Billy Crawford on lesson learned after his arrest: "It taught me to do things right and walang mistake, if possible."

Billy Crawford on controversies that test his relationship with girlfriend Coleen Garcia: "It helps test kung hanggang saan ang kaya namin. Humuhugot ako ng lakas sa kanya… sobrang lakas ng pagkatao niya, e. She’s strong-willed and she’s an amazing person."


Hindi itinanggi ni Billy Crawford na dalawang pangyayari sa buhay nila ng kasintahang si Coleen Garcia ang sumubok at halos yumanig sa kanilang mag-iisang taong relasyon.

Una ay nang makulong ang Kapamilya singer-actor sa Taguig Police Headquarters dahil sa pagwawala niya sa presinto noong September 7.

Read: Billy Crawford charged with malicious mischief, disobedience to person in authority

Sumunod ay ang kumalat diumanong sex video scandal ni Coleen, na isa palang pekeng video na may virus.

Read: Billy Crawford shrugs off fake sex video of girlfriend Coleen Garcia

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa presscon ng pelikulang Moron 5.2 The Transformation noong Martes, October 7, nagbigay siya ng kanyang saloobin tungkol sa pinagdaanan nila ni Coleen.

Saad niya, “It helps, it helps... sad, ‘di ba?

“It helps test kung hanggang saan ang kaya namin.

“Humuhugot ako ng lakas sa kanya… sobrang lakas ng pagkatao niya, e.

“She’s strong-willed and she’s an amazing person."

Dagdag pa niya tungkol sa kasintahan, “She’s emotional, pero she’s very firm.

“Very smart, very loving, very supportive.

“Ako, I tried to be a man din naman, no matter what.

“Hopefully, okay naman ako sa kanya.”



FAKE SEX VIDEO. Muling ipinagdiinan ni Billy hindi siya naniwala sa diumano’y sex video ni Coleen.

Ayon sa 32-year-old Kapamilya star, “Alam ko naman na hindi totoo from the start. So, bakit pa namin papansinin?

“Binibigyan lang namin ng doubt ang mga tao, kung totoo o hindi.

“Alam naman namin na hindi totoo.

“Alam mo naman ang ibang tao, gagawin nila ang lahat to pull you down if you’re doing well.

“Siguro, they’re trying... sa tingin ko, walang makakabagsak sa babaeng yun.”

Nilinaw rin niya ang isyung ito raw ang dahilan kung bakit gusto niyang magpakulong para hindi na makapanakit ng ibang tao, sa sobrang galit daw niya nang malaman niya ang tungkol sa video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Billy, “Everything was taken out of proportion and differently.

“I didn’t go there [sa presinto] para magpakulong, hindi naman ako tanga.

"I just came there to ask for help and rest, so yun."



LIFE LESSONS. Itinuturing ni Billy na malaking leksiyon ang mga nangyari sa kanilang buhay ni Coleen.

Saad niya, "It taught me to do things right and walang mistake, if possible.

"Parang hindi naman posible yun, it’s a big learning experience para malaman ko kung ano ang dapat i-prioritize sa buhay ko.

"Unang-una is being responsible as a man, and also, being a respectful person."

Dahil dito, minsan na rin niyang inisip na magbalik sa Amerika o ipagpatuloy ang singing career niya sa Europe.

“Sometimes, ’pag nag-iisip ka, kung ano ba ang mga nangyayari… ‘Ano ba ’to? Aalis na nga muna ako sa showbiz. Parang ito ’ata ang nakaka-pressure sa buhay ko at whatever.’

“Pero that makes me a quitter... you don’t stop.

“I tend to have dreams, I tend to have goals and plans in my life. So, why not continue it?

"So, continue it properly."

Nangako ba sila ni Coleen na susuportahan nila ang isa’t isa sa mga darating pang pagsubok sa kanilang relasyon?

Sagot ni Billy, “One thing I promised her is that I will never hurt her.

"Dadaan pa kami sa maraming pagsubok, I know, pero magtutulungan kami.

"I think this is one big learning talaga sa aming relationship."



THANKFUL. Nagpasalamat naman si Billy sa mga kasamahan niya sa It’s Showtime! dahil lahat daw sila ay nagdadamayan sa panahong ilang miyembro ng kanilang show ang nasangkot sa kontrobersiya.

Saad niya, “Everybody wants to protect each other and be there bilang kapatid for one another.

“Like, si Kuya Kim [Atienza], was a big inspiration to me.

“Ilang beses nang napahamak ang buhay niya, ’di ba, pero never siyang bumitaw sa Panginoon, sa pamilya niya, at sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He really let go of everything, and it takes a real man to do this.”

Muling iginiit ni Billy na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng iba na may “curse” daw ang kanilang noontime show dahil sunud-sunod na nasangkot sa mga kontrobersiya ang hosts nito—sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, at si Billy.

Diin niya, “I don’t believe in curse, Kristiyano ako.

“I don’t think about it. I don’t think about the negativity.

“Lahat naman ay puwedeng mangyari yun sa lahat ng tao, hindi lang naman sa show namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN