Louise delos Reyes happy about Aljur Abrenica’s return

Masaya si Louise delos Reyes na nagbalik na sa trabaho ang dati niyang leading man na si Aljur Abrenica. At least daw ay naayos na ang ilang gusot na namagitan kay Aljur at sa GMA Network.


Hindi na umiiwas si Louise delos Reyes kapag natatanong tungkol sa na-link sa kanya noong si Aljur Abrenica.

Muli kasing nagbalik sa Sunday All Stars ang StarStruck winner matapos ang ilang buwang pamamahinga nito sa show dahil sa reklamong inihain niya laban sa GMA Network.

Hey, you! Yeah, you! @ajabrenica wants you to get up and join him on the dancefloor! #SASSexySummer

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) onMar 1, 2015 at 12:03am PST

Sabi ni Louise tungkol sa pagbabalik ni Aljur sa trabaho, “I’m happy for him.

"I’m happy for him na nakabalik na siya sa trabaho niya.

“Marami rin kasing naging problem, pero at least he’s back.”

Ang tinutukoy ni Louise na naging problema ay ang paghahain ni Aljur ng reklamo laban sa kanilang home network, kung saan gusto na nitong magpa-release sa kanyang kontrata na sa 2017 pa dapat matatapos.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Ayon kay Louise, hindi sila nagkita ng dating leading man sa Kambal Sirena dahil nagkataong hindi siya nakapasok noong Linggo, March 1, sa show.

Sa pahayag na inilabas ng GMA, sinabi ritong may live contract si Aljur sa istasyon kaya ito pinayagang makabalik sa show, ngunit hindi ito nangangahulugang may settlement na sa kontra-demanda nila sa kanilang talent.

Read: Aljur Abrenica returns to Sunday All Stars; GMA Network clarifies there's no settlement yet


"JUST ONSCREEN PARTNER." Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 23-year-old Kapuso star sa contract signing nito sa isang beauty company ngayong Miyerkules ng hapon, March 4.

Dahil matagal na ang isyung namagitan sa kanila, muling inusisa ng PEP si Louise kung naging sila ba talaga ni Aljur.

Si Aljur pa nga ang itinuturong third party sa hiwalayan ng young actress at ng ex-boyfriend nitong si Enzo Pineda.

Giit ni Louise, “No. Hindi po, just onscreen partner.”

Pero niligawan ba siya ng 24-year-old singer-actor?

Sagot niya, “Hindi naman.

"Siguro naging close lang talaga kami bago pa man at noong Kambal Sirena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkataon lang na pareho kaming single noon, pero close lang talaga kaming lahat, yung Kambal Sirena team.”

Ayon pa sa dalaga, hanggang ngayon ay hindi pa sila on speaking terms ni Enzo, matapos ang kanilang hiwalayan noong unang bahagi ng 2014.

Sa ngayon, marami naman daw nagpaparamdam sa kanya, ngunit hindi niya ito maituturing na mga manliligaw hangga't hindi humaharap sa kanyang mga magulang.

Pero gusto raw muna ni Louise na mag-focus sa trabaho at gusto rin niyang bumalik sa pag-aaral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN