Are Marjorie and daughter Julia reaching out to Claudine Barretto?

Julia Barretto comments on an Instagram post and calls her Tita Claudine "beautiful." In Marjorie’s recent post, she mentioned sister Claudine’s name. Does this signify that mother-daughter Marjorie and Julia are reaching out to Claudine?


Kasunod ng balitang pagbabati ni Julia Barretto at ng amang si Dennis Padilla, tila nakikipagkasundo na rin ang batang aktres at ang kanyang inang si Marjorie Barretto kay Claudine Barretto.

Inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, February 26, ang recent post ni Julia sa kanyang Instagram account kung saan makikitang masaya sila ng kanyang ama, pahiwatig na nagkabati na sila.

Read: Did Julia Barretto and her dad Dennis Padilla kiss and make up?

Nag-ugat ang hidwaan ng mag-ama matapos maglabas ng sama ng loob si Dennis dahil sa hindi umano pagpansin kanya ni Julia sa isang event noong December 2014.

Read: PEP EXCLUSIVE. Dennis Padilla snubbed by daughter Julia Barretto in a Christmas party


JULIA CALLS CLAUDINE "BEAUTIFUL." Ngayong araw ay nag-post ang headwriter sa ABS-CBN na si G3 Sandiego ng larawan nila ni Claudine nang magkita sila sa opisina ng Viva Entertainment, Inc.

Sa nasabing post, sinariwa ni G3 ang matagal na pagkakaibigan nila ni Claudine, nung nasa bakuran pa ng ABS-CBN pa ang aktres.

Sa comment section, pinakaunang nagkomento si Julia, pamangkin ni Claudine.

Ani Julia sa kanyang tita: β€œShe looks so beautiful!!!”

Nag-comment naman ang iba para sabihing natuwa sila sa pagpuri ni Julia sa kanyang tita.


MARJORIE MENTIONS CLAUDINE. Sa Instagram account naman ni Marjorie (@marjbarretto), ipinost niya ang larawan ni Julia kasama si Batangas Governor Vilma Santos noong February 22, Linggo.

Posibleng kuha ang nasabing larawan sa dressing room ng MOA Arena kung saan ginanap ang ASAP 20th anniversary special.

Sa caption ng nasabing post, ibinahagi ni Marjorie na ang paboritong pelikula ng kanyang anak ay ang Anak (2000), na pinagbidahan nina Vilma at Claudine.

Kaya raw itong panoorin ni Julia nang paulit-ulit.

Sa March 10 ay magdiriwang na ng kanyang 18th birthday si Julia.

Sa comment section, marami ang natuwa at naniniwalang ang pagbanggit ni Marjorie sa pangalan ni Claudine ay hudyat na gusto na niyang maayos ang hidwaan sa pagitan nilang magkapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN