PEP SCOOP. Julia Barretto makes first move to reconcile with dad Dennis Padilla

Dennis Padilla reportedly burst into tears upon seeing his daughter Julia Barretto inside a studio in ABS-CBN where the comedian was taping for a game show, Wednesday night, February 25. According to the sources of Philippine Entertainment Portal who witnessed the incident, Julia was seen holding an invitation for her 18th birthday celebration on March 10. The young actress later gave it to her dad inside a dressing room near the studio.


Nagdesisyon si Julia Barretto na makipag-ayos na sa estranged father niyang na si Dennis Padilla, dalawang linggo bago magdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan ang Kapamilya young actress.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Julia kung saan makikitang masayang magkasama ang mag-ama sa isang larawan na ibinahagi ng Kapamilya actress kagabi, February 25.

Read: Did Julia Barretto and her dad Dennis Padilla kiss and makeup?

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mapagkakatiwalaang sources na kuha ang naturang larawan ng mag-ama sa isang dressing room sa ABS-CBN.

Nagkataong mayroong taping si Dennis para sa isang game show sa loob ng ABS-CBN compound noong araw na iyon.

Hindi malinaw kung paano nalaman ni Julia ang tungkol sa taping schedule ni Dennis, ngunit lumalabas na personal na binisita ng aktres ang ama.

Ayon sa sources ng PEP na nakasaksi ng insidente, biglang dumating si Julia sa kalapit na studio kung saan nagte-taping si Dennis kagabi.

Marami ang nasorpresa sa pagdating ni Julia, lalo pa’t hindi lingid sa publiko ang tungkol sa diumano’y hindi pagpansin ng batang aktres sa ama sa isang Christmas party ng Dreamscape—isang production unit ng ABS-CBN—noong December 14, 2014.


FATHER AND DAUGHTER RIFT. Sa isang eksklusibong panayam ng PEP noong January 14, mismong si Dennis ang naghayag na nasaktan siya nang hindi man lang siya pinansin ng anak sa naturang pagsasalo na pareho nilang dinaluhan.

Read: PEP EXCLUSIVE: Dennis Padilla snubbed by daughter Julia Barretto in a Christmas party

Sa hiwalay na panayam ng PEP ay inalmahan naman ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto ang mga pahayag ni Dennis tungkol sa kanilang anak.

Ayon kay Marjorie, walang katotohanan ang alegasyong sinadyang hindi pansinin ni Julia ang ama sa naturang party.

Ang totoo raw ay nalaman na lamang umano ni Julia na kabilang sa guests sa party si Dennis mula sa mga kaibigan ng batang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi na nakalapit pa si Julia kay Dennis, dahil naunahan na diumano ng takot ang batang aktres, sanhi ng isang insidente kung saan pinagalitan diumano nang husto ng komedyante ang anak noong November 25, 2014.

Read: PEP EXCLUSIVE: Marjorie Barretto speaks up about snubbing incident between daughter Julia and ex-husband Dennis Padilla


HAPPY REUNION. Fast forward to present time, lumalabas na ang pagkikita nina Julia at Dennis sa taping ng komedyante kagabi, February 25, ang unang pagkakataong nagkausap at nagkaayos ang mag-ama.

Kasama rin ni Julia na dumating sa studio ng ABS-CBN ang Star Magic head na si Mariole Alberto.

Kuwento pa ng nakausap na sources ng PEP, napaiyak si Dennis nang makita si Julia sa loob ng studio ng ABS-CBN.

Namataan ding may hawak si Julia na imbitasyon para sa kanyang 18thbirthday na balak sana nitong iabot sa ama, na nagte-taping para sa isang game show noong mga oras na iyon.

Ngunit sa huli ay hinintay na lamang ng batang aktres na matapos ang taping ng ama bago nakapag-usap ang dalawa sa kalapit na dressing room.

Dito na inabot ni Julia kay Dennis ang invitation para sa kanyang nalalapit na debut.

At pagkatapos ay nagpakuha pa ng litrato ang mag-ama na siyang ibinahagi ni Julia sa kanyang Instagram account.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN