Vice Ganda feeling better after health scare; speaks about "happy" heart

"The management gave me enough time to rest and recuperate kaya okay naman. Kahit yung shooting ko [for Praybeyt Benjamin Part 2], pahinga muna. November 15 pa ang resume ko," says Vice Ganda in a one-on-one interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last November 4.


Hangga’t maaari ay ayaw pag-usapan ni Vice Ganda ang tungkol sa kanyang health issues, na siyang dahilan kung bakit kinailangan niyang mag-leave of absence sa It’s Showtime.

Pansamantalang hindi napapanood si Vice Ganda sa naturang Kapamilya noontime show mula noong October 27.

Kinailangan kasing ipahinga ng Kapamilya TV host-comedian ang boses nito dahil sa kanyang polyps sa lalamunan at acid reflux.

Read: Vice Ganda reveals reason for his recent hospitalization

Ganunpaman, inihayag ni Vice na nakabuti sa kanya ang pagkakaroon ng tatlong linggong bakasyon upang bumuti ang kalusugan niya.

Ito ang sagot ni Vice nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lagay niya ngayon: “Masaya. Nakakapagpahinga.

“Kasi the management gave me enough time to rest and recuperate kaya okay naman.

“Kahit yung shooting ko [for Praybeyt Benjamin 2], pahinga muna.

“November 15 pa ang resume ko.”

Ang tanging pinagkakaabalahan ni Vice ay ang taping para sa kanyang weekly show na Gandang Gabi Vice (GGV).

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa 25th anniversary ng Swatch, na ginanap sa Swatch+Swatch building sa Makati City, noong November 4.

CHERIE GIL. Hiningan din namin ng reaksiyon Vice tungkol sa paghingi ng dispensa sa kanya ni Cherie Gil noong maging hurado ang huli sa It’s Showtime.

Binatikos kasi ng beteranang aktres at tinawag na “scum” ang box-office comedian, nang gawing katatawanan ni Vice ang weight issue ni Jessica Soho sa isang concert noong nakaraang taon.

Ngunit naantig ang damdamin ni Cherie nang mag-perform si Vice ng sarili nitong komposisyon, kasama si Ryan Bang at physically-disabled children, sa It’s Showtime, noong October 23.

Read: Cherie Gil tearfully apologizes to Vice Ganda for calling him scum in the past

Kaugnay nito, tinanong si Vice kung pakiramdam ba niya ay vindicated siya kapag nakaririnig siya ng positibong feedback mula sa taong minsan nang bumatikos sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Vice ukol dito, “I’m just glad that people see something good in me.

“Pero ok lang naman. I am giving everyone the freedom to think anything about me.

“Kasi lahat naman tayo ganun, e.

“We have different thoughts about different people kaya we have the freedom to do that.”

Pagdating naman sa usaping-pag-ibig, nabanggit ni Vice na iisa pa rin ang nilalaman ng kanyang puso.

Hindi raw siya ang tipong madaling magsawa basta pagdating sa seryosong relasyon.

Ganunpaman, hindi pinangalanan ni Vice kung sino man ang tinutukoy niyang karelasyon ngayon.

Tanong ng PEP kay Vice: Siya ba yung tipong faithful kapag may karelasyon o madali siyang manawa?

Sagot niya, “Parang hindi ako madaling manawa. ‘Pag yung totoo, ha?

“Yung talagang number one?

"Parang hindi ako madaling manawa. Parang ever since, iisa pa rin naman."

Isa sa mga matagal nang nauugnay kay Vice ay ang PBA player na si Terrence Romeo.

Noong Mayo ay naging kontrobersiyal na usapan ang tungkol sa pakikipagkalas ni Vice sa kanyang mystery boyfriend, na tila may initials na T at R.

Dahil dito ay mabilis na kumalat ang espekulasyong si Terrence ang tinutukoy na boyfriend ni Vice, na agad namang pinabulaanan ng una.

Read: Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN