Jim Paredes on issue with Senator Nancy Binay: “Sino ang sensitive dito?”

Jim Paredes reveals to PEP that he had received death threats in the past, even before the most recent one from a Twitter user after he criticized Vice President Jejomar Binay.


Isa si Jim Paredes sa mga naging hurado sa North Luzon regional finals ng talent show ng GMA Network, ang Bet ng Bayan, na ginanap sa Plaza Salcedo, sa Vigan, Ilocos Sur, na itinaon sa Raniag Twilight Festival ng nasabing heritage city, noong October 28, Martes.

Kasama niyang naging hurado sina Kuh Ledesma at Dingdong Dantes sa reality-talent show ng Kapuso network hosted by Regine Velasquez and Alden Richards.

Saad ng beteranong singer-songwriter tungkol sa konsepto ng programa, “It’s nice to find talent na hindi pa umaabot sa mainstream.

“Kumbaga, parang this is their first exposure to a real contest, so talent will shine if it’s there.

"Kahit na sabihin mong raw or whatever it is, you’ll see it.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jim sa lunch press interview ng mga artista na nagpunta sa Vigan sa pamamagitan ng GMA Regional TV.

Sang-ayon si Jim sa paglulunsad ng reality-talent shows, kagaya ng Bet ng Bayan, na dumidiskubre ng mga Pilipinong may natatagong talento.

Saad ng APO Hiking Society member, “Sa akin, actually, it democratizes being discovered.

"’Di gaya ng dati na kilala ng kilala [na tao] or you apply, there’s a very small window of opportunity to show your talent.

“So now, with all of these things, practically anybody with talent can be heard now and exposed.

"So, in that way, it’s a good thing."



ON ISSUE WITH NANCY. Inusisa rin ng PEP si Jim tungkol sa kasalukuyang isyu nila ni Senator Nancy Binay.

Pinayuhan kasi ng senadora si Jim na huwag maging sensitibo dahil sa natanggap niyang death threat sa Twitter.

Ito ay dahil sa pagpuna ng singer-songwriter kay Vice President Jejomar Binay, ama ni Nancy, tungkol sa kinukuwestiyong malaking properties ng bise presidente sa Batangas.

Tinawag namang “idiotic answer” ni Jim ang pahayag ni Senator Nancy at sinabing hindi niya inaakusahan ang pamilya Binay na may kinalaman sa death threat sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jim Paredes on Sen. Nancy Binay: "What an idiotic answer from a senator."

Read: Jim Paredes scoffs at online death threat

Isang nagngangalang “Rex Vincent Tecson” o “Rex Betulan Tecson” ang nagbanta sa buhay ni Jim sa Twitter dahil sa pagiging vocal nito sa pagbatikos kay Vice President Binay.

Tweet ni Jim bago siya nakatanggap ng death threat: “Binay’s decision not to attend the hearings and all his moves after that have been utterly disastrous. It seems he has everything to hide.”

Sa panayam ng PEP kahapon, sinabi ni Jim na hindi ito ang unang beses na nakatanggap siya ng death threat dahil sa pagpuna niya sa mga taong nasa mataas na posisyon ng gobyerno.

“I’ve gotten death threats before, noong panahon ni Marcos, maingay na kami noon,” pagtukoy niya sa rehimen ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Dagdag ni Jim, “Pero ito, it’s so blatant, and when I looked at the guy, he must be a very unstable guy.

“He claims to be the ’prime minister of the socialist republic of the Philippines.’"

Ang deskripsiyon kasi ng nasabing tao sa kanyang Twitter account: "Lawyer, Civil Engineer, Prime Minister of the Socialist Republic of the Philippines.”

Pagpapatuloy ni Jim, “’Tapos he sent a threatening tweet to the President, twice, urging all Filipinos to band together, ’Use all your resources to kill the President.’

"Medyo maano siya... matapang siya.

“He sent also to TG Guingona,” pagtukoy niya kay Senator Teofisto Guingona III na binantaan din ni “Rex Tecson” via Twitter.

Pahayag ni Jim, “For me, I wasn’t scared.

“I didn’t fear. I didn’t say I should stop. Wala.

“Ang feeling ko lang is, if I suddenly die, you know who to look for.

“I mean, this could be another Chapman the way John Lennon was killed, a political stalker, ’di ba, ganun... because stalker siya... galit sa mundo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Jim ay si Mark David Chapman na bumaril at pumatay sa sikat na miyembro ng The Beatles noong 1980.

WHO IS SENSITIVE? Ani Jim, tungkol sa kanyang matapang na pagtuligsa sa mga nasa posisyon, importante ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay at hindi siya natatakot na pumuna sa mga sumasalungat dito.

“Well, if you know my family, if you know the way our mother raised us, we’re really very democratic, egalitarian family,” aniya.

Ang "egalitarian" ay tumutukoy sa paniniwala sa prinsipyong pagkakapantay-pantay.

Patuloy niya, “Sampu kami sa pamilya, number nine ako, so sanay ako sa pantay-pantay.

"In fact, I got second-hand shoes, second-hand everything until I started to earn my own money.

“So, I’m not anything special, really.

"So, I kind of feel for that [equality]. I like equality.

“Ayokong nagyayabang-yabang ang mga Binay na ganun na ano.

"So I say what I want to say.

"I think that’s the spirit of a true democrat, ’di ba?"

Kung para sa iba ay matapang ang pagpuna niya kay VP Binay, ayon kay Jim, "Sa akin, hindi pa matapang ’yon."

Sundot ng PEP, hindi ba siya nababahala na dahil sa isyung ito ay lalong lumala ang hidwaan nila ng mga Binay?

Tugon ni Jim, “In fact, I mentioned in my Facebook, you know, first of all, sabi ko, I was safe.

"Second, I do not think any pulitiko is behind this [threat]. I think this guy is acting out on his own.

"So, in fact, I cleared the Binays through that, ’di ba?

“Third, I said that I believe in the freedom of expression.

"The moment it gets to... nagmumurahan na kayo and death threats, I much rather block you off. That’s what I said.

“Kaya medyo nainis ako doon sa comment ni Nancy na masyado raw akong sensitive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ba, [pinapatigil] sila sa gate, o sino ang sensitive sa amin dito?

"Naglabasan na sila ng baril, ’di ba? So, sino ang sensitive dito?"

Ang tinutukoy ni Jim ay ang CCTV footage na lumabas noong nakaraang taon, kung saan mapapanood ang tensiyon sa pagitan ng bodyguards ni Mayor Junjun Binay (kapatid ni Senator Nancy) at ng security guards ng Dasmariñas Village, sa Makati City, nang harangin ng mga security guard ang convoy ng alkalde bilang bahagi ng protocol sa nasabing exclusive village.

Sa nasabing CCTV ay makikitang naglabas ng mga baril ang bodyguards ni Mayor Binay.

Naroon din noong mga sandaling iyon si Senator Nancy.

Read: Mayor Jun Jun Binay’s aides bring out guns amid altercation with Dasmariñas Village security guards

“Ako, nagpunta nga ako sa pulis, e,” pagtukoy ni Jim sa paglapit niya sa mga awtoridad upang iulat ang tungkol sa natanggap na death threat.

THE WORLD OF SOCIAL MEDIA. Tinanong si Jim kung ano ang kanyang magiging reaksiyon kung sakaling magkita sila ni Senator Nancy.

Sagot niya, “Hello. Politely. ’Di naman kailangan magbarilan kayo, ’di ba?

“I mean, I dont know if people will understand this, but in the earthly existence that we live, we act out the roles that we do.

"But behind all of that, in the world of compassion and everything, we are one.

“I don’t know if that makes sense to your readers, but it makes sense to me.

“Siyempre, in this system that we have, we live in a democratic system.

“’Pag nakulong ka, kulong ka.

"But deep down, are you human? Am I human? Are we of the same source? Of course.

"In that aspect, we can find some common ground if you are willing to go through that level.”

Ano ang realization niya sa nangyaring kontrobersiyang ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, my realization in the world of social media, everybody gets their share.

“I mean, even the dull, the ignorant, the psycho, they all get their platform.

"You can’t please everybody and neither should you try to please everybody. Ganun, e."

Ibig ba niyang sabihin, hindi mahalaga kung suportahan man siya o hindi sa kanyang mga opinyon?

Sagot ni Jim, “In the end, no.

“If I think it’s wrong, then it’s wrong.

“I’m thankful for the support but I’m also thankful that, most of the time, having the discernment to not comment on everything, because sometimes it doesn’t need comment. It’s self-evident,” malalim niyang pahayag.

So, aware siya na minsan ay napapahamak siya sa kanyang pagpapahayag sa social media?

“Yeah, but what can you do? We all have to be who we are,” sagot ni Jim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN