Sunshine Cruz on Cesar Montano’s rumored affair with Sandra Seifert: “If he’s happy, good for him.”

Sunshine Cruz reacts to estranged husband Cesar Montano’s rumored affair with a former beauty queen: “It’s really not my business anymore. If he’s happy, good for him."


Nagsalita na si Sunshine Cruz, 37, kaugnay ng balitang mayroon nang bagong karelasyon ang estranged husband niyang si Cesar Montano, 52.

Una nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa espekulasyong mayroon diumanong relasyon si Cesar kay Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert mula pa noong 2014.

Muling naungkat ang isyu tungkol sa ugnayan sa pagitan nina Cesar at Sandra nang mamataan ang dalawa na bumisita sa training ni Manny Pacquiao sa Los Angeles, ilang araw bago ang laban ng Pambansang Kamao kay Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas.

Ayon pa sa report, buntis daw ngayon si Sandra sa anak nila ni Cesar.

Read: Beauty queen Sandra Seifert pregnant with Cesar Montano's child?

Ilang araw matapos mailathala ang naturang ulat sa PEP, nagkaroon ng pagkakataon ang TV Patrol ng ABS-CBN na hingan ng reaksiyon si Sunshine kaugnay ng bagong babaeng nauugnay sa kanyang estranged husband.

Ngunit base sa pahayag ng Kapamilya actress, tila wala na itong nararamdamang anumang panghihinayang sa paghihiwalay nila ni Cesar.

Sabi pa ni Sunshine: “It’s really not my business anymore. If he's happy, good for him.”

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagdinig sa kasong physical abuse at isa pang reklamong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act na isinampa ni Sunshine laban kay Cesar.

Ang unang reklamo ay may kinalaman sa akusasyon ni Sunshine na diumano’y tatlong beses siyang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso mula kay Cesar noong “July 2009,” “January 2013,” at “May 12, 2013.”

Read: Cesar Montano charged with physical abuse by QC court

At ang ikalawang reklamo ay may kinalaman sa insidente kung saan diumano’y gumawa ng kabastusan si Cesar sa harap ng tatlong anak niyang babae na menor de edad.

Sa huling panayam ng PEP kay Sunshine, inihayag ng aktres na desidido siyang ipagpatuloy ang legal battle laban kay Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Sunshine Cruz turns down Cesar Montano’s offer of settlement

Sa kabila nito, nananatiling positibo ang disposisyon ni Sunshine.

Abala siya ngayon sa taping ng kinabibilangan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Oh My G!

Sabi pa ni Sunshine sa caption ng kanyang huling Instagram post kahapon, May 6: "SMILE! It will either warm their heart or piss them off.. Either way YOU win."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN