Albay Governor Joey Salceda to Xian Lim: "No forgiveness deserved."

Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Albay Governor Joey Salceda sa Kapamilya actor na si Xian Lim dahil daw sa pambabastos nito sa kanyang staff na napahiya dahil sa hindi nito pagtanggap sa kanilang welcome gifts. Sabi pa ng gobernador, “No amount of forgiveness” ang naging asal ni Xian. Makikita sa larawan sa itaas ang larawan ni Xian sa guest appearance nito sa Fiesta Tsinoy 2015 ng Albay.


Patuloy pa rin sa paglalabas ng kanyang hinaing si Albay Governor Joey Salceda, sa pamamagitan ng Facebook, laban sa aktor na si Xian Lim.

Kaugnay pa rin ito ng insidente kung saan tinanggihan diumano ng Kapamilya actor ang mga ibinigay na T-shirt at coffee table book ng probinsiya, na iniabot ng chief of staff ni Governor Salceda na si Atty. Carolyn Sabio-Cruz nang dumating si Xian sa Albay kahapon, February 19.

Guest si Xian sa pagdiriwang ng Fiesta Tsinoy 2015 ng naturang lalawigan.

Naging viral na rin sa social media ang mga binitawang salita ni Xian na “I am not here to promote Albay.”

Read: Xian Lim in hot water after allegedly refusing to promote Albay


“NO AMOUNT OF FORGIVENESS.” Kahit humingi na ng paumanhin si Xian, tila hindi naman ito tanggap ni Governor Salceda.

Sa iba pa niyang posts sa Facebook, nakasaad ang ganito: “PTCAO [Provincial Tourism and Cultural Affairs Office] gave souvenir Tshirt printed with - 'Warm Albay'

“Xian Lim rejected it.

“PTCAO gave coffee book table titled - 'Warm Albay'

“Xian Lim rejected it .

“Then Xian Lim says why: I AM NOT HERE TO PROMOTE ALBAY."

Sa isa pang post ng gobernador, sinabi nitong walang katumbas na kapatawaran ang pang-iinsultong ginawa ni Xian sa kanila.

Aniya, “Ordinary staff ng PTCAO ang ininsulto at hiniya ni Xian Lim.

“Together with ordinary Albayanos, they are the ones who work hard, silently and patiently for Albay tourism.

“And based on the prevarications on his posts, he is not getting it.

"1. Hindi namin pinapasuot ang Tshirt sa guests. Binibigay lang

“2. The mere fact that coffee book table is called Warm Albay and the tshirt is Warm Albay should already be obvious that these are typical touristic materials.

“The PTCAO incident morally approximates the cruelty and brutality in Maguindanao, and what's worse we did not pay the MILF P350,000 to do it and we expected something better from him since he is not a terrorist, instead an artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No forgiveness deserved.”


PINAGMUKHANG SINUNGALING. Sa inilabas na statement ni Xian sa kanyang Twitter account (@XianLimm), sinabi niyang hindi naman ang pagpo-promote sa Albay ang kanyang tinanggihan kundi ang pagsuot ng T-shirt dahil daw posibleng magkaroon ng conflict sa kanyang clothing endorsement.

Read: Xian Lim clarifies issue about promoting Albay; says it's the T-shirt he refused to wear

Pero sa pahayag ni Atty. Cruz sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, February 20, at sa naiulat din sa Radyo ng Bayan-Albay, hindi nila pinapasuot kay Xian ang T-shirt kundi regalo lamang ito bilang bahagi ng traditional welcome sa lahat ng kanilang mga bisita.

Read: Albay Governor Joey Salceda's chief of staff stands by statement despite Xian Lim's clarification

At sa isang post ni Governor Salceda, sinabi niyang ipinahiya ni Xian ang kanyang staff dahil sa ginawa nitong pagtanggi sa kanilang mga regalo.

Aniya, “Nagbayad ang Albay ng P350,000.

“Pina-welcome ka namin sa buong barangay.

“Binibigyan ka pa namin ng mga souvenir.

“Tinanggahin mo at hiniya ang mga ordinaryong PTCAO staff

“Sinabihan mo pang: I AM NOT HERE TO PROMOTE ALBAY.

“Tapos, pinagmumukha mo pa kami, ang staff ko, at ngayon pati ako, sinungaling?

“Ow, common. Puwede ka naman siguro magsimula sa Thank You at hindi ganito.”


VIRAL. Trending ngayon sa Philippines trend sa Twitter ang ‘We Support Xian Lim.’

Kasabay nito ang pagkalat ng iba’t ibang memes kaugnay ng mga salitang “I am not here to support Albay.

Kaugnay nito ay may kumakalat na ring balita na posibleng ideklarang persona non grata sa lalawigan ng Albay si Xian.

Samantala, wala pang kasunod na pahayag si Xian o ang kanyang kampo sa umiinit na usaping ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN