Rachelle Ann Go on finding the right guy: “Yun din ang hinahangad ko. One day darating ‘yan!”

“Ang dami ko kasing pangarap na gusto pang matupad. Darating din ‘yan. Hindi natin kailangan madaliin," says West End actress Rachelle Ann Go who’s not worried about her lack of lovelife at the moment.


Bagamat nananatili siyang single sa edad na 28, umaasa si Rachelle Ann Go na mahahanap din niya ang kanyang “prince charming” sa tamang panahon.

“Oo, yun din ang hinahangad ko. One day darating ‘yan. Yes!” natatawang pahayag niya.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mayroong mga nanliligaw sa kanya sa London, ngunit tila masyadong subsob sa pagtatrabaho ang West End singer/actress.

“Siguro kasi ang focus ko, trabaho.

“Ang dami ko kasing pangarap na gusto pang matupad.

“Darating din ‘yan. Hindi natin kailangan madaliin.

"Parang si Cinderella lang."

Ang Pinoy Big Brother Unlimited winner na si Slater Young ang huling kilalang personalidad na nakarelasyon ni Rachelle Ann bago siya nagtungo ng London noong 2014.

Ngunit wala pang isang buwan ay nagdesisyon silang maghiwalay kaysa ipagpatuloy ang kanilang long-distance relationship.

Read: Slater Young opens up about breakup with Rachelle Ann Go

Nakapanayam ng PEP si Rachelle Ann sa isang press event kaugnay ng ni-record niyang OST ng pelikulang Cinderella, ang “Your Dream Is A Wish Your Heart Makes,” para sa Disney Asia Channel.

Ginanap ito sa Crowne Plaza hotel sa Ortigas, Quezon City, noong Miyerkules, March 11.

Sa pagpapatuloy ng aming panayam, natawa si Rachelle Ann nang tanungin tungkol sa napabalitang manliligaw at Miss Saigon co-star niyang si Dale Evans.

Base ito sa Twitter photo na ipinost ni Dale kung saan ang caption ay: “me and my mahal @gorachelleann #shindale”

“Oh, yes! [Si Dale] na mas babae pa sa akin!” ani Rachelle Ann, na tinawanan lang ang naturang isyu.

Mayroon ba siyang natanggap na sweet surprise mula sa ibang admirers niya sa London?

Sagot niya, “From my suitors? Wala. Walang surprise.”

REUNION WITH FAMILY AND FRIENDS. Kung mayroon man siyang natanggap na magandang sorpresa, iyon ay ang biglaang pagbisita ng kanyang ina na si Russel Go noong nakaraang linggo.

Read: Rachelle Ann Go moved to tears by mom's surprise visit while she was recording Cinderella OST in London

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, masaya si Rachelle Ann dahil kahit papaano ay mas matagal ang kanyang bakasyon dito sa Manila ngayon.

“Last time [October 2014], three days lang ako. This time, eight days, so not bad,” aniya.

Lunes ng hapon, March 9, nang dumating sa Pilipinas si Rachelle Ann at sunduin siya sa NAIA ng mga kaibigan at kapwa-champions na sina Sarah Geronimo, Erik Santos, Mark Bautista, at Christian Bautista.

Nais kasing surpresahin ng West End actress ang kanyang mga kaanak sa biglaan niyang pag-uwi sa bansa.

Read: Rachelle Ann Go reunited with Sarah Geronimo and friends in Manila

Sabi niya ukol dito, “Pagdating ko [nung Monday], hindi alam ng family ko. Gusto ko rin ma-surprise sila.

“All my friends picked me up at the airport.

“Isa-isa, pinuntahan ko si Mama, 'tapos si Papa pinuntahan ko sa work.

“Yung aunt ko, yung sister ko hinintay ko from school.”

Sa March 17 ang balik ni Rachelle Ann sa London para sa Miss Saigon, kung saan ginagampanan niya ang papel bilang Gigi.

Read: Rachelle Ann Go on Miss Saigon stint: "I'm not gonna extend anymore as Gigi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN