Senator Bong Revilla’s motion to visit son Jolo in hospital granted

Sa pagdinig sa Sandiganbayan ngayong Martes, March 3, pinayagan si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na pansamantalang makalabas ng PNP Custodial Center sa Camp Crame upang mabisita ang kanyang anak na si Jolo, na nagpapagaling mula sa tama ng baril sa kanyang dibdib.


Inaprubahan ng Sandiganbayan First Division ngayong Martes ng umaga, March 3, ang urgent motion ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na mabisita ang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na nagpapagaling ngayon sa Asian Hospital and Medical Center, sa Muntinlupa City.

Isinugod sa ospital si Jolo noong February 28 matapos itong magtamo ng tama ng bala sa dibdib, na ayon sa kanyang kampo ay self-inflicted.

Read: Jolo Revilla rushed to the hospital for gunshot wound

Kahapon, March 2, nagsumite ng urgent motion ang legal counsel ni Senator Bong sa Sandiganbayan para mabisita sa ospital si Jolo.

Read: Senator Bong Revilla files motion to visit son Jolo in the hospital

Pinayagan ang senador na makalabas ng PNP Custodial Center sa Camp Crame at magtungo sa Asian Hospital simula ales-tres ng hapon hanggang alas-otso ng gabi, o limang oras.

Mas mahaba ito ng dalawang oras sa hininging tatlong oras sa mosyon na isinumite ng kampo ng senador sa Sandiganbayan kahapon.

Samantala, sa kanyang Facebook account, tila sinagot ang panalangin na ipinost kagabi, March 2, ni Lani Mercado, asawa ni Senator Bong at ina ni Jolo.

Dasal ng Cavite representative na sana ay pahintulutan ng Sandiganbayan ang kanyang asawa na mabisita ang kanilang anak sa ospital.

Sinabi ni Lani na kailangan ng kanyang anak ang ama nito.

Pahayag ng actress-politician, “Lord please take over. There are things I cannot handle and I need your help Lord to just give my husband the chance to visit his son, Jolo.

“He needs his father's support and presence.

“I know the Sandiganbayan will be deciding on this.Please give the judges the heart to decide as Fathers.Jolo is still in the ICU. Father I lift up to you my ardent request in Jesus name I pray. Amen.”

Sinabi rin ni Atty. Ramon Esguerra, abugado ni Bong, na makakatulong para sa pagpapagaling ni Jolo ang pagdalaw ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN