiit ng Indian-Filipino na hindi sinsero ang sinasabi ni Derek na pakikipaglapit nito sa kanilang anak.

Pagod na raw si Mary na manahimik at tiisin ang pang-aabusong natatanggap mula sa estranged husband.

Sabi ni Mary: “You know what, since April until now, he has not once called his son.

“He has not once sent me a text message to check on the welfare of his child.

“Can you explain to me the sincerity in that? And if he has a statement to that, tell him to show me proof that he’s trying to reach out to my son.

“Not one time. There is no sincerity.

“All he cares about is his image and his career.

“I don’t care about that anymore.

“For now, I want justice.

“I want him to basically face the consequences of the things he did wrong.

“And that’s what he did wrong—he decided not to support the child and he decided to abuse his wife.

“Because I’m still his wife at the end of the day.”

Sa October 13 nakatakda ang huling pagdinig para sa preliminary investigation sa VAWC complaint na inihain ni Mary laban kay Derek.

Sa ngayon ay wala pang itinakdang petsa kaugnay ng preliminary investigation kaugnay sa concubinage complaint ni Mary laban kina Derek at Angelica.

Bukas ang PEP sa panig ng kampo nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban kaugnay ng mga naging pahayag ni Mary Christine at ng abugado nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN