Daniel Matsunaga on breakup of Erich Gonzales and non-showbiz boyfriend: "That’s not my fault."

Daniel Matsunaga on breakup of Erich Gonzales and her non-showbiz boyfriend: "It’s not because of me. Before, they had their lives, and I think just they bear with each other. And, that’s it. The four years that they had, that’s it."


Itinanggi ni Daniel Matsunaga na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Erich Gonzales at ng non-showbiz boyfriend nito.

Matatandaang si Kris Aquino mismo ang nagkumpirma sa breakup ni Erich at ng ex-boyfriend nito sa isang episode ng Aquino and Abunda Tonight.

Apat na taon ang itinagal ng relasyon ni Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Kasabay ng balitang break na si Erich at ang boyfriend nito ay ang pagkakaugnay naman ng aktres kay Daniel.

Nagkasama sina Erich at Daniel sa primetime series ng ABS-CBN na Two Wives, at dito na nagsimulang mapansin ang closeness nilang dalawa.

Dahil dito, si Daniel ang itinuturong dahilan kung bakit nagkahiwalay si Erich at ang non-showbiz boyfriend nito.

Read: Kris Aquino confirms Erich Gonzales's breakup with non-showbiz BF; Erich dating Daniel Matsunaga?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV5 si Daniel sa Tides Hotel, Boracay, ngayong Huwebes ng hapon, April 30.

Isa ang Brazilian-Japanese model-actor sa mga celebrity na nakilahok sa #MyNesteaBeach Plunge Party.

Dito ay inusisa namin siya tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup ni Erich at ng ex-boyfriend nito.

Diin ni Daniel, "That's not my fault.

"We had a show together, but I think it's not because of me."

Dagdag pa niya, "I'm sorry about that, but yun, it's not because of me.

"Before, they had their lives, and I think they just learn with each other.

"And, that's it. The four years that they had, that's it."

Lalong umigting ang usap-usapang may namamagitan na kina Daniel at Erich nang namataan ang dalawa noong Linggo, April 26, sa Ninoy Aquino International Airport patungong Hong Kong.

Idagdag pa rito ang sunud-sunod na pagpu-post ng dalawa sa Instagram ng kanilang "sweet moments" habang nasa Hong Kong.

Kinikilig din ang kanilang fans, na kung tawagin ay DanRich, sa tuwing makikita silang magkasama.

Read: Rumored couple Daniel Matsunaga and Erich Gonzales post sweet photos on Instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit nang tanungin ng PEP si Daniel kung ano nga ba ang real score sa pagitan nila ni Erich, sagot nito: "Secret!"

Nais daw ni Daniel na manatiling pribado ang kanyang personal na buhay, lalo na't tungkol sa kanyang lovelife at pamilya.

Sabi ng Pinoy Big Brother All In winner, "As much as I can, showbiz is showbiz, but my family, my lovelife, you know, I keep it to myself."

Hindi naman na nagbigay ng reaksiyon si Daniel tungkol sa sinasabing "rebound" lang diumano siya ni Erich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN