Nikki Gil on rumored non-showbiz boyfriend BJ Albert: “He’s the one!”

Nikki Gil on relatonship status with rumored non-showbiz boyfriend BJ Albert: "Yun pa rin naman. Basta he’s a special friend.”


“He’s the one!”

Ito ang natatawang pag-amin ni Nikki Gil nang tanungin siya tungkol sa napapabalitang non-showbiz boyfriend niyang si BJ Albert.

Kaugnay ito ng pag-post ni Nikki ng larawan kasama si BJ, halos isang taon mula nang aminin ng TV host-actress ang tungkol sa kanyang papausbong na lovelife.

Read: Nikki Gil posts photo with rumored non-showbiz boyfriend for the first time

Sa January 24 episode ng MYX News!, nagulat si Nikki nang tanungin siya ng co-host na si Chino Lui-Pio tungkol sa kumalat na larawan niya kasama si BJ.

“That guy is my lawyer. He's my friend. He's my special friend,” nakangiting pahayag ni Nikki.

Pagkatapos ay biniro ni Chino si Nikki na tila unti-unti nang nagiging bukas ang TV host-actress tungkol sa espesyal na lalaki sa buhay niya ngayon.

Nang tanungin kung may idadagdag pang impormasyon si Nikki tungkol sa estado ng relasyon nila ni BJ, ito ang sagot niya: “Yun pa rin naman. Basta he's a special friend.”

Dagdag pa ni Nikki, “At the moment, he is my source of joy.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataong pinangalanan ni Nikki ang kanyang constant dating partner.

Ang tanging detalye na nabanggit ni Nikki noon ay 29 years old ang kanyang non-showbiz suitor, pareho silang graduate ng Ateneo De Manila University, at nagkakilala sila sa pamamagitan ng kanilang common friends.

Ngunit nauna nang nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may-ari ng isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig City ang “special friend” ni Nikki.

Read: Nikki Gil happy but secretive about growing romance with non-showbiz suitor

July 2014 naman nang aminin ni Nikki na sila ay “exclusively dating.”

Read: Nikki Gil prefers dating non-showbiz guy because "it's less complicated"

Sa kabila nito, tikom ang bibig ni Nikki tungkol sa natanggap niyang pambabatikos kaugnay ng kanyang purity vow.

Read: Iya Villania defends Nikki Gil over virginity issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN