Rey Pamaran answers Robin Padilla’s plea to forgive Melissa Mendez

Rey Pamaran to Robin Padilla: "Sana maintindihan niyo po na ako ang binastos, minura, sinaktan nang physical, at siniraan ng pagkatao, at hindi siya. Binaliktad niya lahat para lumabas na siya ang biktima."


Sinagot ni Rey Pamaran ang pakiusap ng aktor na si Robin Padilla na patawarin na nito ang aktres na si Melissa Mendez.

Ito ay kaugnay pa rin ng offloading incident na kinasangkutan nina Melissa at Rey noong March 20, habang sakay ng Cebu Pacific flight papuntang Pagadian City.

Read: Melissa Mendez offloaded from plane after 'punching' co-passenger and flight attendants

Dahil sa pananakit at paninirang-puri diumano ni Melissa kay Rey, nagsampa ang huli—na kaibigan ng actor-athlete na si Andrew Wolff—ng reklamong slander at humihingi ng danyos na P3 million.

Read: Rey Pamaran files P3-M slander by deed complaint vs Melissa Mendez

Ito ay sa kabila ng nagbigay na ng apology si Melissa sa pamamagitan ng Instagram.

Read: Melissa Mendez apologizes to Rey Pamaran: “I am owning up to my mistake.”

Ngayong araw ng Biyernes, March 27, ay naglabas ng pahayag si Robin sa kanyang Facebook account upang pakiusapan si Rey na patawarin na si Melissa at iurong na ang reklamo niya laban dito.

Sabi ni Robin: "Matanda na rin po si Melissa, 50 yrs old na siya, maliit na babae at hindi naman mayaman, may naipon ngunit hindi naman sobra, sapat lang para sa pamilya."

Read: Robin Padilla appeals to Rey Pamaran: Forgive Melissa Mendez

Ilang oras pagkatapos mailathala ang pakiusap ni Robin ay nagbigay naman ng sarili niyang pahayag si Rey, sa pamamagitan ng Instagram

Aniya, bagamat napatawad na niya si Melissa, kailangan daw linisin ng aktres ang kanyang pangalan, na sinira diumano nito dahil sa pagsisinungaling.

Ang pagdedemanda lamang daw ang nakikita niyang paraan upang magsabi ng katotohanan si Melissa.

Sabi pa ni Rey kay Robin: "Sana maintindihan niyo po na ako ang binastos, minura, sinaktan nang physical, at siniraan ng pagkatao, at hindi siya.

"Binaliktad niya lahat para lumabas na siya ang biktima."

Sinagot din ni Rey ang paratang ng ilan na mukha siyang pera dahil sa hinihingi niyang P3 milyong danyos mula kay Melissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Ito lang masasabi ko, how about this, paano kung si Melissa na lang ang bibigyan ko ng 3M para sabihin ang katotohanan? Hindi ko kailangan ang 3M."

Narito ang buong pahayag ni Rey para kay Robin:

"Di nyo po naitanong kung ilan taon na ako, halos magka edad lng kami ni melissa. Malinaw sa mga pahayag ko na pinatawad ko na sya ngunit kelangan nya linisin pangalan ko na siniraan nya dahil sa pagsisinungaling nya sa mga salaysay nya. Hindi ko ginusto ang mag demanda at lalo na mag demand ng pera ngunit yun lng ang tanging paraan para mapilitan sya na sabihin yung buong katotohanan. Gusto ko sabihin nya on TV ang totoong nangyayari sa insidente at hindi puro kasinugnalingan lng para ma protektahan lng nya sarili nya. Sana matakot sya sa pag gamit ng pangalan ng panginoon sa pagsisinungaling nya. Alam naman nya na nagsisinungaling sya. Naniniwala ako na kahit hindi nya sasabihin ang buong katotohanan, lalabas din yun, lalo na't pag nagsalita na yung flight crew at mga pasahero na nakasaksi sa boong pangyayari. Sana maiintindihan nyo po na ako ang binastos, minura, sinaktan ng physical at siniraan ng pagkatao at hindi sya. Binaliktad nya lahat para lumabas na sya ang biktima. Isa pa, para dun sa mga nagsasabi na mukha akong pera, ito lng masasabi ko, how about this, panu kung si melissa nlng ang bibigyan ko ng 3M para sabihin ang katotohanan? Hindi ko kelangan ang 3M."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN