PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann denies rumored reconciliation with Jake Ejercito: "I guess it’s not meant to be yet."

Andi Eigenmann’s greatest lesson on love: “Kailangan talaga lagi mong uunahin ang sarili mo kahit anong mangyari. Hindi mo ibibigay lahat-lahat para sa iba. Mahalin mo muna ang sarili mo for you to be able to love someone else. And that I shouldn’t lose respect for myself."


Nagsalita na si Andi Eigenmann tungkol sa diumano’y pagbabalikan nila ng ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Ito ay matapos mamataang magka-date ang dalawa sa isang restaurant sa Promenade, Greenhills, noong nakaraang buwan.

“That was one time!” paglilinaw ni Andi.

“One time we decided to meet.

"Para sa akin, lahat ng tao inisip, ’Ay, sila ulit!’ Ganyan-ganyan.

“Wala namang ibig sabihin yun. Wala naman masama kung magkita.

“E, kung ano naman meron sa amin ni Jake, nasa sa amin na yun, ’di ba?

"Hindi na namin kailangan i-share [nation]wide!" bahagyang natatawang saad ng Kapamilya actress.

Taliwas sa espekulasyon ng publiko, hindi naayos ng dating magkasintahan ang mga alitang pinagdaanan nila kamakailan.

“Hindi. We tried! Pero sa ngayon, I guess it’s not meant to be yet,” simpleng pahayag ni Andi.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa 25thanniversary ng Swatch, na ginanap sa Swatch+Swatch center sa Arnaiz Avenue, Makati City, kagabi, November 4.

Lumabas din ang balitang agad na sumugod si Jake sa tabi ni Andi noong maaksidente ang aktres habang nagsu-shooting ng pelikulang Haunted Theater noong October 5.

Ano ang reaksiyon niya nang bisitahin siya ni Jake sa ospital?

Sagot ni Andi, “Ah, oo, pumunta siya sa hospital. Tinawagan siya ng hairstylist ko.

“Nagulat ako. Pero it’s understandable.

"Alam ko naman na he cares about me."

Noong September 28, ibinunyag ni Andi ang tungkol sa breakup nila ni Jake, matapos kumalat sa social media ang larawan ng binata na may kahalikang non-showbiz girl.

Read: Andi Eigenmann reveals reason for breakup with Jake Ejercito

Kasunod nito ay inihayag ni Jake na itinuturing niya si Andi bilang kanyang “greatest love” sa loob ng apat na taon nilang relasyon hanggang sa ngayon.

Read: Jake Ejercito breaks silence about breakup with Andi Eigenmann

Mula’t sapul ay bukas naman si Andi sa pagsasabi kung gaano niya kamahal si Jake, kaya tinanong ng PEP kung bukas ang aktres sa posibilidad na sila pa rin ang magkatuluyan sa bandang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Well, I’ll always have a special kind of love for him. Siya rin yung greatest love ko.

“Pero who knows? I don’t wanna keep it down to one specific person.

“Para sa akin, kahit sinong magpapasaya sa akin, mamahalin ko, mapapasaya ko [dun ako].”



BRET JACKSON. Samantala, inamin ni Andi na nasaktan niya nang husto si Bret Jackson nang mauwi sa wala ang panliligaw nito sa aktres.

Ang best friend ni Bret na si James Reid ang nagkumpirma na tumigil na sa pagde-date ang rumored couple.

Read: James Reid confirms that Andi Eigenmann and Bret Jackson have stopped dating

Pahayag ni Andi patungkol kay Bret, “I’m aware of that. Pero big boy naman na siya.

“Alam naman niya, hindi ko naman sinadya yung nangyari.

"Alam naman niya kung anong nangyayari. Alam namin pareho yun.

“Basta para sa akin lang, hindi siya naging rebound, hindi siya naging panakip-butas noong mga panahong iyon.

“He’s a really good friend of mine.”

Sa ngayon ay hindi pa raw sila muling nagkakausap, pero naniniwala si Andi na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Bret.

May posibilidad bang mahulog ang loob ni Andi sa iba gayong "greatest love" nila ni Jake ang isa’t isa?

Sagot niya, “If there is someone, it will come. But it will be slow.

“Kasi gusto ko na talaga mag-ingat this time.

"I think I’ve had enough of it for four years."

Sa huli, ibinahagi ni Andi na natuto siyang bigyan ng halaga ang respeto at pagmamahal sa sarili.

“Kailangan talaga lagi mong uunahin ang sarili mo kahit anong mangyari. Hindi mo ibibigay lahat-lahat para sa iba.

“Mahalin mo muna ang sarili mo for you to be able to love someone else. And that I shouldn’t lose respect for myself.

“Dapat uunahin ko pa rin yung sarili ko in order for me to make other people happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN