Heart Evangelista reconciles with mom Cecile Ongpauco; posts about their happy reunion

Heart Evangelista on happy reunion with mom Cecile Ongpauco: "Pretty happy about this. Nothing beats learning mom’s secret recipes!”


Nagkaayos na si Heart Evangelista at ang kanyang ina na si Cecile Ongpauco, ilang araw bago sumapit ang Mother’s Day.

Base ito sa Instagram post ni Heart kung saan ibinahagi niya ang bonding moment nila ni Mrs. Ongpauco ngayong araw, May 6.

Tanging si Heart lang ang makikita sa naturang larawan habang nagluluto ng polvoron sa kusina.

Ngunit inihayag ng Kapuso actress-TV host sa caption na mismong si Mrs. Ongpauco ang nagtuturo sa kanya ng “secret recipe” sa niluluto niyang dessert.

Hindi malinaw kung si Heart ay nasa kanyang condo unit sa Quezon City o kung binisita niya ang kanyang ina sa bahay ng mga Ongpauco.

Sabi ni Heart: "Today’s special…my mom is teaching me how to make polvoron #barriofiestababy

“Pretty happy about this. Nothing beats learning mom’s secret recipes!”

Kinumpirma rin ni Heart sa mga nagtatanong na fans na ang kasama niya ay ang kanyang ina at hindi ang mother-in-law niyang si Mrs. Evelyn Escudero.

Bunsod nito, ikinatuwa ng Instagram followers ni Heart na malamang nagkaayos na sila ng kanyang ina.

Ayon pa kay Heart, nakasuot ng "pambahay" ang kanyang ina kaya hindi niya ito kasama sa naturang larawan.

HEART’S "COMPLICATED" RELATIONSHIP WITH PARENTS. Hindi kaila sa publiko ang pinagdaanang pagsubok ni Heart nang hindi sumipot ang kanyang mga magulang sa mismong araw ng kasal nila ni Senator Chiz Escudero, sa Balesin Island Club sa Quezon province, noong February 15.

Matatandaang naging emosyunal si Heart nang makatanggap siya ng sulat mula sa ama niyang si Reynaldo Ongpauco, kung saan pahapyaw na nagpaliwanag ang huli kung bakit hindi sila makararating ng kanyang misis sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng kanilang anak.

Hindi man diretsahang sinabi ni Mr. Ongpauco, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hindi pabor ang mga magulang ni Heart sa relasyon ng aktres kay Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi sa isang bahagi ng liham na ipinadala ni Mr. Ongpauco kay Heart:

"This is my promise: when the day comes that I see both of you truly happy; when I see Chiz loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking on your door."

Read: Heart Evangelista cries over father's letter on her wedding day

Pagkatapos ng kasal nila ni Senator Chiz, naikuwento ni Heart na nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap ng kanyang ama at nananatiling bukas ang komunikasyon sa pagitan nila.

Sinabi rin ng aktres na gumagawa siya ng hakbang upang mag-reach out sa kanyang ina upang tuluyan silang magkaayos.

Read: Heart Evangelista reveals conversation with dad after her wedding with Senator Chiz Escudero

Kasabay nito ay panay ang post ni Heart sa kanyang Instagram account ng ilang larawan ni Mrs. Ongpauco, na ayon sa kanyang avid fans ay patunay kung gaano nangungulila ang Kapuso actress sa ina.

Narito ang isa sa mga larawan na ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram tatlong linggo na ang nakararaan:

Sabi ni Heart sa caption na kalakip nito: "I kinda look like my mom...hehe"

Tanong ngayon ng fans ni Heart: Tanggap na rin ba ng mga magulang ni Heart ang asawa nitong si Senator Chiz Escudero?

Kung anu’t ano pa man, minsan nang naihayag ni Senator Chiz na umaasa siyang darating ang tamang panahon na matatanggap din siya ng mga magulang ni Heart.

Sabi ng senador sa kanyang speech sa wedding reception nila ni Heart sa Balesin: “Pero nais kong sabihin, mahal at tinatanggap ko sila dahil bahagi sila ni Heart, hindi kailanman puwede alisin yun.

“Ano man ang nangyari o ano man ang mangyari, bahagi siya palagi.”

Read: Chiz Escudero on Heart Evangelista’s parents: “Mahal at tinatanggap ko sila dahil bahagi sila ni Heart.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN