Cesar Montano charged with physical abuse by QC court

Sunshine Cruz on filing VAWC complaints against estranged husband Cesar Montano: "As a mom, I only did what I have to do for my kids. Para po sa kanila ang ginawa ko, hindi po ito para sa ‘kin o para sa sarili kong interes pareho ng paulit-ulit nilang sinasabi," says Sunshine in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Pormal nang kinasuhan ng physical abuse o paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act si Cesar Montano.

Ayon sa ulat ng Journal news online, lumabas ang resolusyon na pirmado ni Assistant State City Prosecutor Mary Jean Pamittan ng Quezon City Prosecutor’s Office noong March 8, 2015.

Dito ay nakasaad na nakapaghain ng sapat na ebidensiya si Sunshine Cruz na tatlong beses siyang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso mula kay Cesar sa mga sumusunod na petsa: “July 2009,” “January 2013,” at “May 12, 2013.”

Base ito sa isinumiteng mga larawan ng aktres kaugnay ng mga nabanggit na insidente.

August 13, 2013 nang maghain ng reklamong paglabag sa VAWC si Sunshine laban kay Cesar, dahil diumano sa pagiging bayolente ng aktor.

Bukod sa pananakot at pisikal na pananakit, inihayag ni Sunshine na mayroon ding insidente kung saan puwersahan siyang hinalay ng aktor noong May 12, 2013.

Inireklamo rin ni Sunshine ang pagiging "very domineering and philandering husband" ni Cesar.

Read: Sunshine Cruz claims Cesar Montano "raped" her on Mother's Day

Ngunit ibinasura ni Prosecutor Pamittan ang reklamong panggagahasa na inihain ni Sunshine laban kay Cesar dahil sa kakulangan ng sapat na basehan.

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Sunshine tungkol dito, sinabi ng Kapamilya actress na hindi pa siya makapagbigay ng opisyal na pahayag dahil hindi pa siya nabalitaan ng kanyang legal counsel na si Atty. Bonifacio Alentajan hinggil sa unang reklamong VAWC na inihain niya laban kay Cesar.

Noong Martes, March 10, ay dumalo si Sunshine sa pagdinig sa QC Prosecutor’s Office kaugnay ng ikalawang reklamong VAWC na inihain niya laban sa kanyang estranged husband.

Ito ay may kinalaman sa diumano’y kalaswaan na ginawa ni Cesar sa harap ng tatlong anak nilang babae.

Sa panayam ng PEP, sa pamamagitan ng palitan ng mensahe, inilahad ni Sunshine na hindi sila nagpang-abot ni Cesar sa pagdinig sa QC RTC noong Martes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko nakita si Mr. Montano yesterday but the assistant of his lawyer said parating daw sila when I was about to leave the fiscal’s office,” pahayag ni Sunshine.

Hindi pinirmahan ng aktres ang compromise agreement na in-offer ng kampo ni Cesar dahil wala raw itong kinalaman sa pangalawang reklamong VAWC na inihain niya.

Taliwas ito sa pahayag ni Cesar na nag-ugat ang naturang reklamo nang tanggihan niya ang hiling ni Sunshine na makuha ang conjugal property nila sa Antipolo, gayong in-offer umano ng aktor ang house and lot nila sa Las Piñas.

Read: Cesar Montano signs compromise agreement with Sunshine Cruz

Read: Cesar Montano camp hints at reason behind "masturbation" controversy

Buwelta ni Sunshine, “Opo, hindi ako pumayag at papayag sa sinasabi nilang compromise agreement kasi hindi naman tungkol sa settlement ang VAWC that we filed.

“Napakababaw naman na gamitin ko ang tatlong anak ko para lang sa isang lupa/lote sa Antipolo pareho ng inaakusa nila sa ‘kin.

“Kahit pa mansyon niya o farm niya pa ang ibigay niya sa ‘min, hindi naman namin ‘yan tatanggapin.”

Giit pa ni Sunshine, hindi totoo ang alegasyon ni Cesar na ginagamit ng aktres ang tatlong anak nilang babae para sa pansarili nitong kapakanan.

Sa katunayan, mula umano nang umalis siya sa poder ng estranged husband noong February 2013 ay pilit niyang tinustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Paliwanag pa ni Sunshine, “As a mom, I only did what I have to do for my kids.

"Para po sa kanila ang ginawa ko, hindi po ito para sa ‘kin o para sa sarili kong interes pareho ng paulit-ulit nilang sinasabi.

“’Wag naman nilang maliitin ang kakayahan ko mag-work.

“I’ve been providing for my kids since nahiwalay kami.

“Sabi nga nila, wala silang sapat na maibibigay dahil walang work si Mr. Montano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinakaya ko naman and I am thankful to God kasi since nahiwalay ako, hindi tumigil ang work.”

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang nais ipahayag nina Sunshine at Cesar hinggil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN