Xian Lim insists he is telling the truth: "Alam kong wala akong ginawa para ikagalit ng tao ng Albay."

Xian Lim has denied Albay Gov. Joey Salceda’s accusation that the actor refused to accept a T-shirt and coffee table book and reportedly said: "I am not here to promote Albay." Xian claims what he said was he couldn’t wear the T-shirt because it would conflict with a clothing brand he was endorsing. The actor has apologized to everyone who was hurt by the incident.


Nagbigay ng kanyang panig si Xian Lim sa The Buzz ngayong Linggo, February 21, hinggil sa isyu ng diumano'y hindi magandang inasal niya sa chief of staff ni Albay Gov. Joey Salceda nang pumunta ang Kapamilya actor sa Bicol para sa isang show noong February 19, Huwebes.

Tinanggihan umano ni Xian ang ibinigay na T-shirt at coffee table book na inalok ng abugado na si Carolyn Cruz nang dumating ang aktor sa Albay para sa Fiesta Tsinoy 2015.

Naging kontrobersiyal din ang umano'y binitiwang salita ni Xian na “I am not here to promote Albay,” bilang tugon sa mga alok ni Atty. Cruz.

Sunud-sunod naman ang naging posts sa Facebook account ni Gov. Salceda hinggil sa isyu bilang pagkondena sa diumano'y inasal ni Xian.

Read: Albay Governor Joey Salceda to Xian Lim: "No forgiveness deserved.

Read: Xian Lim in hot water after allegedly refusing to promote Albay

Bungad ni Xian sa panayam sa kanya ni Boy Abunda kanina, “I want to clear my name, marami silang sinasabi tungkol sa akin na hindi naman totoo.

"Maraming umiikot, maraming kumakalat sa social media na hindi totoo."

Nilinaw ni Xian na hindi niya sinabi ang mga katagang “I am not here to promote Albay.”

Bagkus, malumanay umano niyang tinanggihan ang T-shirt na inalok ni Atty. Cruz at sinabing conflict ito dahil mayroon siyang iniendorsong clothing brand.

“Hinding-hindi ko po masasabi yung kini-claim nila na, 'I am not here to promote Albay.'

"Una sa lahat, alam ko naman na [the statement] is very offensive.

“Ang tatay ko taga-Bicol, ang lola ko taga-Bicol.

"Marami na pong beses na bumabalik-balik ako sa Albay, sa Bicol region.

"Lagi po akong nagso-show diyan at wala naman po akong naging problema."

Diin pa ni Xian, “Pumunta po ako sa Albay para magpasaya ng tao. Hindi po ako pumunta sa Albay para mambastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nalulungkot ako kasi wala naman akong nagawa para ikagalit ng governor.

"Alam kong wala akong ginawa para ikagalit ng tao ng Albay."

ANSWERS ACCUSATIONS. Inisa-isa ring sinagot ni Xian ang mga akusasyon ni Gov. Salceda sa kanyang Facebook account laban sa kanya.

Sa akusasyong hindi raw siya pinalaking tama, paliwanag ni Xian, “Mahal na mahal ko po ang aking nanay.

"Hindi naman po nila alam kung papa'no ako pinalaki ng nanay ko.

“It's very hard magpalaki ng anak na mag-isa.

“I'm very proud of my mom dahil siya lang po 'yon, e, and she raised me to be a very respectful man.”

Sa akusasyong hindi raw siya nabigyan ng magandang edukasyon, sagot ni Xian, “I grew up in the States, I studied in the States, pero hindi ko po nakakalimutan ang aking asal-Pilipino.”

Ipinagtanggol din ng aktor ang talent arm na humahawak sa kanya, ang Star Magic, bilang sagot kay Gov. Salceda sa sinabi nitong hindi well-managed ang aktor.

“Ang Star Magic, they always stress humility. They always tell me to be humble in every way possible.

“If I ask them for advice, sasabihin nila sa akin, 'Ikaw dapat lagi ang magpakumbaba and you always have to keep an open mind.'

“I am managed well and I have 100 percent trust in Star Magic,” ani Xian.

Sa akusasyong kabaliktaran daw ng kanyang ugali ang kanyang hitsura, ani Xian, “Hindi naman po ako puwedeng magsalita kung ano ang nakikita nila sa akin. Nagpapakatotoo po ako palagi.”


XIAN SAYS SORRY. Sabi pa ni Xian, nalulungkot siya na hindi tinanggap ni Gov. Salceda ang kanyang paghingi ng tawad.

“Pero gusto ko lang sabihin na kung anuman yung nakakarating kay Gov. Joey Salceda, hindi po 'yon totoo.

“Kung anuman yung sinasabi tungkol sa akin, 'di rin po 'yon totoo.

"Gusto ko lang mag-sorry kung anuman yung ikinagalit niya, I'm sorry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humingi rin ng 'sorry' si Xian sa mga taga-Albay.

Nang tanungin ni Boy si Xian kung bakit dapat paniwalaan ito, sagot ni Xian, “Kasi nagsasabi ako ng totoo."


APOLOGY ACCEPTED. Samantala, nakapanayam din ng The Buzz si Gov. Salceda at inihayag ng pulitiko ang kanyang panig kung bakit tinanggihan niya ang paghingi ng tawad ni Xian.

“Kami ang mga Bicolano, kabait-bait talaga, e, so gagawin namin lahat para maging kumportable ka, para maramdaman mo na welcome na welcome ka sa amin na alam mo.

“So, nung inaway niya kami, sabi ko, hindi naman yata tama 'yon.”

Gayunpaman, sa sumunod niyang pahayag, tinanggap na rin ng gobernador ang paumanhin ng aktor.

Ani Gov. Salceda, “In the spirit of Lent, and in the season of Kuwaresma, and on behalf of the people of Albay, I will accept his apology and it's a necessary first step of repentance.

“And after repentance is penance, so bilang penance niya po, e, talagang dahil ang nasaktan dito ay Albay toursim, so Albay tourism ang kailangan tulungan niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN