Senator Bong Revilla hopes to attend daughter’s high school graduation

Inalmahan ng prosekusyon ang mosyon ni Senator Bong Revilla sa Sandiganbayan First Division na makadalo sa high school graduation ng anak niyang si Ma. Franzel Loudette Bautista. Gaganapin ito sa De La Salle Zobel, Ayala Alabang, Muntinlupa City sa Sabado, March 28.


Sa ikalawang pagkakataon ay muling humiling ng furlough o panandaliang makalaya si Senator Bong Revilla mula sa Sandiganbayan First Division.

Ito ay sa kadahilanang nais daluhan ng senador ang high school graduation ng anak niyang si Ma. Franzel Loudette Bautista.

Bilang isang ama, nais umano ni Senator Revilla na masaksihan ang mahalagang okasyon sa buhay ng anak, lalo pa’t tatanggap ito ng apat na awards mula sa pinapasukang paaralan.

Sabi sa isang bahagi ng mosyon ng kampo ni Senator Revilla na nailathala sa GMA News Online noong March 24:

“While he does not want to abuse this honorable court's kindness and understanding, Sen. Revilla is again constrained to seek this Honorable Court's permission, this time to attend the Commencement Exercises of his daughter, Ma. Franzel Loudette Bautista, who will graduate from high school at De La Salle Zobel, Ayala Alabang, Muntinlupa City on March 28, 2015.

“The assemble and march of the graduates will start at 2:30 p.m. The program will commence at 3 p.m. and end at 6 p.m.”

Ngunit inalmahan ng prosekusyon ang mosyon ng senador na kasalukuyang nakaditena sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, dahil sa kasong plunder.

Lalabas umanong binibigyan ng VIP treatment si Senator Revilla kung sakaling pagbigyan ng anti-graft court ang hiling nito.

Lalo pa’t nauna nang ibinasura ng korte ang petition for bail ng senador.

“If this Honorable Court accedes to Revilla’s request, it will grant him a special privilege that is not accorded to an ordinary prisoner and unduly create an impression to the public that accused Revilla, being a high-ranking public official, is a favored detainee,” saad sa isang bahagi ng kontra-mosyon na isinumite ng prosekusyon sa Sandiganbayan First Division ngayong araw, March 26.

Matatandaang noong March 17 ay pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division si Senator Jinggoy Estrada na dumalo sa high school graduation ng anak niyang si Julian Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ni Senator Revilla, si Senator Estrada ay nakaditena rin sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder.

Read: Detained Senator Jinggoy Estrada attends graduation ceremony of son Julian

Kaugnay nito, iginiit ng prosekusyon na hindi dapat payagan ng anti-graft court ang hinihinging furlough ni Senator Revilla upang maiwasan ang espekulasyong binibigyan ng special treatment ang mga akusado.

Sabi pa sa kontra-mosyon ng prosekusyong humahawak sa kaso ni Senator Revilla: “It is precisely for this reason [of special treatment] that the Fifth Division of this Honorable Court earned the ire of the public when it granted a similar motion filed by Sen. Jinggoy Estrada, and allowed the latter to attend the graduation ceremonies of his son, Julian Emilio Estrada.”

Noong March 3 ay naunang binigyan ng furlough si Senator Revilla upang bisitahin ang anak niyang si Jolo Revilla, na na-confine sa Asian Hospital Medical Center dahil sa diumano’y aksidenteng pagkakabaril sa sarili.

Read: Cavite Vice Governor Jolo Revilla apologizes to dad Senator Bong Revilla

Si Senator Bong ay nakasuhan ng plunder dahil sa pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Ito ay sa kadahilanang nakipagsabwatan diumano ang senador kay pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles, kung saan nakatanggap daw ang actor-politician ng kickback mula sa PDAF na nagkakahalaga ng P224,512,500.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN