Kris Aquino lashes back at bashers and haters

Hindi na siguro nakayanan ni Kris Aquino ang mga pambabatikos at pambubuska ng kanyang followers na nagkomento ng kung anu-anong masasakit na salita laban sa kanilang pamilya at sinagot na niya ang ilan sa mga ito. Ayon pa kay Kris, "I reply negativity with facts."


Binatikos nang husto ng maraming Pilipino ang hindi pagdalo ni Pangulong Noynoy Aquino sa isinagawang heroes' welcome ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa tinaguriang #fallen44, ang mga miyembro ng elite Special Action Force (SAF) ng PNP na nasawi matapos ang engkuwentro sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Isinagawa ang pagsalubong sa mga labi ng mga nasawi sa #mamasapanoclash sa Villamor Airbase noong Huwebes ng hapon, January 29.

Nasa isang car plant inauguration sa Laguna ang Presidente, at nauna na raw ang schedule na ito at hindi na maaari pang kanselahin.

Kaya naman trending sa twitter ang hashtag na #NasaanAngPangulo noong Huwebes.

Kinagabihan, dumalaw si Kris sa burol ng mga nasawing miyembro ng PNP-SAF sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Read: Kris Aquino visits wake of slain PNP-SAF members

"WALA AKONG MAGAGAWANG TAMA..." Kagabi, January 30, nag-repost si Kris ng larawan nila ng international singer na si Michael Buble, na naging panauhin niya sa show nilang Aquino & Abunda Tonight ng ABS-CBN.

Read: Kris Aquino reveals her thoughts on hate messages against PNoy and their family

Pero tila hindi pinansin ng kanyang followers ang larawan nilang dalawa. Bagkus, nagbuhos ng kanilang mga saloobin ang followers ni Kris laban sa Pangulo.

Hindi na rin marahil natiis ng Queen of All Media ang pangba-bash sa kanyang kapatid, kaya sinagot na niya ang ilan sa mga ito.

Unang sinagot ni Kris ang komento ni @therealmerea:

Ito naman ang madamdaming sagot ni Kris sa komento ni @diosee07:

Sa isa pang komento, sinagot ni Kris na minsan ay may mga pribadong pagkakataong hindi na kailangan niyang i-post sa kanyang Instagram account.

Sunod na sinagot ni Kris ang mga komento nina @ryanchant at @rona_010:

Narito pa ang ibang komento na sinagot ni Kris:

Sa huli, tila nainis naman si Kris sa isang follower na inutusan siyang patigilin ang kapatid na magsalita tungkol sa kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karamihan sa mga sagot ni Kris ay burado na sa kanyang Instagram account ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN