Albay Governor Joey Salceda’s chief of staff stands by statement despite Xian Lim’s clarification

Wala pang malinaw na balita kung matutuloy ang panawagan ng mga taga-Albay na ipadeklarang persona non grata si Xian Lim sa kanilang probinsiya dahil sa inasta nito.


Isang panayam sa Radyo ng Bayan-Albay ang ibinahagi ni Governor Joey Salceda sa kanyang Facebook account ngayong araw, February 20.

Dito ay inilahad ang pangyayari sa likod ng diumano'y pagtanggi ng Kapamilya actor na si Xian Lim na i-promote ang Albay sa pamamagitan ng pagsusuot ng T-shirt na may nakasulat na pangalan ng lalawigan.

Ang chief of staff ni Governor Salceda na si Atty. Carolyn Cruz ang unang naglahad ng insidenteng ito tungkol kay Xian.

Narito ang kuwento na naka-post sa Facebook account ng gobernador:

“Sinabihan siya [Atty. Carol] ni Jockey, isa sa kanyang staff, na dumating na ang actor sa The Oriental Hotel pasado alas-onse ng umaga kahapon [Feb. 19].

"Sinalubong niya ito, bilang bahagi ng Traditional Gift Giving ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay bilang kinatawan ni Gobernador Joey Sarte Salceda.

"Sabi ni Cruz, ‘Welcome back to Albay. Maybe this is your 2nd or 3rd time here. You know I'm so impressed with you because the last time you came here, you really took the van to perform.'"

Hindi raw sumagot si Xian sa mga sinabi ni Atty. Cruz at paismid-ismid lang daw ito sa kanya.

Patuloy pa raw ni Atty. Carol, "Oh, we have something for you."

Habang binubuklat at inaayos ang T-shirt, hinawi raw ni Xian ang kanyang kamay at sabay sabing "Huwag po, ayaw ko po," na ang tinutukoy ay ang T-shirt na ibinibigay sa kanya.

Kaya naman daw ang coffee table book na lang ng Albay ang iniabot ni Atty. Carol sa aktor.

Pero bigla raw nagsalita si Xian ng: "I did not come here to promote Albay."

Matapos daw nito, umalis na lamang sila, pero sabi ng kanyang mga staff ay nakita at narinig nila ang buong pangyayari.



NOT TO SPOIL THE PROGRAM. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Carol ngayong araw, February 20, sa pamamagitan ng telepono, sinabi nitong ini-report niya ang pangyayari sa kanilang group chat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa miyembro ng kanilang Facebook chat si Governor Salceda, at dito ay nagsumbong siya sa nangyari sa hotel.

Nag-react daw ang gobernador sa diumano’y kabastusan ni Xian.

Pero sinabi raw sa kanilang hindi dapat mai-spoil ang programang nakatakda kinahapunan, kaya daw naglabas si Governor Salceda ng statement pagkatapos na ng programa.

Baka raw kasi wala nang manood sa inihanda nilang pagtitipon sa Fiesta Chinoy 2015.

Read: Xian Lim in hot water after allegedly refusing to promote Albay


BRANDING. Dahil sa naturang Facebook post ni Governor Salceda, nagpaliwanag si Xian sa kanyang Twitter tungkol sa pangyayari.

Nilinaw ng Star Magic talent na baka kasi magkaroon ng conflict sa kanyang apparel endorsement kaya hindi niya tinanggap ang ibinibigay sa kanyang T-shirt.

Pero ayon kay Atty. Carol, sa panayam ng PEP, hindi naman nakalagay sa T-shirt ang anumang brand ng damit o produkto, kundi ang salitang “ALBAY” lamang.

Read: Albay Governor Joey Salceda shows T-shirt that Xian Lim refused to wear

Sabi pa ni Atty. Carol, mabuti pa si Queen Sofia ng Spain na bumisita sa kanilang lugar, noong binigyan daw nila ng T-shirt, nanghingi pa ng isa para sa kanyang kabiyak.

Ganito rin ang post ni Governor Salceda sa Facebook: “Mabuti pa si Queen Sofia of Spain - during her royal visit to Albay when she saw one, she asked for one Albay Tshirt.”


BUSINESS CLASS. Nilinaw rin ni Atty. Carol ang tungkol sa diumano’y pag-request ni Xian ng business class sa flight nito papuntang Albay.

May report kasing sinabi diumano ni Xian na hindi siya pupunta kung hindi siya sa business class naka-book.

Pero sabi ni Atty. Carol, walang business class flight papunta sa kanila. Forty-five minutes lang daw ang flight papuntang Albay.

Ang na-avail daw ni Xian ay premium economy.

Sabi pa niya, si Governor Salceda raw ay walang pinipiling upuan sa eroplano. Sa unahan man o sa gitna o sa likuran ito mapuwesto ay walang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PERSONA NON GRATA? Tungkol naman sa panawagan ng ilang mga taga-Albay na ideklarang persona non grata si Xian sa kanilang lalawigan, nakasalalay raw ito sa provincial board na pinamumunuan ng kanilang bise-gobernador.

Pero susuportahan daw ni Atty. Carol kung mayroong gagawing hakbang ang board dahil ang ginawa raw ng aktor ay insulto hindi sa kanya kundi sa mga taga-Albay.

Nagpunta raw siya sa hotel bilang representative ni Governor Salceda at ng probinsiya, hindi bilang fan.

Pero sa post ni Governor Salceda, sinabi niyang: "Someone should learn from Ramon Bautista who called the women of Davao as 'hipon.'

"Pero dito wholesale- I DID NOT COME HERE TO PROMOTE ALBAY. Thats all Albayanos across generations, now, before and in the future."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN