Dennis Padilla softens up on daughter Julia Barretto; confirms attendance to her debut

Umamin si Dennis Padilla na kung nilapitan mismo siya ng anak na si Julia Barretto noon para hilinging ipatanggal ang kanyang apelyido ay baka raw pumayag pa siya. Aniya, “E, kasi siyempre ‘pag mahal mo yung anak mo, ang una mong isipin… kapag sinabi niya sa akin na, ‘Pa, it will give me peace, so magiging maligaya ako,’ papayag ako.”


February 25 nang naayos ang alitan sa pagitan ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto sa isang studio ng ABS-CBN.

Nag-ugat ang hidwaan nila nang hindi raw pansinin ni Julia si Dennis nang pareho silang um-attend ng isang party noong December 2014.

Read: PEP EXCLUSIVE. Dennis Padilla snubbed by daughter Julia Barretto in a Christmas party

Ngunit makalipas ang mahigit dalawang buwan ay nagkaayos na ang mag-ama, kung saan si Julia ang gumawa ng unang hakbang.

Read: PEP SCOOP. Julia Barretto makes first move to reconcile with dad Dennis Padilla

“NAPAGOD SA KAKA-REACH OUT.” Sa panayam kay Dennis ng Aquino & Abunda Tonight, na ipinalabas ngayong Lunes, March 2, sinabi ng komedyante na sobra siyang masaya sa mga bagong kaganapan sa kanila ng panganay na anak nila ng dating asawang si Marjorie Barretto.

Aniya, “Well, siyempre noong ilang araw, malungkot ka, ‘tsaka iniisip mo kung invited ka ba sa debut ng anak mo.

“Sabi ko, ‘Okay na lang na hindi na ako imbitado, basta masaya lang si Julia dun sa debut niya.

“Dumating ka na sa punto na napagod ka sa kaka-reach out.”

Magdiriwang ng kanyang 18th birthday si Julia sa March 10.

Tanong pa ni Boy Abunda kay Dennis: Anong klaseng pagri-reach out ang ginawa niya?

Sagot ng komedyante, “Kasi, a lot of times, I want to borrow them.

"A lot of times I like to call them, text them.

"Kahit na bago lumabas yung family name issue na ‘yan, I tried reaching out to Julia.

“There was one time I called her. There was one time I texted her.

"Sabi ko, ‘Julia, I already saw your petition for change of name. When can we talk?’

“Hindi naman niya ako nasasagot.”

Ang tinutukoy ni Dennis ay ang petisyon ni Julia sa Quezon City Regional Trial Court na matanggal ang kanyang apelyidong Baldivia, ang totoong apelyido ni Dennis, at gamitin na lamang nito ang apelyido ng ina na Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Julia Barretto camp explains filing of change of name; Dennis Padilla files Motion To Intervene

THE RECONCILIATION. Sa ulat ng PEP na lumabas noong February 26, napag-alamang nangyari ang pag-aayos ng mag-ama nang puntahan ni Julia si Dennis sa taping ng ABS-CBN game show na Kapamilya Deal Or No Deal noong February 25.

Nag-post pa nga ang young actress ng larawan nila ng ama sa Instagram.

Ayon kay Dennis, wala sa hinagap niyang magkikita sila ni Julia sa taping.

Ang sabi raw sa kanya ay kakausapin lang siya ni Mariole Alberto ng Star Magic para sa debut ng anak.

Habang break, pumunta siya sa dressing room at nandun na raw si Mariole at kasama si Julia. Bumeso raw si Dennis sa dalawa.

Patuloy na lahad ni Dennis, “'Tapos, sabi ni Julia, ‘Papa, ito yung invitation mo, ito yung invitation ni Lola, at ito yung invitation ni Ate Linda.'

“'Tapos I started talking. Marami akong nasabi sa kanya na halos pitong taon ko ring hindi nasasabi.

“Sinasabi ko sa kanya na, ‘Julia, you are a legitimate child. That’s why I am fighting for my family name.’

“'Tapos sinabi ko, ‘Alam mo, anak, kung sinabi mo sa akin yun earlier... Sinabi mo sa akin, ‘Papa, gusto ko talagang ipatanggal ‘yang family name, e, kasi ganyan, ganyan.’

“Kung anuman ang reason mo, mas matatanggap ko.

"Sabihin ko pa sa 'yo Julia na, ‘If you will be happy with it, sige, papayag ako.”

Bakit siya papayag?

Sagot ni Dennis, “E, kasi siyempre ‘pag mahal mo yung anak mo, ang una mong isipin…

"Kapag sinabi niya sa akin na, ‘Pa, it will give me peace, so magiging maligaya ako,’ papayag ako.”

“MARAMI AKONG PAGKAKAMALI.” May iba pa bang katanungan si Julia sa kanya?

Ani Dennis, “Ang isa kasing importanteng tinanong niya sa akin, ‘Pa, bakit ba kayo talaga naghiwalay?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos sabi ko, ‘Kasi marami rin akong pagkukulang sa nanay mo, hindi na ako nakapagtustos sa inyo nang tama.

“Minsan meron, minsan wala.

"Marami akong pagkakamali."

Dahil sa kanilang pagkakaayos, may mga pumupuna na ginagamit lang daw siya ni Julia para sa career nito.

Tugon dito ni Dennis, “Yung mga bashing na natatanggap ng anak ko dahil sa mga pangyayari, siyempre naawa ako, anak ko yun, e.

“Sabi ko, ‘Huwag na nating pag-usapan ‘yan, kalimutan na natin ‘yan yung mga nangyari kasi kasama yun ng buhay, e.”

Kinumpirma rin ni Dennis na dadalo siya sa debut ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN