Donita Rose hopes to save her marriage: "I still believe in love.”

Career issues apparently mar the marriage of Donita Rose and Eric Villarama. He is in the States and she is here taking on more challenging acting jobs. “If you just put me in one spot and make me a chef for the rest of my life, I will be unhappy. Hindi lang ’yan ang calling ko sa buhay ko," says Donita.


“I’m good, I’m good.”

Ito ang unang sagot ni Donita Rose nang tanungin kung kumusta siya ngayon.

Biro naman ang sumunod niyang isinagot sa tanong kung totoo bang hiwalay na sila ng mister niyang si Eric Villarama.

Read: Donita Rose speaks up about rumored separation from husband Eric Villarama

“Grabe naman, grabe naman ang mga tanong na ‘yan!

“Kayo, mga kaibigan ko, mga bastos kayo! Hindi, joke, joke lang,” at tumawa ang actress-TV host.

Pero ano nga ba ang real score ng pagsasama nilang mag-asawa?

Pag-amin ni Donita, “No, we’re going through a really difficult time right now in our relationship.

“As with any marriage, meron talagang pagsubok na mangyayari.

“The distance is kind of like what we’re experiencing right now, but hindi ko bibigyan ng tuldok muna.

“Naniniwala ako na, at the end of the day, maybe God will bring us back together.

“But I can’t, you know, I can’t say… medyo nape-pressure din siya coming from the States to move back.

“So, I’m hoping that things will work out and I’ll just leave it at that na lang muna.

"May anak kami, ‘di ba? My son is not comfortable with me talking about it."

Sampung taong gulang na ang anak nina Donita at Eric na si Joshua Paul.


DIFFERENT CALLING. Kaya ba ayaw niyang mamalagi sa Amerika, maski kasama ang mister niya, ay dahil may career siya na puwede niyang balikan sa Pilipinas?

Paliwanag ni Donita, “Well, nag-work din ako sa States, e.

"I was a chef for three years but I love being a TV host.

“I love being an actress, I love being a chef, I love doing many things.

“If you just put me in one spot and make me a chef for the rest of my life, I will be unhappy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang 'yan ang calling ko sa buhay ko, first love ko rin ang career ko.”

Hindi ba iyon naiintindihan ng mister niya?

“He understands, I think what he feels sometimes is that he also has his own calling.”

Magkaiba sila ng calling?

“A little bit.”

O magkaiba ang direksiyon nila sa buhay?

“Well, I don’t wanna say necessarily na opposite directions.

“I believe God sometimes allows adversities to make people stronger.

“I don’t wanna get ahead of God right now.

"Right now, I’m smacked in the middle of everything.

“And it’s difficult for me to really talk about it not knowing where this is going at this point.

“But I’m hopeful and, you know, I still believe in love.”

Wala pa nga raw closure o tuldok ang mga bagay-bagay at wala pa rin daw siyang pagmamahal na puwedeng ialay sa iba.

“Oo nga, e, bakit natin pag-uusapan ang mga mabibigat na mga ano…

“If you guys really wanna know about my lovelife, manood po kayo ng Let The Love Begin starting May 4!”

Abala si Donita ngayon sa upcoming TV series na ito ng GMA kung saan gumaganap siya sa papel ni Celeste Sta. Maria

Pinagbibidahan ito ng Kapuso loveteam na Gabbi Garcia as Pia at Ruru Madrid as Erick, sa direksyon ni Gina Alajar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN