Albert Martinez says late wife Liezl "can never be replaced in my heart"

Albert Martinez’s declares great love for wife Liezl Martinez: “Thank you for honoring Liezl’s wish for privacy as she fought cancer in the last few months of her life. She remained strong, courageous and unwavering throughout the battle—which made me love her all the more. She was not just a celebrity or public servant—for us, she was a supportive wife, devoted mother, loving daughter, caring cousin, a doting aunt... We will miss all the


Lubos na nangungulila ang aktor na si Albert Martinez sa pagyao ng kanyang kabiyak na si Liezl Martinez.

Ganunmapan, kahit papaano ay naibsan ang pagdadalamhati ni Albert dahil sa mga taong nag-abot ng kanilang pakikiramay at suporta.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes ng umaga, March 19, nagpasalamat si Albert sa mga kaanak at malalapit na kaibigang pinanatiling pribado ang pakikipaglaban ni Liezl sa sakit na cancer noong mga huling buwan na nabubuhay ito.

Ayon pa sa aktor, mismong ang misis niya ang may kagustuhan na panatilihing pribado ang tungkol dito.

Ito marahil ang dahilan kung bakit walang naiulat tungkol sa pinagdadaanan ng pamilya Martinez, hanggang sa bawian ng buhay si Liezl dahil sa sakit na breast at lung cancer noong Sabado ng umaga, March 14.

Matatandaang taong 2008 nang ma-diagnose na mayroong breast cancer si Liezl.

Matapos sumailalim ng treatment ay nag-recur ito noong 2011 at kumalat ang cancer cells sa kanyang left lung.

Ngunit bago pumanaw si Liezl ngayong taon ay panandaliang gumaling si Liezl sa tulong ng stem cell therapy nito.

Read: Liezl Martinez dies at 47

Sa kabilang banda, inihayag ni Albert na mas lalong lumalim ang pagmamahal niya kay Liezl dahil sa lakas ng loob na ipinamalas ng kabiyak sa kabila ng karamdaman nito.

Sabi ng Kapamilya actor sa isang bahagi ng caption ng kanyang Instagram post, “Thank you for honoring Liezl’s wish for privacy as she fought cancer in the last few months of her life.

“She remained strong, courageous and unwavering throughout the battle—which made me love her all the more.

“She was not just a celebrity or public servant—for us, she was a supportive wife, devoted mother, loving daughter, caring cousin, a doting aunt…

“We will miss all the wonderful things that she was in our lives.”

Iginiit din ni Albert na hindi kailanman mapapalitan ang puwesto ni Liezl sa kanyang puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na pahayag ni Albert, “Although I lost her, she will forever remain a precious jewel, a gem that can never be replaced in my heart.

“Please continue praying for our family as we try to overcome our grief and loneliness in the coming days.

“A thousand white roses for you, my Liezl…”

My family and I are grateful for the outpouring of love and support during this, the most trying time in our lives. Your concern and prayers show us that my wife Liezl is well-loved and will be sorely missed. Thank you for honoring Liezl’s wish for privacy as she fought cancer in the last few months of her life. She remained strong, courageous and unwavering throughout the battle—which made me love her all the more. She was not just a celebrity or a public servant—for us, she was a supportive wife, devoted mother, loving daughter, caring cousin, a doting aunt ... We will miss all the wonderful things that she was in our lives. Although I lost her, she will forever remain a precious jewel, a gem that can never be replaced in my heart. Please continue praying for our family as we try to overcome our grief and loneliness in the coming days. A thousand white roses for you, my Liezl......

A photo posted by Albert Martinez (@albertmartinez_) onMar 18, 2015 at 9:06am PDT

Noong Martes, March 17, ay nag-post din si Albert ng larawan nila ni Liezl na kuha sa isa sa mga masasayang bakasyon nilang mag-asawa.

Missing my Liezl so bad ..............

A photo posted by Albert Martinez (@albertmartinez_) onMar 17, 2015 at 2:46am PDT

Samantala, nananatiling tikom ang bibig ni Albert sa kabila ng napabalitang sama ng loob ng ina ni Liezl na si Amalia Fuentes.

Kaugnay ito ng insidente kung saan nag-walkout si Amalia bago pa matapos ang cremation ceremony ni Liezl na ginanap sa Arlington Memorial Crematorium sa Araneta Avenue, Quezon City, noong Lunes ng umaga, March 16.

Dito ay sinabi ni Amalia sa harap ng media ang diumano’y hindi pagbigay sa kanya ng oportunidad na makapagbigay ng huling mensahe para sa yumaong anak.

Pinatutsadahan din ni Amalia si Albert, na diumano’y naglayo ng loob ni Liezl mula sa kanya, gayong ang pagmamahal ng isang ina ay hindi kailanman mapapalitan.

Sabi ni Amalia sa isang bahagi ng kanyang pahayag sa media: “Liezl is irreplaceable in my life. She is my only child.

“Everyone else there now can replace her.

“Albert can get married again. I’m not saying no, but he can replace Liezl as a wife.

“The children, when they eventually get married, they will find a mother-in-law, and that will be a replacement for Liezl.

“Ako, I can never replace my daughter.

“I’m the only one among all of them who has the biggest loss, the greatest loss.”

Read: Amalia Fuentes storms out of daughter Liezl Martinez's cremation ceremony


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN